bc

Ang LOVESTORY ng isang SEMINARISTA

book_age16+
36
FOLLOW
1K
READ
adventure
love-triangle
reincarnation/transmigration
family
HE
goodgirl
drama
bxg
mystery
highschool
apocalypse
civilian
like
intro-logo
Blurb

Ang buhay daw ay isang paglalakbay. Isang pagtahak sa landas na pakay. Sa bawat himpilan ay isang destinasyon - may umiibis at may sumasakay. Mayroong dito nagtatapos ang kanilang biyahe, samantalang sa iba ay pagsimula ng bagong yugto. Sa kaso ni Julian at ni Minda ay isang pamamaalam. Isang kusang namamaalam at isang nagmamaktol na tanggapin ang pamamaalam.

Ito’y dahil sa tawag ng Diyos, ang sinasabing bokasyon. Hindi man naririnig ng tainga, ito’y ramdam sa puso ng kinauukulan. Gayunpaman, ang pagtugon ay hindi naging madali. Madami kasing dapat isaalang alang.

“Father, dalawang bagay po ang bumabagabag ngayon sa aking konsensiya…”

Si Julian kakuwentuhan niya ang kanyang Spiritual Director.

“Nakatanggap po ako ng sulat mula sa dati kong girlfriend. At ‘yan nga po ang naging epekto. Una, naramdaman kong muling nabuhay ang pag-ibig ko sa kanya. Ang pangalawa, nag-alala ako sa negatibong nangyayari sa pananampalataya niya. Dahil sa pagkahiwalay naming dalawa, kinamumuhian na niya ang Diyos.”

Isang kritikal na desisyon ang dapat niyang gawin bago matapos ang ‘retreat’ nilang ito. Alam niya na isa siya sa mga mapalad na biniyayaan ng Diyos na magkaroon ng Banal na Bokasyon, ang pagpapari. Ni minsan ay hindi niya pinagdudahan ang sarili. Pero naging mahina siya sa tukso. Natangay siya sa tawag ng laman. Nagkasala siya ‘against his vow of chastity’. Pakiramdam niya ay hindi na siya karapat-dapat pang maging lingkod ng Diyos. Nanlilimahid siya sa sariling kasalanan.

