Chapter 9.2

1287 Words
Hindi na sinusundo ni Rowan sa pag-uwi si Lianna nang linggong iyon. Kasunduan na rin nila iyon para masanay na itong umuwi mag-isa. Nagkasundo na rin kasi silang huling linggo na niya iyon sa Manila. His stay could no longer be extended anymore. Siya kasi ang nagha-handle ng mga clerical work sa hardware nila, at natatambakan na siya ng trabaho. Thankfully, wala namang naging problema si Lianna sa pag-uwi, bagaman minsan ay medyo ginagabi ito. Hindi raw kasi ito makasakay agad minsan dahil maraming commuters sa ganoong oras. Because of that, Rowan had a luxury of time. Kalimitan ay ginugugol niya iyon sa pagsusulat. Pero pagsapit ng alas tres ng hayop, nagpupunta na siya sa gym para mag-workout. At para makasama si Levi. “You can do that, Rowan! Isipin mo, para iyan sa beach body goal mo!” pagchi-cheer ni Levi sa kanya habang nagpu-pull-up. Tinotoo talaga nito ang pagtuturo sa kanya. The problem was medyo mahirap ang pinapagawa nito, gaya na nga lang ng workout na ginagawa niya. After another repetition, Rowan let go. Naghahabol siya ng hininga nang lumapag sa sahig ang mga paa niya. Tagaktak din ng pawis at bahagya pang nahilo. Inabot sa kanya ni Levi ang tubig niya. “Very good. Nakakalimang reps ka na ngayon.” Tinungga niya ang bote hanggang makalahatian iyon. “Madaya naman ang ginagawa ko. May alalay ang first three, e.” Nakatapak kasi siya sa mga palad ni Levi bago nito inalis ang kamay at hinayaan siyang buhatin ang sarili. “Hindi iyon, ano ka ba?” Ginulo nito ang buhok niya. “Progressive overload, remember? Darating ka din doon sa wala nang assist. Tamo nga, nakagawa ka na ng dalawa.” Tango na lamang ang sinagot niya. Then, Levi asked him to move. Ito naman daw ang magpu-pullout. Grabe ang lakas niya talaga, isip niya habang pinapanood ito. Ang bilis ng galaw ni Levi. And in less than a minute, naka-fifteen repetition agad ito. Levi put himself down. Gaya niya, pawisan din ito at hiningal pero hindi singtindi ng kanya. “Lakas mo talaga maka-goal, Levi.” “Thanks,” nakangiti naman nitong sagot. Flinex nito ang mga braso. “Magkakaroon ka rin nito.” Tinaas ni Rowan ang manggas ng suot niyang shirt saka pinatigas ang muscles. And of course, walang bumakat doon. Ang payat kasi talaga ng braso niya. Napabuga na lang tuloy siya ng hangin. Si Levi naman ay natawa. “Darating ka rin do’n. Just trust the process, okay?” Kinindatan siya nito. “Proper nutrition, proper workout. Remember all of those.” Tumango naman siya. “Thanks.” Gumawa pa sila ng ilang set ng iba’t-ibang exercise bago sila nagdesisyong tama na. They ended it with cool down workouts, bago siya niyaya ni Levi na lumabas sa terrace sa gilid ng gym para magpatuyo ng pawis. Nauna itong lumabas, at ang unang ginawa ay hinubad ang suot ng shirt saka pinaikot-ikot upang ipamaypay sa sarili. Wala sa loob na napangiti si Rowan. He had to admit na ang sexy talagang lalaki ni Levi. Ang lapad ng likod nito at ang tambok ng pang-upo. Actually, ni wala itong visible lump of fats. Parang gawa sa pure muscles ang katawan nito. Kumiling patalikod si Levi sa rail ng terrace. “Uy, tara dito,” utos nito nang mapansing hindi siya umaalis sa may doorway. Agad siyang sumunod sa tumayo sa tabi nito. “Talaga bang babalik ka na sa inyo mula next week?” tanong nito. Tumango siya. “Yeah. Wala akong choice, e. May mina-manage din akong business namin.” “Nakakalungkot naman. Wala na akong gym buddy.” Wala kasing nakakasabay si Levi sa ganoong oras. Sadly, he cannot do it earlier, dahil nagtuturo ito, or later, dahil nasa club naman ito. “Kaya nga e. Kung pwede nga lang, dalhin ko na lang dito trabaho ko,” biro niya. Sa totoo lang, medyo