Imogen POV Tumango na lang ako at pilit na ngumiti sabay turo nung upuan na nasa harap ko. Napatingin naman siya sa bulaklak na nakapatong sa mesa pero agad din niyang iniwas ang tingin do'n at binaling na ang tingin sa akin. "I'm sorry." "Sorry pala." Halos magkasabay naming sambit, napakamot naman siya sa batok at natawa. Mahina na rin akong natawa. Mukha naman siyang nagulat sa pagtawa ko kaya napatigil ako. I just smiled at him. "Hmm, sorry pala sa inasta ko nung isang araw," hingi ko ng paumanhin. Narealize ko kasi na hindi naman ako dapat magalit sa kanya kasi he's also a victim. Parehas lang kaming naipit sa sitwasyon na 'to. "N-Naihagis ko pala 'yung singsing, nadala lang talaga ako ng emosyon nung oras na yun," sambit ko sa mahinang boses habang nilalaro yung kutsarang ha

