Imogen POV Two hours din ang hinaba ng byahe namin nang makarating kami sa Makati. Nangawit na nga 'yung pwet ko sa tagal ng inupo namin. Buti nga tinawagan ako ni Victor at hindi ako naboring sa byahe. Sabi ko sa kanya baka gabihin na ako. Hihintayin na lang daw niya ako. Yung katabi ko nga nakatulog, buti pa siya. Pinagbuksan kami ng pintuan nung kasama ni Manong Jude at naunang bumaba si Orion. Binuksan ng dalawang maid 'yung gate at may sumunod pa sa amin na isa. Tiningnan ko si Orion. Nasa magkabilang bulsa niya ang kanyang mga kamay habang naglalakad kami. Nakaramdaman naman ako ng kaba habang papalapit sa bahay namin. It's been months since my last visit here. Binuksan ng isang maid yung pintuan at pumasok kami. Maliwanag ang buong bahay. Napatingin ako sa chandelier sa t

