Imogen POV "Eh, sinong susundo sa'yo?" tanong ko kay Eustasia habang naglalakad kami papuntang parking lot. Nakakapit siya sa braso ko, habang nasa likod naman namin sila Faust, Daegan at Orion. Inantay kasi nila ako para sabihin na sa wednesday na yung Sports Fest. "Si manong daw, may dinner kasi kami sa labas nila daddy," aniya. "Si Vico ba 'yun?" Napalingon ako kay Daegan at may tinuro. Tiningnan ko naman iyon. I saw Victor na nakasandal sa tapat ng kotse niya at nakakrus ang mga braso. "Omg! Love!" sigaw ko at tumakbo. Narinig ko naman ang pagtawa nila sa inasta ko. Nag-angat siya ng tingin at umayos ng tayo. Sinugod ko siya ng yakap at halos hindi ko na madama yung lupa sa pagbuhat niya. "You're here!" At sinubsob ko yung mukha ko sa leeg niya. Humigpit ang yakap niya in

