CHAPTER 6

1012 Words
NAHARA'S POV: Pinagaling ako ng tubig ng lawa, kaya naman ngayon ay muli na akong nakapasok sa Unibersidad na aking pinapasukan. Agad akong sinundo ni Caeden nang mamataan niya akong naglalakad sa may Carabao park o ang tinatawag naming C-park. "Hi!" Bati niya agad sa akin na ikinangiti ko. Magaan ang loob ko kay Caeden, kaya naman sa kan'ya ako laging sumasama. Ano kayang reaksyon niya kapag nalaman niyang hindi ako pangkariniwang tao? Humagikgik ako bigla nang may naisip. "Oh, ba't bigla ka na lang natawa?" Tanong niya, habang nakakunot ang noo. "Wala!" Natatawa ko paring sabi. "Manood ka mamaya ng game ko ha? Aantayin kita mamaya sa quadrangle." Yaya niya sa akin. He is undoubtedly one of the most gifted football players I’ve encountered. His agility on the field, combined with an innate understanding of the game, sets him apart. Ilang beses niya na rin akong ininbitahan, but my priorities lie elsewhere. Mas prioridad ko talaga ang matuto and the weight of academic responsibilities keeps me grounded. At isa pa, palagi akong sinusundo ni Sullivan sa tamang oras. Ayoko rin naman siyang pag-antayin ng matagal. But now that Sullivan told me he might be late picking me up, baka ngayon ay makanood na talaga ako. Sayang rin naman kasi ang pagkakataong mapanood ang pinakamalapit kong kaibigan. "Alright!" I said it happily. Isinukbit ko ang braso ko sa braso niya at hinila na siya para mabilis kaming makarating sa Cas o College of Arts and Science department. Malayo pa naman 'yon, wala kaming sasakyan. Nagmamadali kasi kanina si Sullivan, kaya sa gate niya lang ako nahatid. Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase ko. Kung hindi pa ako kinulbit ni Reyla, hindi pa ako tatayo. "Nagugutom na ako, kain muna tayo sa labas, bago manonood ng football." Aya niya sa akin. "Sure, I suddenly get hungry too." I chuckled as my stomach growl unexpectedly. Just hearing about food made me realize how hungry I was. Pinili naming kumain sa labas ng gate ng Unibersidad dahil maraming mas mura doon. Isa pa, maraming sikat na fast food ang noroon, kaya naman doon talaga naming pinipiling kumain. Kahit na medyo malayo sa department namin. Exercise din naman iyon, kaya maraming sa aming mga isko at iska ang healthy, kakalakad ba naman sa araw-araw. Matapos kaming kumain ay tumambay lang kami sa Oble park. "Tara, picture tayo kay Oble!" Yaya ni Reyla sa akin.na agad kong sinang-ayunan. Mahilig rin naman akong mag-selfie, kaya mabilis niya akong mapapayag. Agad kaming nagpeace sign ni Reyla nang makapwesto kami sa harap ng statue ni Oble. I pouted my lips to look cuter. "Naku! Nagpicture kayo?" Takang tanong ni Lolly sa amin na kadarating lamang. "Oo, why?" Taka ko ring tanong, para kasing kinabahan siya nang makita kami. "Hindi niyo ba alam na kapag nag-picture kasama si Oble, ang sabi-sabi ay made-delay ang menstration, hala! Baka mabuntis kayo ng 'di oras!" Sabay iling-iling ng ulo niya, na animo'y totoong-totoo nga ang tsismis. "Marami nang nabuntis!" Saad niya pang pananakot sa amin. Nagkibit lang ako ng balikat, hindi naman kasi ako made-delay kasi virgin pa ako. Ewan ko lang 'tong katabi ko, saktong pagbaling ko sa kan'ya ay nakita ko kung gaano na siya namumutla. "Nagbibiro ka lang 'di ba?" Paniniyak niya pa kay Lolly na ikinatawa ko. "Tara na! Bakit ka ba nagpapaniwala d'yan? Biro lang 'yon!" Pampalubag ko sa kan'ya. "Mabuti pa, dumerestso na tayo sa quadrangle, para makanood ng laro ni Caeden." Suhestyon ko, para hindi na siya mag-isip. Halata kasing kinabahan ang loka. Sana all kasi may boyfriend. 'Yung sa'kin kasi matanda na, iba pa ata ang gusto. Nang makarating nga kami sa quadrangle ay agad akong kumaway kay Caeden, nang mamataan nakatingin siya sa akin. While jogging, he ran towards me. His eyes twinkled as he approached. "Akala ko hindi ka na pupunta, e." Ngiting-ngiti niyang sabi. "P'wede ba 'yun? Nangako kaya ako sa'yo," nakangiti kong sabi. "Asus!" Reyla exclaimed, bumping into me, na kanina pa pala nakikinig sa aming dalawa. "Bakit kasi hindi na lang kayo? Bagay na bagay kaya kayo!" She cheerfully said. Na ikinanguso ko, pa'no naman mangyayari 'yun? E, hindi naman kaya nanliligaw ang isang 'to at isa pa- Natigil ang pag-iisip ko bigla nang makitang namumula si Caeden, na tila nahihiya at hindi makatingin sa akin ng deretso. Awang ang aking bibig sa reaksyon niyang iyon. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para siya'y punain nang bigla ay narinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Sullivan. "Nahara!" Mariin niyang tawag. Tss! Akala mo isang pulis na nakahuli ng magnanakaw kung makatawag. Tss! Otomatiko akong humarap sa kan'ya, habang nakakunot ang aking noo. What the hell?! Paano na naman niya ako nahanap rito sa quadrangle?! "Aww... not again!" Narinig kong sabi ni Caeden, nang humakbang ako papalapit kay Sullivan. "Akala ko ba male-late ka?" Tanong ko nang makalapit ako, pansin ko na salubong ang kilay niya, habang nakatingin kay Caeden. "Mabilis kong tinapos ang trabaho ko, para masundo kita agad." Mariin niyang sabi, sabay igting ng panga niya. "Baka mamaya kung kani-kanino ka na nagpapaligaw!" Sabay tingin niya ng masama kay Caeden. He owns two private resorts. That’s why I don’t insist on him picking me up, because I know he’s really busy there. "Magpaalam ka na sa kanila!" Seryosong utos niya, na agad kong ginawa. Hindi ko talaga alam kung paano niya ako nahahanap, kahit na nasa malayo ako. Kung hindi lang siya best friend ng daddy ko ay baka iniisip ko na ngayon na stalker ko siya. "How did you find me?" Taka ko nang tanong matapos makasakay sa kotse niya. "Wala lang, alam lang ng puso ko kung nasaan ka," sambit niya na ikinanguso ko. I chuckled upon hearing him. What?! Is he now giving me a pickup lines? Luh! Totoo kaya 'yun? Kinagat ko ang labi ko at mariing pumikit para pigilan ang aking kilig. What if in love na pala siya sa akin? Bigla ay napahawak ako sa aking pisngi, nang maramdaman ang pag-init niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD