Break Na Ba Tayo? Chapter 10 "Ang aga mo yata nagising Penelope?" pagtatakang sabi ni Patricia, sa kanyang anak. Alam naman niyang hindi ito morning person. Nandito sila ngayon sa kusina. Magpapahanda sana siya ng almusal sa mga kasambahay nila ngunit nakita niya si Penelope, na abalang nagluluto ng almusal. "Nagjogging ako kanina mommy. Naisipan ko na magluto ng almusal." masayang sabi ni Penelope, bihira lang naman siyang magluto. Tinutulungan siya ni Rose, isa sa kasambahay nila na magluto ng almusal. Masasabi niyang sinasanay na niya ang kanyang sarili na magluto dahil kapag magkasama na sila ni Braylon, sa isang bahay ay kaya na niyang ipagluto ito. Hindi na niya kailangan kumuha ng kasambahay. "Jogging? Really? Hindi ko na matandaan kung kailan ka huling nagjogging? Anyway buka

