Imogen POV Eleven in the evening na ako nakarating ng building. Ako ang naunang hinatid, habang nasa elevator ay napansin ko 'yung singsing sa daliri. Agad ko iyong hinubad ar nilagay sa loob ng handbag ko. Tinatawagan ko si Victor pero hindi sumasagot, baka nakatulog na 'yun kakaantay. Mabilis akong nakarating sa unit. Tumambad sa akin ang nakabukas na malaking tv. Nag-pe-play 'yung isang movie from netflix. Hinubad ko 'yung block heels ko at sumilip sa sofa. Bumungad sa akin si Victor na akap ang maliit na unan at humihilik. Hindi rin naman ganun kalakas 'yung tunog sa tv. Napansin kong topless siya at nakaboxers lang. Napagpasyahan kong pumunta muna sa kwarto at magayos. Bigla kasi akong nakaramdam ng lagkit. Kahit hindi naman talaga ako naexpose sa labas. Nag-half bath na lang

