NAHARA'S POV:
"Are you okay now?" Tanong na una kong narinig as soon as I open my eyes.
"Anong nangyari?" Taka kong tanong. "Aaahhh..." bulalas ko nang maramdaman ang hapdi sa aking balat.
Tila nataranta naman siya at hindi mapakaling tumayo at kinuha ang basang bimpo at idinampi iyon sa aking mga namumulang balat.
Dahil roon ay napansin ko na may suot na akong damit.
Binihisan niya ba ako?
Nang luminga ako sa paligid ay napagtanto ko na nasa loob ako ng aking silid.
"You passed out while we were arguing." Narinig kong sabi ni Sullivan.
"Huh?" Ang huli kong natatandaan ay kahalikan ko siya. Nang mapadako ang paningin ko sa kan'ya ay bigla ang pag-init ng aking pisngi.
Lalo na nang marahan niyang hinipo ang aking noo, upang tingnan kung mainit pa ba ako.
"Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo, pero namumula parin ang balat mo," nag-aalalang sambit niya habang nakatitig sa akin. "Wait a moment, I’ll just get the rice porridge I cooked so you can eat.” Mabilis ang lakad niya at hindi niya na ako hinintay pamg makasagot.
Sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa makalabas ng silid.
Ano bang nangyari? Hinimatay ako? Bakit? Bakit ako biglang nilagnat?! At bakit napakahapdi ng aking balat? Anong big sabihin niya hinimatay ako, habang nagtatalo kami? Panaginip lang ba ang pinagsaluhan naming halik? Oh, God!
Nang bumalik siya ay bitbit niya na ang isang tray na naglalaman ng isang mangkok na lugaw at isang basong tubig.
Maingat niya iyong inilapag sa lamesita.
"Kumain ka na, para magkalaman ang tiyan mo, at mainitan." Sambit niya.
Inalalayan niya ako para makaupo ng ayos at marahang umupo sa tabi ko.
Sitting next to him makes my heart race. Rinig na rinig ko ang kalabog ng puso ko, lalo na nang inilapit niya ang kutsara sa aking bibig para ako'y subuan.
Gosh! I couldn't stop looking at his handsome face.
At nang mag-umpisa siyang subuan ako ay muling nag-init ang aking pisngi, habang nakatitig sa labi niya na kay pula.
I automatically open my mouth as he continues to feed me cooked porridge.
"Nagbabad ka atang masyado sa pool kaya ka nagkasakit." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko nang maalala na bihis na bihis ako ngayon.
Pati ba bra at panty ko siya ang nagpalit? Malamang 'di ba? Siya lang naman at ako ang tao rito, wala ng iba.
Oh my gosh! Nakakahiya, ibig sabihin nakita niya na naman ang buong katawan ko?!
Nakatadhana na ba na lagi niya akong mabobosohan?! Napangiwi ako sa aking iniisip. Napawi lang nang magsalita si Sullivan.
"Hmm... ano iniisip mo?" Kuryoso niyang tanong sa akin. "Pansin ko lang, paiba-iba ng expression ang mukha mo." Titig na titig niyang sabi.
Agaran ang pagsinghap ko sa sinabi niya. Hindi ko sukat akalain na pagmamasdan niya ako nang matagal.
Saglit niyang kinuha ang tabletang gamot, binalatan at agad inabot iyon sa akin.
"Uminom ka na nito, para mabilis kang gumaling," sambit niya na tila isa akong maliit na bata kung pagsabihan niya.
Bigla tuloy napawi ang kilig ko. At agad nakaramdam ng lungkot. Maybe he only cares because my daddy is his best friend.
Ayaw niya lang siguro na magkasakit ako kasi responsibilidad niya ako, lalo na at narito ako sa pangangalaga niya.
Marahan akong nahiga at pumikit.
"Gusto ko nang magpahinga." Sambit ko sa malamig na tinig.
Naramdaman ko na lamang ang paggalaw ng kama at ang pagkumot niya sa akin.
