
Palibhasa'y nagmula sa mayamang pamilya kaya naman palagay-loob si Hannah sa kanyang buhay. Dahil nag-iisang anak ay sunod siya sa luho. Easy-going sabi nga nila.
Ngunit isang araw ay nagising siyang nawala na ang lahat sa kanya. Ang dating maluho at spoiled na dalaga ay naging pagmamay-ari ng iba bilang kolateral ng kanyang mga magulang kapalit ng malaking halaga.
Magagawa kaya niyang makatakas sa islang pinagdalhan sa kanya ng binatang nakabili sa kanya upang mabawi ang dati niyang buhay? O hahayaan na lamang niyang lunukin ang sariling mga salita na hinding-hindi siya iibig sa binata?
