“DITO ka lang sa parking area, ako na ang aakyat sa unit ni Rim,” wika ko kay Alec na nakanguso at nakalukipkip sa driver’s seat. Pinilit ko siyang sumama sa akin dahil kailangan naming tumungo sa HQ.
Nang rumehistro sa utak ko ang itsura ng kapatid ni Rim at ng babaeng nasa litrato na nasa cellphone ni Keith ay agaran akong tumungo dito. I need to check it myself if Rim’s sister was the one who shot Alec.
“Bilisan mo Sophia, magsisimula na ‘yong game ng NBA.”
I rolled my eyes and blow a deep breathe. Lumabas ako ng sasakyan at lakad-takbo na pumasok sa loob ng isang gusali kung saan nakatira si Rim. Nang nasa harap na ako ng elevator ay agad akong pumasok ngunit bago ko pa man maisara iyon ay may babaeng humabol at siya na mismo ang pumindot ng pagsara.
She pressed the 25th floor. The same floor what I’m supposed to pressed. I looked at her and smirked. Her pony hair was messy and I guess she’s 5’2 in height. Hanggang leeg ko lang siya at nagmumukang pandak sa tabi ko. Why not? I’m 5’6 tall.
Humalukipkip ako at tumitig sa kawalan. Ilang araw na rin nang umalis ako kay Dominique. Although I'm still hurting every time Kobe gave his full attention to Dominique, I'm still happy for him. Ganoon naman talaga ang pagmamahal. Pag mahal mo, hahayaan mong maging masaya. Kahit sobrang sakit na.
“25th floor ka rin ba, Miss?” Tanong niya na nakangiti. Napagtanto ko na nasa 25th floor na pala kami. Tumango ako at lumabas ng elevator at nilagpasan ang babae. Madali akong naglakad sa pasilyo patungo sa unit ni Rim.
The moment I reached Rim’s unit, I pressed the doorbell. Ilang segundo lang nang bumukas ang pinto at bumungad si Rim na magulo ang buhok at tanging boxer ang sout. Nagtaas siya ng kilay at iritable akong tinitigan.
“What brings you here? It’s my f*****g free day, Sophia.”
I raised my eye brow. “Where’s your sister?”
Unti-unting kumunot ang noo niya at nagtatakang mas nilakihan ang bukas ng pinto. He rushed a fingers through his hair as if it fix himself.
“She’s in US, Sophia. Anong kinalaman ng kapatid ko—“ his eyes flew behind my back. “Ligaya?”
Nilingon ko ang tinawag niya sa aking likuran at sakto namang napatingin iyon sa akin. Pain across through her eyes. Namumula ang pisngi nito at kagat-kagat ang ibabang labi. Siya ‘yong babaeng nakasabay ko sa elevator. Didn’t know she is Rim’s Ligaya. Oh wait?
“Hey, Miss you got it wrong,” mabilis kong sabi dahil mukhang iba ang tumatakbo sa isip niya.
Ngumiti lang siya at tumingin kay Rim at bahagyang kumaway. While Rim looked annoyed and irritated. Matalim ang tingin niya sa babae na para bang isa siyang malaking kasalanan. I took a deep inhalation and turned my gaze to Rim.
“Sophia, wala dito si Rose. Nasa US siya para sa pagkuha niya ng degree.” Nakahalukipkip si Rim. Ako ang kinakausap niya ngunit nasa babaeng katabi ko ang kaniyang mga mata na walang mababakas na emosyon.
Dinukot ko ang aking cellphone at hinanap ang litrato na kinuha ko kay Keith at nilahad kay Rim. Dumako naman ang mata niya doon kasabay nang pag-kunot ng noo niya. His jaw dropped and blinked a few as he recognized the face in the image I showed him.
“What the hell?” He mumbled. “Anong ginagawa niya sa pinas?”
And that’s it. I confirmed that she's his sister. Isang bayarang mamatay tao ang kapatid niya at iyon ang nasisiguro ko, ngunit paano kung si Rim ay ganoon din. Binalik ko sa bulsa ang aking cellphone at binunot ang aking baril at agad tinutok ito kay Rim. His eyes widened and cursed under his breathe while the woman beside me gasped. What if Karim is one of them? She's his sister and no way in hell that he let his sister do it alone.
“Where’s your sister?” I asked him. “Rim, are you a traitor?” my teeth gritted.
“What the f**k, Sophia?! We’ve been colleagues for f*****g several years. Ibaba mo nga ang baril mo. Tangina!” He almost shouted.
Pero imbes na ibaba ang baril ay itinutok ko iyon sa babaeng nasa tabi ko. Nanlaki ang mata nito at napaatras dahil sa pag kagulantang. Muli akong tumingin kay Rim na madilim ang mukha at nakaigting ang panga. Kuyom din ang kamao niya na handa ng makipag suntukan.
“Where’s your sister?” tanong ko muli at ikinasa ang baril.
Rim’s face darkened in anger. “f**k it Sophia, I swear if you f*****g hurt her I’m gonna f*****g kill you.”
“Then, tell me where’s you sister Rim?” lakas-loob kong tanong ulit. I maybe brave but hell, Rim is one hell of an agent. Siya ang pumapangalawa kay Kobe at kayang-kaya niya akong saktan. Bakit kasi ayaw pang sagutin ang tanong ko at kailangan pang hintaying tutukan ko ‘tong babaeng ‘to.
Walang imik ang babae na para bang sanay na sanay sa ganitong eksena samantalang si Rim ay halos maglabasan na ang ugat dahil sa inis.
