Reign’s POV Dinampot ko ang alak na nakapatong sa ibabaw ng tray na bitbit ng isang waiter na dumaan sa aking harapan. Masusi kong pinagmamasdan ang bawat galaw ng taong target ko ngayong gabi, Ilang araw ko na itong sinusubaybayan kaya hindi na ako makakapayag na matakasan ako nitong muli. Habang umiinom sa wine glass na hawak ko ay hindi maalis ang aking mga mata kay Mr. Tsai. Isang drug lord, Taiwanese, na naninirahan dito sa Pilipinas. Madali lang makapaglabas-masok ng kontra bando ang mga sindikatong ito sa Pilipinas dahil may kapit ito sa loob ng Gobyerno at iyon ang inaalam pa ng aking mga kasamahan. 10:30 evening ay nandito ako ngayon sa isang magarbong party dahil birthday ngayon ng kaibigan ni Mr. Tsai habang ang aking mga kasamahan ay nasa paligid lang naghihintay ng signa

