Break Na Ba Tayo? Chapter 40 "Parang pelikula pala kung paano kayo naging magkaibigan nila Brantley at Braylon." ngising sabi ni Warren. Naikuwento ni Athan, kung paano sila naging magkaibigan nila Braylon at Brantley. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Natawa na lang siya sa komento ni Warren, tungkol sa kuwento niya kung paano sila naging magkaibihan nila Brantley at Braylon. Hindi maiwasan ni Sandro, na maimulat ang kanyang mata at napatingin siya kay Treyton, na nakangiting nakatingin sa kanya. Gusto niyang matanong tungkol kina Braylon at Brantley. Ngunit nagaalala siya na baka magisip ng iba si Treyton. Mainit pa naman ang dugo nito kay Braylon. "Kamusta ang tulog mo babe?" ngiting tanong ni Treyton. Isang matamis na halik sa labi ang binigay ni Treyton, sa