“I told you, She’s in US. Kung gusto mong hanapin kung nasaan si Rose, p’wes! Hanapin mo Sophia. Ibaba mo na ang tanging baril na ‘yan.”
Ibinaba ko ang baril at isinuksok sa aking tagiliran. Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Rim. I was about to speak again when someone’s phone rang. Dumako ang tingin namin sa babae na sinagot ang tawag.
“H-hello?” Her eyes widened. “What? May sumabog sa parking area?” tumango-tango siya at bigla na lang tumakbo. Si Rim naman ay biglang pumasok sa loob ng bahay nito.
“s**t!” I cursed when I realized Alec was there. Tumakbo naman ako samantalang si Rim ay sumunod sa akin. Nakasout sa siya ng pantalon at nagsusuot ng damit pantaas.
Nang marating namin ang parking area ay umuusok at umaapoy ang mangilan-ngilan na kotse doon at may bombero rin na sinusubukang patayin ang apoy mula sa ibang sasakyan. Agad kong hinanap ang sasakyan at nanlaki ang aking mata nang matagpuang sira-sira na iyon at nagkukulay itim na, halos hindi na mapagkakakilanlan kung kanino ang sasakyan dahil sa pinsalang natamo. Lumapit ako sa kotse at hinawi ang usok na nagmumula roon.
“s**t!”
Wala si Alec sa loob. Ginala ko ang aking paningin at agad kong napansin ang isang nakahandusay na katawan sa malapit sa damuhan. I ran towards it and I abruptly turned his body around. It’s Alec, he’s unconscious and his head was bleeding.
“Alec!” I tried to wake him up.
Kinapa ko ang leeg niya at napaigtad naman ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Nagmulat siya ng kabilang mata at nagsalita.
“I-mouth to mouth mo ako Sophia,” nahihirapang saad niya at ngumuso. I rolled my eyes and tapped his forehead.
Jeez! He made me worry. Akala ko talaga mamatay na siya. But it looks like he is strong enough. His protruded Adam's apple move every time he swallowed an imaginary lump.
“Gago! Humihinga ka pa naman,” natatawang sagot ko at tinitigan siya. He closed his eyes and sighed.
“Kinabahan ako kanina,” ani niya habang nanatiling nakahiga sa damuhan. “'Buti na lang may nakita akong sexy kaya lumabas ako ng sasakyan bago sumabog.”
Napa-iling ako dahil sa sinabi niya. “Thank that b***h, then”
He smirked. “No way, I'd rather thanked you. Kasi nagmadali kang tumakbo agad dito.”
I smiled. “You're an asshole.”
Dinukot ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang dugo sa gilid ng ulo niya. This man manage to cracked a joke in the middle of near death experience. I sighed when I remembered Kobe’s scene like this. Hindi ngingiti 'yun lalo na kung buhay ang muntikang mawala. They’re way different.
“Sophia,”
I looked down to him. “Bumangon ka diyan at—“
His palm cupped my nape and leaned me lower until our lips met. Halos mapugto ang hininga ko sa biglaang pagbilis ng aking puso kasabay ng kakaibang emotion na agad sumakop sa buo kong katawan. His lips moves gently, nibbling my lower lip. I decided to kissed him back that makes his kiss became aggreessive. It took a couple of minutes before he ended it.
As we parted our lips, we both pants. We just kissed at the parking lot in the middle of an unusual scenario. Nakangisi siya na para bang may isang bagay na napatunayan sa sarili and I must agree. I'm affected with it and I want more.
“Sabi ko mouth to mouth. Hindi lips to lips,” pang-aasar niya at tumawa na agad naman napangiwi. Sino ba ang nanghalik?
“Alec,” I called him to catch his attention from laughing.
“Hmm?” sagot niya at umupo na. Napangiwi pa siya nang kapain niya ang kaniyang balakang.
“Tinatanggap ko ang laro mo. From now on, I’ll be your Seductive Playmate.”
Nawala ang ngiti niya at sumeryoso ang mukhan. Ilang minuto ang tinagal no’n nang umiling siya at tumawa. He stood up and so I am. He’s chuckling and groaning at the same time.
“I was just joking, Sophia. Player nga ako but I don’t do it with the woman who is off limits,” he smirked. “At sarili ko mismo ang nagsabi na off-limits ka. My mom like you and I don’t date or whatever, the woman my mom wants. Kahit sukdulan ang pagnanasa ko sa'yo at gustong-gusto ko na mapasakin at angkinin ka. Hindi puwede. Because the moment I f**k you, my mom will tie us forever.”
I gulped. “So—“
“Yes, hindi ko gagawin sa’yo ang ginagawa ko sa mga babae ko. Jeez! Sophia you deserve a wonderful night.”
Matapos niya iyon sabihin ay paika-ika siyang lumagpas sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa kahihiyang natamo ko. I’m not a wanton woman but I just can’t contain the feelings when Alec is around. How can I lust that guy? At lust talaga? Ang libog ko namang virgin, kainis.
“Sophia! 'Wag mo na akong pagpantasyahan! Halika na!”
Napaigtad ako sa sigaw niya at agad siyang nilingon. His arms was crossed over his muscular chest. Tinitigan ko siya nang masama at tinaasan ng kilay. Kapal!
“Jerk!” I shouted back.
Nag-iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa hiya pero hindi ko na iyon pinansin. Off limits pala eh? P'wes, tingnan natin kung hanggang kailan ang off-limits na sinasabi mo. When our tables turn, and you're the one who can't contain the feels anymore. Pagsisihan mong tinangihan mo ako.
Prepare your boiling libido, asshole