“Uy, baka ma-misinterpret mo ako, ha? I’m not insulting you. Actually, malapit sa puso ang mga may ADHD. Dahil na rin sa pag-aalaga ko kay Mojols. Tapos, nang makita kita, may impression agad akong ADHD ka. Kaya ako naging interested sa iyo. Kaya nga sabi ko sa iyo, gusto kitang kaibiganin, di ba?”
Madilim na, at pabalik na si Rowan sa condo sakay ng kotse ni Darryl. Ayaw sana niyang magpahatid pero nag-insist ito.
Di ba, tama ako? Ayaw mo kasing maniwala sa akin! Inisip ni Rowan na nasa harapan niya si Lianna at dinuduro ito. Friendly lang talaga si Darryl. Saka kaya siguro siya ganoon dahil akala niya may ADHD ako.
Speaking of pagiging neurodivergent, actually, Rowan got that a lot. Kahit mga kaklase niya noong college, tingin sa kanya ay autistic dahil para raw siyang may sariling mundo.
Sus, di ba pwedeng socially awkward lang talaga? Napaikot pa siya ng mga mata. He had nothing against neurodivergents. Sadyang iniiwasan lang niya ang misdiagnosis, lalo pa at pwede siyang i-underestatimate for that reason. Pinagdusahan na nga niya iyon dahil sa kanyang hearing problem tapos dadagdagan pa ng ibang condition?
Sa wakas ay narating na nila ang lobby ng condo niya. Tinabi muna ni Darryl ang kotse nito saka tinaas ang hand brake.
“Uy, thank you sa oras mo, ha?” sabi pa nito habang inaalis niya ang seatbelt. “Sana nag-enjoy ka.”
“Nag-enjoy naman ako don’t worry,” sabi naman niya bagaman medyo nag-aalangan din. After kasi nilang kumain, naglaro lang sila ng video game maghapon. 3DS ang nilaro niya, PS4 naman kay Darryl. Hindi rin sila masyadong nag-uusap.
“By the way, thanks sa 3DS, ha? Sa pagpapahiram, I mean.” Pinakita pa niya ang hawak na paper bag kung nasaan ang game console at ang bala ng Fire Emblem na pinahiram nito.
“Sabi ko naman sa iyo, sa iyo na iyan. Hindi ko na rin naman masyadong nagagamit.”
“Nako! Ayoko. Nakakahiya. Ibabalik ko na lang agad kapag natapos ko.”
Sige, ikaw. Bahala ka. But at least, tanggapin mo sana ito.”
“Ha?”
Pero biglang lumabas ang lalaki saka nagtungo sa trunk ng kotse nito. Pagbalik, may bitbit itong box na nakabalot ng birthday gift wrapper.
Inabot nito iyon sa knaya. “Alam kong ayaw mong nagse-celebrate ng birthday pero… happy birthday, Rowan?”
Napamulagat siya. “Birthday… ko?”
Tumango ito. “Twenty-three, right?”
“Huy, hindi ko birthday. January 12 ang birthday ko.”
Napawi ang ngiti nito. “Ha? Hindi nga?”
“Oo nga. Sino ba nagsabi sa iyo?”
Napakamot ito ng ulo. “Si Lianna.”
Naningkit ang mga mata niya. “Sasakalin ko iyon, ay. Ano na namang kalokohang pumasok sa isip ng impaktang iyon?”
Bigla itong natawa. “Ah, gets ko na.”
“Ang alin?”
Umiling ito. “Sabi niya kasi noong nagkita kami noong thursday, wag ko raw sasabihin sa iyo na alam ko ang birthday mo. Ayaw mo raw kasing nagse-celebrate.”
Well, tama naman ito. The truth is, sa tuwing naiisip niya ang edad niya, nakakaramdam siya ng pressure. He’s turning 23 next year. And at that age, wala pa siyang maipagmamalaki talaga.
Okay, he might have a best-selling book pero two years muna ang lumipas bago iyon pumatok sa masa. And it was all thanks to this certain i********: influencer na malakas ang impact globally. Kaya nga isang libro lang niya ang bumenta. Nilalangaw pa rin ang iba niya.
Ngumuso siya. “Pero hindi ko pa rin birthday today.”
“I guess, you’re right. But still, gusto kong tanggapin mo ito.”
“Eh? Hindi ko nga birthday, e. I have no reasons to accept gifts today.”
Darryl smiled. “But I have, and that’s because gusto kitang bigyan ng regalo. Besides, does it really matter kung birthday mo ngayon o hindi? I bought this especially for you. Sayang naman kung hindi mo magugustuhan, di ba?”
Napakamot siya ng ulo. “I guess? Sige, tatanggapin ko na.” Kinuha niya ang kahon.
“That’s good. Buksan mo na.”
“Hindi na. Sa condo na lang. Magkakalat pa ako sa kotse mo e.”
Medyo nabawasan ang ngiti ni Darryl. “Sige. Ikaw bahala. But I really hope you’ll like it.”
Inalog-alog niya ang kahon, which was has cube size na tantiya niya’y isang talampakan ang bawat side. He felt something moved pero wala siyang narinig na kahit ano. He guessed malambot ang laman niyon.
“Unan ba ang laman nito?” tanong niya.
“Hmmm… I wonder.” But his smirk suggested Rowan was right. “Ano bang gagawin mo kapag unan nga?”
“E di papatungan ng ulo. Ano bang silbi ng unan?”
“Iyon lang? Ayaw mong yakapin?”
“Maliit naman ito masyado e.”
“Still, yakapin mo pa rin. Then, think of me whenever you do.” Kinindatan siya nito.
Napamulagat tuloy siya sabay iwas ng tingin. s**t, bat ba ang gwapong nilalang nito? “Ewan ko sa iyo. Makalabas na nga!” tarantang aniya dahil nararamdaman niyang umiinit ang pisngi niya. Tapos, binuksan na niya ang pinto.
Tumawa ang lalaki. “Ingat ka, ha? See you soon.”
“Sige. S-See you, too.” Ni hindi siya makatingin kay Darryl. Then, he closed the door.
Noon lang pinaandar ng lalaki ang kotse. Noon lang din ibinaling ni Rowan ang tingin sa lalaki. Through the tainted glass, nakita niya ang mukha ng lalaki. Wow, kahit side view, ang gwapo pa rin. It must be because he was smiling. Para kasing nagliliwanag ang mukha ni Darryl kapag ngumingiti. And Rowan had to admit na nahahawaan din siya.
Hindi nagtagal, nawala na rin sa eyeshot niya ang kotse nito. Bumuntonghininga siya saka umiling for no particular reason. Then he looked at the box he was holding before shaking it again. Sigurado talaga siyang malambot ang laman niyon.
Baka stuffed toy? Nagdesisyon siyang buksan na. And he’s right!
Kulang na lang ay magningning ang mga mata niya nang makita ang isang cute na natutulog na shiba inu plushie. Agad niya iyong nilabas at niyakap.
“Ang lambot!” bulalas pa niya.
Then, he felt someone passingby giving him a weird look. Napayuko tuloy siya dahil sa hiya. Pero hindi niya maalis ang ngiti niya.
Paano kaya nalaman ni Darryl na gusto ko ng shiba inu? Ah, siguro dahil sinabi ni Lianna, isip pa niya habang sakay ng elevator at yakap-yakap pa rin ang plushie. Pero gaga talaga ang babae na iyon. For sure kaya niya sinabi iyon e para sa kanyang match-making.
Napailing-iling na lang siya saka tiningnan ang mukha ng aso. “Napahiya pa tuloy si Darryl dahil sa kagagahan ni Lianna,” bulong niya. Wala naman siyang kasama kaya ayos lang para sa kanya na magsalita mag-isa. “Inabala pa niya yung tao para sa wala.”
But still, kahit ba sabihing dahil iyon sa maling akala, Rowan thought that was something. Sino ba siya para pag-aksayahan ng oras at pagod, what more ng isang Darryl Fortaleja? It was really sweet, at kahit pilitin niya ang sariling ayawan, hindi niya mapigilang matuwa.