Clifford’s POV “Mag-isang linggo na simula ng mapunta sa akin ang kambal, at isang linggo na rin, na ako ang nag-aalaga sa kanila dahil nahihirapan na makahanap ng Yaya ang agency na tinawagan ko. Pasalamat talaga ako at nandyan si Harvey na siyang pansamantalang namamahala sa mga negosyo ko. “Pare, kailangan ko ng tulong mo, baka pwedeng ipahiram mo muna sa akin ang isang Yaya ni Cassandra.” Anya kay Harvey mula sa kabilang linya. Naubusan na kasi ako ng stock dito sa bahay at kailangan ko ng mamili ng mga diaper. “Pare, parang may tinatago ka yata sa akin.” Nagdududa na tanong nito sa akin. “Saka ko na lang ipapaliwanag sa’yo, bro, sa ngayon ay kailangan ko muna ng tulong mo.” “Okay, ipapadala ko si Lina d’yan sayo.” Sagot nito na ang tinutukoy ay ang isa sa Yaya ng kan’yang asa

