Imogen POV "Is my mama okay?" "Yes po." "Kailan po siya gigising Mister?" Pagmulat ko ng mata ay nakarinig ako ng paguusap. Dahan-dahan akong bumangon. "Mama! Gising ka na!" May kamay na umalalay sa 'kin at nakita kong sumampa si Shay sa kama at umupo sa tabi ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa ulo habang nakapikit. Naramdaman kong lumubog ang kama sa harapan ko at napansin kong may umupo doon. "Mama bakit ka natulog kanina? Inaantok ka ba agad?" Pumikit ako ng mariin at inalala yung nangyari kanina. Nagkita lang kami, hinimatay na talaga ako?! Nakakahiya?! Eh diba nanonood silang lahat doon? Nakita nila?! Sumulyap ako kay Orion at napansin kong nakawhite-shirt na lang siya at slacks. Napansin kong nakatitig siya kay Shay. Tumikhim ako para makuha 'yong atensyon niya. "What

