Imogen POV Nakahawak ako sa tiyan ko habang nakakapit kay Victor, nakapila kami sa contis dahil inaantay namin 'yung sansrival na binili namin. Nakakrus pa 'yung mga paa ko dahil pakiramdam ko konti na lang tatawagin na ako ng kalikasan. Kanina kopa naririnig ang mahinang tawa ni Victor, gusto niyang umupo ako kaso punuan dito sa loob. Nakita kong nilalagay na sa plastic 'yung box ng cake. Nung tinawag na 'yung number namin ay kinuha agad 'yun ni Victor at nauna akong naglakad sa kanya papunta sa nakapark na kotse. Nakitakbo rin siya habang tumatawa. Tinatawanan pa ako bwiset talaga. "Open mo na love." May pinindot naman siya sa car key niya kaya pumasok ako agad. Pumasok na rin siya, at nilapag sa backseat yung binili namin. Kasama nung dakasi na milktea. Inistart na niya yung ko

