Clifford’s POV “Hahaha! Hahaha!” Napipikon na ako sa walang humpay na pagtawa ni Harvey habang ito ay nakaupo sa aking harapan. Isinalaysay ko kasi sa kan’ya ang lahat ng nangyari sa akin hanggang sa muling pagkikita namin ng babaeng iyon, at ang panloloko nito sa akin kaya nagkaroon ako nang asawa ng wala sa oras. “Sorry, Pare, hindi ko lang talaga lubos maisip na naisahan ka ng isang babae, ngayon pa lang ay excited na akong makilala ang asawa mo.” Paliwanag nito ng hindi nawawala ang ngiti sa labi. Nandito kami ngayon sa aking opisina, sinadya ako nito sa aking kumpanya upang ihatid ang ilang mga dokumento na kailangan kong pirmahan. Alam ko rin naman na ang totoong sadya nito ay ang mag-usisa tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ito makapaniwala kung paano ako nagkaroon

