Clifford’s POV Hindi ko na kinumpronta si Reign tungkol sa nangyari at nagkunwari na lang ako na balewala ang lahat. Pero hindi niya alam na pinalagyan ko ng hidden camera ang aking opisina na ngayon ay ginagamit niya bilang kan’yang opisina. Pati ang aming kwarto ay pinalagyan ko rin upang malaman ko ang bawat kilos nito. Nandito ako ngayon sa opisina ni Harvey dahil sa akin ipinagkatiwala ang lahat ng mga negosyo nila dito sa Pilipinas. Lumipad ang buong pamilya nila papuntang America upang ipagamot si Cassandra. Nakabase ang pinsan nitong Doctor sa America at baka manatili pa sila ng anim na buwan doon. Nakikita ko naman na magaling magpatakbo ng negosyo ang asawa ko ngunit ang labis na pinagtataka ko ay ang malimit na pagkawala nito. Dalawang araw itong nawala ng wala man lang

