Rowan might not be regretting his impulsive decision of cutting his ties with Levi, but it did not mean he would not feel frustrated. Kaya nang gabing iyon, nagmumukmok siya. Oras ng dinner, nagkulong sa kwarto. Tapos nang makapagligpit na at naghahanda na matulog lahat, nakaupo sa sofa bed at nakatunghay sa bintana.
Kapansin-pansin ang pagkabalisa niya kaya hindi na rin nakakapagtaka nilapitan siya ni Lianna at tinanong kung anong topak niya.
“Wala,” masungit niyang sambit dito.
“Kuya, kapag ganyang nagsusungit ka, I’m sure meron. Tell me what it is.”
Naniningkit ang mga matang hinarap niya ang kapatid. “Ang tigas din ng kulit mo, ano? Sinabi nang wala, di ba?”
“Asus. Di nga, ano iyon?”
Inirapan na lamang niya ito saka itinuon ang atensyon sa tinitingnang city light. Sab nila, maganda raw ang city lights. Asan ang ganda rito? He barely saw anything luminous on that angle.
“Sungit talaga nito kahit kailan.” Napaikot ng mga mata si Lianna saka kinuha ang shiba inu plushie na nasa tabi niya. “Cute talaga nitong stuff toy mo. Sana totoong shiba na lang niregalo ni Kuya Darryl.”
Muli niya itong hinarap. “Hoy, ang demanding mo ha? Pinahiya mo na nga yung tao tapos gumaganyan ka pa?”
Humagikhik ito. “Ito naman, pinapagaan ko lang mood mo, e. Saka na-appreciate ko naman effort ni Kuya Darryl, ah? Sabi ko nga ang cute nito e.”
Muli siyang napaikot ng mga mata.
“So, sino bang nagpainit ng ulo mo ngayon? Si Kuya Levi ba?”
Hearing that name made Rowan frown.
“O? Tama ako? What happened?”
Napakamot siya ng ulo. “Basta.”
“Tamo ito! Bakit ba kasi ayaw mong mag-open? Yan hirap sayo e. Tapos magmumukmok ka dyan na akala mo e aping-api.”
Rumahas ang pagkakamot niya ng ulo. “E kasi naman… ah, ewan!” Ginulo niya ang buhok. “Kasalanan ko rin siguro. Ang tanga ko rin kasi.”
“O, bakit? Kasi nag-assume ka?”
Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
“Alam mo kasi, Kuya, alam kong straight si Kuya Levi. Halatang hanggang friend lang ang tingin no’n sa iyo.”
“Straight ka dyan? E ano yung mga paghawak-hawak niya sa kin, ha? Tapos no’ng nag-sleepover ako sa unit niya, may pagyakap pa sa kin.”
Biglang nagningning ang mga mata nito. “Ay weh? Nagyakapan kayo?” Sa pagngisi nito, alam ni Rowan na iba na ang iniisip nito.
“It’s nothing like that, Lianna. Wala tayo sa yaoi manga. Niyakap lang niya ako habang natutulog kami.”
Bigla itong na-disappoint. “Ah. Tapos ikaw, nag-assume ka naman na may gusto na sa iyo dahil lang sa niyakap ka? Di mo man lang naisip na baka nangyayakap lang talaga siya kapag tulog?”
Napanguso siya dahil sa sinabi nito. “Oo na. Assuming na.” Bumuntonghininga siya. “I just find it weird na nag-eeffort siyang kilalanin ako. Tapos, ito pa, lagi akong china-chat. Tapos, nagse-send ng picture sa kin.” Napaiing-iling na lang siya.
“Picture? Selfie?”
“Mostly, oo. Pero minsan, mga kinakain niya.”
“Ay gaga ka. Di yan interested sa iyo. Tawag d’yan, narcissist.” Napalo nito ang noo. “Di ko alam gagawin ko sa iyo, Kuya. Ikaw ang mas matanda pero ang ending ikaw pa ang mas mukhang inosente sa tin.”
Rowan remained silent. Dahil sa totoo lang, kahit ayaw man niyang aminin, tama ito. Pagdating sa kilos ng ibang tao, medyo dense siya. Siguro dahil na rn sa kahinaan ng social skill niya. Lumaki rin kasi siyang ilap sa tao. He actually has this tendency to be shelved by his own ideas. Hindi siya masyadong open sa outside opinion, at kaya naman hindi siya madaling makihalubilo sa ibang tao.
“Ano ba kasing nagustuhan mo kay Kuya Levi?” muling tanong ni Lianna. “Hipon naman iyon, ah?”
Ngumuso siya ulit. “I guess, yung pagiging ma-effort niya pagdating sa akin. Marupok ako kapag gano’n e.”
“Ay, weh? Mahilig ka sa lalaking ma-effort?”
Tumango siya.
“E bakit ayaw mo kay Kuya Darryl.”
Napakunot siya ng noo saka dahan-dahang binaling ang tingin dito. “Bakit ba panay ka Darryl? Ikaw yata ang may crush sa kanya e.”
And like what he’s expecting, nag-blush ito. “E bat ba? Ang pogi kaya. Saka crush lang naman. Ikaw pa rin ang love, ayiiie!” Tinusok-tusok pa siya nito.
