Imogen POV Sabado ng tanghali, umalis na si Victor. Nagtatawagan na lang kami kapag wala siyang ginagawa. Sabado ng gabi pumunta ako sa unit namin ni Orion at nakita ko siyang abala sa plates niya. Naikwento ko na hindi namin makakausap si Victor dahil umalis siya ng maaga. Sabi niya okay lang basta kapag nagkasama kami ulit huwag ko na raw ipagpaligoy pa. Orion told me na nalipat 'yung uwi nila Lola at Papa, this week daw ang sure na pagdating. Monday, pasukan na naman. Ginugol ko 'yung 8 hours ko sa hospital. Nangawit na nga ang mga binti ko dahil ang tagal kong nakatayo! Ang daming pasyente ngayon, sabagay monday kasi at halos lahat ng doctor ay andito rin ngayon. Yung iba may appointment. "Grabe! Feeling ko katapusan ko na!" reklamo ni Ria at naupo sa upuan sa may locker roo

