Reign’s POV “Ma’am may bisita po kayo,” anya ng aking Secretary. “Papasukin mo.” Utos ko sa kanya na hindi man lang nag-abala na magtaas ng tingin. Naging maayos na ang lahat sa amin ni Clifford, ipinagtapat ko na sa kan’ya ang lahat pati ang tungkol sa sarili kong kumpanya. Nagulat na lang ako ng bayaran nito ang lahat ng loan ko sa dalawang bangko. Dahil kasal kami ay conjugal property ang lahat ng pag-aari niya at pag-aari ko kaya may karapatan daw siyang makialam. Hindi na ako kumontra pa at hinayaan ko na lang kung ano ang nais nitong gawin. Isa lang ang hindi ko pa kayang ipagtapat sa kanya at iyon ay ang pagiging agent ko. Ipagtatapat ko rin naman sa kan’ya ang lahat sa tamang panahon. “Natigil sa ere ang mga daliri ko mula sa pagtatype sa aking laptop ng may isang pares ng

