Ang labanan para sa diyamante
"Hindi na kita bibigyan ng pagkakataong mabuhay Kuroso,dahil ikaw ang dahilan bakit namatay si Alnero."
"Kaya mo Krusus,Wala pang nabubuhay sa aking espada.",Tugon ni Kuroso.
Hindi alam ni Kuroso na bihasa si Krusus sa digmaan.Siya ay simbilis ng kidlat sa anumang laban.
Unang hampas ni Kuroso ay putol ang espada ni Kuroso.
"Katapusan mo na Kuroso.",Sigaw ni Krusus.
Tinamaan si Kuroso sa puso at sinaksak pa ulit ito ni Krusos nang tatlong beses sa puso,at ito ay humandusay sa lupa.
"Asero ang gamit ko,paano ka magtatagumpay dito Kuroso?",Saad ni Krusus.
At naglaho si Krusus.
Samantala,Si Adamya ay naroon ang sirena na si Johina kausap si Samantha,ang diwata ng Elgarod.
"Ano ba talagang nangyari kay Alnero?",tanong ni Samantha.
"Hindi naman talaga namatay si Alnero,napunta lang siya sa Noxaria,
Ang kaharian sa Mt.Adamus.",tugon ni Johina.
"Kung ganun,hahanapin ko siya",Sambit ni Samantha.
Tumakbo si Samantha nang mabilis.
Si Samantha ay may nakitang diwata na si Sheenah.
"Ave Sheenah,saan naroon si Alnero?",Tanong ni Samantha.
"Nasa Noxaria siya,subalit kung nais mo siyang makita ay kailangang lumipad ka,sapagkat mapanganib ang Daan patungo Doon dahil sa mga higanteng halimaw.",Tugon ni Sheenah.
"Pwedeng tulungan mo ako Ave Sheenah?",Saad ni Samantha.
"Gusto ko dalhin mo dito si Cleopatra upang turuan siya ng leksyon.",Tugon ni Sheenah.
Nais ni Krusus na makuha ang diyamante ng apoy,subalit ito'y nasa pag-iingat ng mga tagapagbantay na diwata.Hindi ito makukuha nang walang pahintulot nila.
"Kamahalang Alnero,Nandito ka na sa Emmerandia, Sa loob ng tatlongdaan taon bilang Makapangyarihang diwata.At mayroon kang misyon,Kailangang bumalik ka sa mundo ng mga mortal upang dalhin dito ang Alpha ni Sheena.",Bungad ni Ave Gudiva.
"Hindi pa maaari,Hayaan mo pa siya dito ng tatlong milyong taon.Pagod na siya sa sistema ng mga mortal.",Sabad ni Heavena.
"Ave Heavena,yun ay kailangang mangyari.",Saad ni Gudiva.
"Kailangan siyang maging Immortal muna bago bumalik sa mundo ng mga tao.Galing na siya Doon,hindi ko nais na makitang nahihirapan siya.",Saad ni Heavena.
Dumating si Almera,Ang Tagapagmasid na diwata ng Noxaria.
"Tama lang ang sinabi ni Heavena.",Saad ni Almera.
Nagalit si Gudiva,at hinagis ang Baston na hawak niya.
"Alnero,huwag Kang susunod sa kagustuhan ni Gudiva.Dito ka lang sa Noxaria, Ayon sa Propesiya, kailangang maging Immortal ka.",Saad ni Almera at hinawakan ang kamay ni Alnero.
"Sumunod ka sa akin",Saad nito kay Alnero.
"Kamahalang Alnero,Ikaw ang nais naming maging Pari ng kaharian na ito.Ang Hari dito ay wala pa,At wala kaming Reyna.Kung nais mo gagawin naming Reyna mo si Almera.",Saad ni Nessa,Isang Mandirigmang diwata.
At nagkatitigan si Alnero at Almera.At Doon nabuo ang pagtitinginan nila sa isa't isa.
Samantala sa ibang dako,nandoon si Samantha tumungo sa Agartha upang hilingin kung paano lumipad.
Subalit may masamang diwata na Guerra ang pangalan, nais niyang maghasik ng lagim sa Agartha.Gumagamit siya ng itim na mahika.Nabalitaan niya na pupunta si Samantha Doon, Nais niya itong patayin.
Subalit dumating si Alanis,at niligtas si Samantha sa pamamagitan ng Evictus.
Dinala siya ni Alanis sa Magartha.
"Anong lugar ito?",Tanong ni Samantha.
At nakita niya si Alanis.
"Sino ka?",Tanong ni Samantha.
"Huwag mo nang itanong,mapanganib sa dakong pupuntahan mo.Dito ka lang.",Saad ni Alanis.
"Pero kailangang lumipad ako,gusto Kong makita si Alnero. ",Sagot nito.
"Alam Kong gusto mong lumipad,pumunta ka sa Himalaya nandoon si Mayari upang ikaw ay tulungan. ",Saad ni Alanis at umalis na ito.
"Anong lugar ito,Sobrang laki ng Kaharian.",Saad niya sa sarili.
Pumasok siya sa loob,may Reynang nakaupo.Siya si Almera, Itinanghal siyang Reyna ng Noxaria.
Parang duwende si Samantha sa taas ni Almera.