Clifford’s POV “Pare, wala ka na ba talagang balak na magpakita kay Cassandra at Cassie? Malaki na ang inaanak mo ngunit ni minsan ay hindi ka man lang nagpakita sa kanila.” Seryosong tanong sa akin ng kumpare kong si Harvey. Inaanak ko ang bunsong anak nito kaya ngayon ay magkumpare na kami nito. Dalawang taon na rin ang lumipas, at dalawang taon na rin akong hindi nagpapakita sa mag-ina. “Sa sunod na lang siguro, gusto ko kapag nakaharap ko na sila ay yung kaya ko ng ngumiti sa kanilang harapan.” Malungkot na sagot ko sa kan’ya. Madalas ko namang dalawin ang mga ito ngunit palihim lamang at walang nakakaalam na pinagmamasdan ko ang mga ito mula sa malayo. Noong ikinasal si Harvey at Cassandra ay nandoon din ako, nakamasid lang habang tahimik na umiiyak. Napansin ko na naging malun

