Break Na Ba Tayo? Chapter 39 "Sandro, sigurado ka ba na ayos ka lang? Wala bang masakit sa katawan mo? 'Yung ulo mo ba hindi ba sumasakit." pagaalalang tanong ni Treyton. Nandito na sila sa clinic at natignan na nang doctor si Sandro, kanina. Sinabi naman ng doctor sa kanila na maayos naman ang kalagayan ng kanyang kasintahan na si Sandro. Pero hindi pa rin maiwasan ni Treyton, ang magalala. "Trey, ayos lang ako. Nahilo lang ako sa tama nang bola kanina. Pero ngayon ay ok na ako." ngiting sabi ni Sandro. Wala naman masakit kay Sandro. Tumayo na siya sa pagkakahiga. Ngunit pinigilan siya ni Treyton, na tumayo. "Babe wag ka na muna tumayo. Kailangan mo na muna humiga. Gusto mo balik na tayo sa kuwarto natin. O kaya ay umuwi na tayo para makapagpahinga ka ng maayos." sabi ni Treyton