"I’ll be back later,” he said softly, planting a gentle kiss on my forehead, catching me off guard.
Balak na sanang magluksa ng puso ko, pero heto na naman siya, pinakikilig ang puso kong marupok. Shocks! Kinikilig ako, kung p'wede lang umirit ay baka ginawa ko na.
Hanggang sa muli na akong hilahin ng antok.
"Nahara, anak?" Bulong sa akin ni Papa, he perched on my head, his fingers weaving through my hair like a gentle breeze.
Ngumiti pa ako sa kan'ya, in my half-awake stupor, I flailed both arms, startled by the sensation of floating. There I was, suspended like a bewildered marionette. My hands, once passive, transformed into desperate paddles, slashing through the water.
"Oh, you should see your face, Nahara!" Papa chuckles at me, na para bang isa akong nakakatawang diwata ng tubig na nalulunod.
"Papa naman, e!" Reklamo ko sa kan'ya ng mahimasmasan.
"Ang tigas ng ulo mo, hindi ba sinabi ko sa'yo na huwag kang maliligo sa swimming pool na may chlorine?" Bigla ang pagseryoso ng kan'yang mukha nang sabihin iyon sa akin. "I told you so many times not to swim, or your skin will burn!" Mariin niyang ulit sa akin na ikinatahimik ko.
"Opo, Papa! Hindi na mauulit." Lumapit ako sa tabi niya at ikinawit ang aking dalawang kamay sa beywang niya at niyakap siya ng mahigpit.
Muli niyang hinagod ang mahaba kong buhok at hinalikan ako sa noo.
"Sa susunod na suwayin mo pa ako ay hindi na kita kukuhanin pa!" Mariin niyang sabi.
I immediately nodded and blinked my eyes so that he wouldn’t scold me anymore.
Mabait naman si Papa Nereus, pero kapag nagalit siya ay sobra-sobra. Hindi naman sa gusto ko siyang suwayin, nakalimutan ko lang na bawal nga pala ang may sobra-sobrang chlorine sa aking katawan. Agad nagdudulot iyon ng pamumula sa aking katawan at kung hindi maagapan ay baka magkasugat-sugat ang aking balat.
Hindi ko lang ininda kanina sa harap ni Sullivan. Dahil hindi naman alam ni Sullivan ang totoong katauhan ko at ni Papa. Nakikita niya si Papa, ngunit hindi niya alam na isang God of water si Papa.
"Sige na, bumalik ka na roon! Baka mamaya ay magtaka na si Sullivan."
Sa isang kumpas niya lang ay mabilis akong nakabalik sa bahay.
Halos mapatalon pa ako ng saktong pag-appear ko sa bulwagan ay ang paglabas niya naman ng pintuan.
Para akong maliit na dagang nahintatakutan sa biglaang paglabas ng malaking pusa.
"God, andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" Nag-aalala niyang sabi sa akin, na ikinangiwi ko.
Mabuti na lang pala na hindi niya ako naabutan. Malalagot talaga ako ng 'di oras.
Hinawakan niya ng marahan ang aking kamay nang hindi ako sumagot. Agad niyang marahang pinadapo ang kan'yang palad sa aking noo. Nang maramdamang hindi na ako mainit ay bigla ang pagngiti niya.
Muli niyang hinawakan ang aking kamay at hinila.
I felt as delicate as glass as he gently guided me into the house. Unintentionally, I brushed against his arm, which felt remarkably firm.
Gosh! Hindi parin ako masanay-sanay na madikit sa kan'ya. Pakiramdam ko ay may kuryenteng gumagapang sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.
"Ang lamig sa labas, dapat hindi ka na lumabas. Baka mabinat ka pa niyan," malimbing niyang sabi, habang patuloy akong akay patungo sa aking silid.
Ano kayang pakiramdam niya sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko? May nararamdaman din kaya siya sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang kagatin ang aking labi, para mapigilan ang aking kilig.