Reign’s POV “Light! Bilisan mo, tagilid ang lagay ni Stone ngayon!” Nagpapanic na sabi ni Red mula sa kabilang linya. “Don’t worry, malapit na ako.” Sagot ko sa kan’ya bago dinoble ang bilis ng takbo nang aking motor. Isa akong secret agent sa isang pribadong ahensya, tatlong taon pa lang ako sa serbisyo. Dumaan ako sa butas ng karayom bago ko nakamit ang highest level ng pagiging secret agent. Nang dahil sa trabaho kong ito ay nakapag pundar ako ng isang rest house sa Tagaytay at isang Condo sa Makati. Dalawa ang aking sasakyan at isang motor na Honda CBR500R na nagkakahalaga ng 390,000 pesos. Noong mga panahong buntis ako sa aking kambal ay sa rest house ako nanirahan at doon na rin ako nanganak. Sanggol pa lang ang mga anak ko ay ipinapakita ko na sa kanila ang litrato ng kanila

