Imogen POV Pagsapit ng 12 noon ay nauna nang bumaba sila Eustasia, may lunch kasi kaming lahat. Parang mini reunion ba, dahil hindi pa kami nakakaligo ni Shay ay hindi muna kami bumaba. Maaga kasi silang pumunta rito sa unit namin. Sabay na kaming naligo ni Shay pero binilisan nalang namin dahil nakakahiya andoon na silang lahat. I just wear my low waist jeans and my favorite ribbed knit semi crop top at kita ang flat kong tyan lalo na 'yong belly piercing ko. Pinartner ko 'yong kulay ng top ko sa suot ni Shay, maroon! I tied my hair in high bun. "Mama, are you done?" Nagspray ako ng pabango at kinuha 'yong phone ko tsaka nilagay sa bulsa pati key card. "Yes baby ito na po." Binilisan ko ang kilos at pinatay ang mga ilaw. Nakita kong nakahawak na sa pinto si Shay kaya dali-dali ak

