Nakabalik na kami ni Angelina sa Manila at maayos naman na ang lahat. Naging maayos ang pagtangap ng mga magulang nito sa akin, at tila nga mas naging panatag pa ang mga ito ng malaman nila na may relasyon kami ni Angelina. Ang tanging nakakaalam lang ng relasyon namin ay ang mga magulang nito, na mahigpit ang bilin sa kanya na protektahan ang anak nila. Nasabi rin ng tatay ni Angelina na baka makatulong ako sa paghahanap sa totoo nitong pamilya. Tumango lang ako at hindi nag-alangan na tumulong, dahil misteryo rin naman sa akin ang pagkakakilanlan ni Angelina. Isa pa ay sigurado ako na malaki ang kinalaman ng organisasyon sa totoong pagkatao ni Angelina. "Gusto mo pa bang kumain babe?" Tanong ko kay Angelina nang makauwi kami pero umiling lang ito at tila pagod na. "Inaantok na ako

