Napansin ko na tila ba hindi maganda ang mood ni Leon o baka pagod lang ito. Naalala ko ang nakita ko kanina pero hindi ko na muna iyon iisipin. “Namili pala ako ng mga damit para kina nanay at dadalhin ko sa sabado pag-uwi ko.“ Sabi ko dito kaya napangiti lang ito at tumango. Saka ko binigay ang isang shopping bag dito na may laman na pinamili ko rin sa kanya. “Namili rin ako ng damit para sa'yo.“ Nahihiya ko na sabi dito kaya tila nagliwanag ang mukha nito at agad na nilabas ang nga damit. May tatlong pirasong white t-shirt at dalawang cargo short at may tatlong boxer rin. “This is the first time that someone bought me a clothes babe, thank you so much.“ Nakangiti nitong turan kaya kumandong agad ako dito at yumakap dito. “I have so many conflicts today because someone ruin my day