“Heh! Tigilan mo nga!” Pinalo niya ang kamay ito. “Walang gusto sa akin si Darryl. That’s impossible.”
“Ito kamo.” Napaikot ito ng mga mata. “Bulag ka ba o tanga? Hanggang saan ba aabot ang pagiging in-denial mo?”
“Di ako in-denial. Realistic lang. Saka totoo naman, e. Hindi siya interesado sa akin. Or at least, iba ang pagiging interested niya sa kin.”
“O? Tell me about it.”
Bumuntonghininga siya. “Gusto lang niyang makipag-friend dahil malapit ang puso niya sa mga autistic. At akala niya, autistic ako.”
“Ay, weh? Di nga?” Bigla itong tumawa. “So, akala niya, autistic ka?”
“Oo.” Umikot pa ang mga mata niya.
Lalong lumakas ang tawa nito. Hinampas pa nga siya nito sa likod. He growled in pain. “Gaga, wag ka maingay. Baka magalit si Tita,” pabulong pa niyang paalala.
Agad naman itong tumigil at tumikhim. “Pero seryoso, iyon ang dahilan niya kung bakit siya interesado sa iyo?”
“Yeah. Pareho raw kami ni Clark ng vibe e. So akala niya, autistic ako.” Umiling-iling siya. “May brother complex iyang Darryl mo.”
Napahimas ng baba si Lianna. “I see. So that’s how it works, huh?”
“So, kumbinsido ka nang hindi niya ako gusto?”
But to his surprise, Lianna’s keen belief remained steadfast. Kahit daw kaunti, hindi ito nag-agam-agam!
“What the f**k, Lianna? Hanggan saan aabot ang kulit mo?”
“No, that’s not the question. Or at least, that question is for you. Hanggang kailan ka magiging makulit at patuloy na ide-deny ang feelings ni Kuya Darryl?”
Huminga siya nang malalim. “Nothing will ever change it, Lianna. Not a chance. Sino na lang ba si Darryl kung ikukumpara mo sa akin? Hindi lang siya basta sikat sa social media, galing pa siya sa isang mayamang pamilya. At kahit sabihin mong paminta siya, there’s no way his family will support it. I’m sure they want him to bear a heir.”
“Yeah, yeah. Whatever. Feeling mo na naman nasa telenovela ka.” Napaikot na naman ito ng mga mata.
“Bakit ba? Totoo namang nangyayari iyon, ha?”
“It is. Pero sure ka bang same case kay Kuya Darryl?”
Of course, he believed it is. Pero nang hingian siya ng ebidensya ni Lianna, natahimik siya. Oo nga, wala nga siyang patunay.
It was just his gut feeling, after all.
Bumuntonghininga si Lianna. “Ano bang tingin mo kay Kuya Darryl?”
“Stop it. Tama na ang kalokohang ito.”
“I’m serious, though?”’
“Nope. I’m sure this is a part of your game again, Lianna. And sorry to say but,” umiling-iling siya, “I refused to be a part of this.”
Marahas itong napakamot ng ulo. “Ang tigas talaga ng kulit mo, Kuya. Jusko. Nakakaloka ka.” Mabilis nitong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Ito lang ang mapapayo ko. Stop thinking too much. Feel. Focus on what you feel. Kung parati kang magpapadala sa takot mo, then sorry to say, hindi ka talaga uusad. I’m your sister, Kuya, kaya kilala kita. And I know where your fear is coming from. Alam ko kung bakit takot na takot kang mag-risk kay Kuya Darryl.”
Then, tumayo ito. “Lahat ng bagay, may risk for disappointment, but trying and failing is still better than running away and eventually regretting it. Opportunity knocks only once. Huwag mong hayaang mawala sa iyo ang matagal nang inaalok, lalo na kung alam mo naman sa sarili mong gusto mo naman at sadyang takot ka lang.”
And then, there was silence.
Nakatingin sa kanya si Lianna, as if waiting for him to answer. Kaso wala siyang gustong sabihin-- o mas tama sigurong wala siyang lakas ng loob magsalita. Gets niya ang point ni Lianna. Maraming beses na niya iyong narinig, and yet he still could not put it into action. Hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob. That was the problem with himself anyway -- his absence of sense of self-worth.
After all, he grew up in an environment where he always feel he was not enough no matter how hard he tries to prove it.
Hindi nagtagal, biglang bumuntonghininga si Lianna. Parang napagod na itong maghintay sa sagot niya.
“Sige na. Matutulog na ako.” Tumalikod ito. “Pero, Kuya, pag-isipan mo ang sinabi ko. Hindi lang to applicable kay Kuya Darryl kundi sa lahat ng aspeto ng buhay mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon, sa parents natin iikot ang buhay mo. You have your own life. Matagal ka na nilang hindi hawak. Ikaw na lang ang hindi nakaka-realize no’n.” Tapos, umalis na ito.
Rowan sighed, and faced the other direction. Tapos, hinilig niya ang ulo sa sandalan.
Alam niya iyon. Alam niya ang sinasabi ni Lianna. And yet he still could not move. The past was still hunting him, and whenever he remembered it, it would leave him paralyze and unable to move…
And that just sucks.