conflicting na siya kung gusto ba niyang umuwi na o mag-stay na lang para samahan si Lianna. And Levi was the reason why. He had been hanging out with him a lot recently. Mas nakilala niya ito, at lalo siyang naging interesado rito. And he could feel Levi feels the same way. Bukod pa sa kanilang gym moment, lagi rin siya nitong niyayayang magpunta sa bar nito. Wala siyang ginagastos, Levi was giving everything for free. Madalas din silang magka-chat, with Levi's initiative. Hilig pa nitong mag-send ng random pictures sa mga kasalukuyang ginagawa nito. And last Wednesday, nag-sleepover siya sa condo nito. Magkatabi pa silang natulog, at sa kalagitnaan ng gabi’y niyakap pa siya nito. If those were not signs of showing interest, Rowan did not know what it is.  Sadly, sabado na noon. Huling araw na niyang makakasama ito for awhile. Bukas, uuwi na sila ni Lianna sa Bataan, at si Lianna na lang ang mag-isang babalik. Pero hindi niya pinaplanong basta na lang sila mmaghiwalay ng landas. Last night, he decided to confess to him today. He just needed to find and opening. But it was easier said than done. Katunayan, iyon siya at kinakabahan na. Nagkwekwento noon si Levi, but Rowan could not concentrate on what he was saying. Paulit-ulit kasi niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya ang pinaplano. Paulit-ulit, like it was a mantra. “Rowan?” Napitlag siya. “Ha? Bakit?” Levi’s twitched in amusement. “Wala. Sabi ko, anong plano mo ngayong babalik ka na sa inyo. Hindi ka na ba babalik ulit?” “Well… siguro, bibisita ako paminsan-minsan.” Bumuntonghininga siya. Bibisitahin kita, gusto niyang sabihin pero wala siyang lakas ng loob. “Wag namang minsan. Dalasan mo naman. Mga twice a month. Mami-miss kita--” Napangiti siya sa sinabi nito.  “--saka hindi na ako makakasilay kay Lianna.” Natigilan siya saka gulat na napatingin dito. “Ha?” bulalas pa niya. “Wala!” sagot naman nito, habang nakangisi. “Anong wala ka d’yan? Narinig ko ang pangalan ng kapatid ko.” Napakamot ito ng ulo. “Wag kang magagalit, ha? Pero kasi…” Umiwas ito ng tingin. “Crush ko kasi kapatid mo.” Kulang na lang ay malaglag ang panga niya sa sahig. “Ang ganda-ganda kasi niya. Lakas ng dating. Alam mo yung ang kikay niya pero hindi siya maarte tingnan. May pagka-boyish pa nga siya minsan kumilos. Nagagandahan kasi ako sa gano’n babae, sa totoo lang.” Napakurap-kurap siya saka napaatras. “You mean, type mo ang kapatid ko?” Tumango ito. At biglang namula. “Gusto ko nga sanang magpaalam sa iyo kung pwede ko siyang ligawan--oy, san ka pupunta?” Pero hindi na niya ito pinakinggan. Tinalikuran na niya ito at tumakbo palayo rito. Pumasok siya at kinuha ang gamit niya saka lumabas sa kabilang side. Of course, he heard Levi called him, pero hindi niya ito pinansin. Swerte nga rin niyang may elevator sa floor na iyon kaya mabilis siyang nakaalis. “s**t,” usal niya nang umaakyat na ang elevator. He could feel his heart beating so far, out of frustration. And out of disgust. “Minor pa lang si Lianna, alam niya iyon. Hindi niya dapat jowain ang gano’n edad.” Nang makalabas siya sa elevator, kinuha niya ang phone sa bulsa at nag-log-in sa i********:. He looked for Levi’s profile and blocked him. Ganoon din ang ginawa niya sa Messenger. Gustong matawa ni Rowan. Kanina lang ay kumbinsido siyang gusto niyang makarelasyon si Levi. Pero ngayon? Eto siya at humihiling na sana’y layuan na siya nito. He was so disgusted about what he just learn. Diyos ko! Mukhang delayed na naman ang paghahanap niya ng jowa. But he felt no regret. After all, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kapatid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD