Reign’s POV Mabilis kong naakyat ang veranda sa kwarto ng aking mga anak. Maingat na binuksan ang pintuan ng hindi gumagawa ng anumang ingay. 1:30 na ng madaling araw kaya sigurado akong tulog na ang lahat. Ganitong oras ko naisip na bumisita sa aking mga anak dahil alam ko na tulog na ang asawa ko. Sampung araw na ang lumipas simula ng iwasan ko ito. Kapag alam ko na pupunta ito sa CM Company ay hindi muna ako nagpapakita doon, nagstay lang muna ako sa aking opisina sa bagong kumpanya na nabili ko. Tumatawag na lang ako sa Secretary nito kapag may kailangan akong ipagawa, kahit naman masama ang loob ko sa aking asawa ay hindi ko naman dinadamay ang aming mga negosyo. Hindi pa man ako nakakalapit sa kama ng mga anak ko ay biglang may nagtakip ng isang kamay sa aking bibig. Naramda