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa paglisan ng bus marami ang naiwang kumakaway. Isa na rito si Minda. Mugto na ang mga mata ngunit tuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi niya lubos maunawaan kung bakit kailangang gawin ito ng kanyang katipan. Si Julian ay lulan ng bus. At umiiyak din. Mahirap man ngunit handa siyang magsakripisyo upang tugunin ang tawag ng maykapal. Ang buhay daw ay isang paglalakbay. Isang pagtahak sa landas na pakay. Sa bawat himpilan ay isang destinasyon - may umiibis at may sumasakay. Mayroong dito nagtatapos ang kanilang biyahe, samantalang sa iba ay pagsimula ng bagong yugto. Sa kaso ni Julian at ni Minda ay isang pamamaalam. Isang kusang namamaalam at isang nagmamaktol na tanggapin ang pamamaalam. Isang oras na mahigit ang nakalilipas ngunit si Minda ay nananatili pa rin sa durungawan. Kahit malamig ang simoy ng hangin ay ramdam pa rin niya ang mainit na yakap ng nobyo bago ito umalis. Nakatingin siya sa kawalan at nagsimulang magliwaliw ang isipan. Bumalik-lakbay ang kanyang diwa. “Magandang umaga po! Maari po bang magtanong?” “Ano ho ‘yon magandang binibini?” Biglang namula ang pisngi ng dalaga. Hindi mawari kung maaasar o mahihiya sa kapreskuhan ng binata. “A, e kasi po… e saan po ang opisina ng registrar?” “Ehem!...” Ang tikhim-panunudyo nito sa dalaga. “Mukhang magkasing edad lamang tayo, e kung maka po ka ng po sa akin talo ko pa ang uugud ugod na.” Hindi malaman ng una kung hihingi siya ng paumanhin o gaganti siya ng sarkastikong sagot rito. Pero pinili niya ang ang magkibit-balikat na lamang. Napansin naman ng huli ang kanyang pananahimik, kaya… “Ako nga pala si Julian, Julian Galvez…” “Ako naman si Erminda, Minda Lucero.” “Ang registrar ba ‘kamo ang pakay mo? Tara sasamahan na kita kasi doon din naman ang punta ko.” Habang tinutunton nila ang pasilyo, napag-alaman ng dalawa na sila pala ay parehong mag eenrol sa third year. Si Minda ay transferee ngunit sa unang seksiyon siya naitala. Matataas kasi ang mga marka niya. Samantala si Julian ay nasa ikatlong seksiyon dahil may isang grado siya na nagsimula sa palakol. Matapos asikasuhin ang pagpapatala ay napasabit pa ito sa huntahan ng mga kabarkada. Naiwang nag-iisa sa opisina ng prinsipal si Minda. Medyo kumplikado kasi ang kanyang kaso. Sa sandali ng kanilang pagsasama ay napaglimi niya na hindi naman pala ganoon kasama ang ugali ng bagong kakilala. “Mabait pala siya…” Ang bawi niya sa naunang impresyon. Nagitla na lamang si Julian nang sa kanyang paglabas sa bakuran ng paaralan ay naroon si Minda. “Tila may inaantay ka yata?” Ang tanong niya sa dalaga. “I- ikaw talaga ang inaantay ko…” Ang tila nahihiyang pag amin nito. “Bakit? May kasalanan ba akong nagawa saiyo?” “Ha… a, e, wala naman. Kasi, hindi ko pa kabisado ang daan pauwi, kaya naisip ko na baka pwedeng sumabay saiyo. Kung pwede sana…” “E, bakit? E… ang ibig kung sabihin, saan ka ba umuuwi?” “Doon sa malapit sa inyo. Nakikipisan ako sa bahay ni Tiyang Dolores.” “Dolores ba ‘ikamo?” “Oo, ang bahay niya ay nasa harapan ng basketbolan.” “Mismo! At magkapitbahay pala tayo…” “Noong nakaraang araw lang kasi ako dumating…” Naputol ang pagsasalaysay ng bagong salta dahil sa traysikel na pumarada mismo sa harapan nila. “O, heto may traysikel na pala, tara na! Dahil may pasahero na sa likuran ng drayber, kaya magkatabi silang umupo sa loob ng sasakyan. Masaya nilang pinagpatuloy ang kuwentuhan. Iyon ang kanilang simula. Namumuo pa mandin ang ang luha sa gilid ng kanyang mga mata ng biglang naudlot ang pagtulo nito dahil… “Ate Minda! Ate Minda!” “O, ikaw pala Dodong, napasugod ka! Bakit?” “A- Ate… Ate Minda, narinig mo ba ang balita kani-kanina lang? “Hindi! Bakit? Anong balita?” “Tungkol po sa pampasaherong bus na nahulog sa bangin…” Hindi na nito tinapos ang pakikinig sa ulat ng bata. Biglang kinabog ng napalakas ang kanyang dibdib. Hangos na tinugpa agad ang bahay nila Julian. Kinumpirma ang balita. Abot-abot ang pagrorosaryo ni Minda. Humigit-kumulang sa apat na raang metro ang lalim ng bangin. Matataas na bato ang nakausli sa tarik nito. Naroroon pa ang mga bakas ng lagim ng dumating si Minda at si Aleng Klareng, ang nanay ni Julian. Ang iba’t ibang kagamitan ay nakakalat sa paligid. Ang bahid ng dugo ay hindi pa gaanong natutuyo. At ang bus na nakalugmok roon, wasak at yuping-yupi. Galing na sila sa isang punenarya kung saan dinala ang ilang bangkay na nakuha na. Wala pa ang kay Julian. Kaya dumiretso na sila dito sa lugar ng pinangyarihan. Hindi nila napigilan ang manggipupos na tila kandilang nauupos habang pinagmamasdan nila ang mga inaakyat na bangkay. Mayroong nagkalasug-lasog ang katawan. May bali ang mga buto. May basag ang bungo. At mayroon pang pugot na ang ulo. Ngunit gumagabi na at halos naiakyat na ang lahat ng mga bangkay. Wala pa rin ang kay Julian. “Sir, nagalugad na namin ang buong lugar pero wala na kaming makita ni isang bangkay!” Ang pag-uulat ng isang sundalo sa kanyang opisyal. “Mayroon pang nawawala. Batay sa listahan ay kulang pa tayo ng dalawa. Go back men! Search and retrieve!” “Sir! Yes sir!” Pagka salute ay agad nagrapel pababa ng bangin ang tumalimang sundalo. “Misis…” Ang baling ng opisyal kay Aleng Klareng. “Opo sir…” “Segurado po ba kayo na ito talaga ang bus na sinakyan ng anak ninyo?” “Opo sir!” Si Minda ang sumagot. “Ako po ang naghatid sa kanya kaninang madaling araw doon sa terminal. Nang umusad ang bus ay lulan po siya nito habang kumakaway. At hinatid ko pa siya hanggang sa abot ng aking tanaw.” “Sir! Sir!” Ang sigaw ng pawisang sundalo. “Yes, sarhento!” “E, kasi po sir… may binabanggit kasi ang isang mama… nagkukuwento tungkol sa dalawang tao… kaninang umaga… ay magtatanghali na raw pala…” Ang magulong paliwanag nito. “O siya, papuntahin mo dito ang sinasabi mong tao.” “Sir nandito po siya, kasama ko...” “Manong, maari po bang lumapit ka dito.” Tila atubili pang humakbang ang tinutukoy na mama, isang magsasaka. “Ano po ang impormasyong ibabahagi mo sa amin, manong?” “E, sir… Gusto ko po sanang itanong kung ang pasaherong nawawala ay babae at lalaki? “Isang binata, oo… ang pangalawa ay… teka lang…” Tiningnan nito ang listahang hawak. May ekis ang pangalan ng taong nasawi, at tandang pananong naman ang mga biktimang nasa ospital. May dalawang pangalan nga ang walang ekis ni tandang pananong. Si Julian Galvez, 19 years old. At si Stephanie Delos Reyes, 14 years old. “Tama! Isang dalagita at isang binata. Nakita mo ba sila manong? “Opo! Nasa kubo ko po sila, sa aking bukid.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
21.7K
bc

The Forgotten Wife

read
42.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
42.7K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
10.0K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
99.3K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
26.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook