Break Na Ba Tayo?
Chapter 9
"Pareng himala nagjogging ka yata?" gulat na sabi ni Athan, kakagising lang niya pumunta siya sa tindahan ni Aling Nena, para bumili ng 3 in 1 na kape. Nakita nga niya ang kanyang kaibigan na si Braylon, na nagjojogging.
"Gago mo! Masyado na kasi ako tumataba! Kailangan back in shape ako bago ang kasal ko." ngising sabi ni Braylon, umupo na muna siya sa kahoy na upuan sa labas ng tindahan ni Aling Nena.
"Sabihin mo may problema ka?! Kilala kita pare." ngising sabi ni Athan, tumabi siya sa kanyang kaibigan. Alam niyang kapag nagjojogginh ito ay may problema ito o kaya ay may iniisip na ayaw nitong isipin. Seryosong napatingin sa kanya si Braylon.
"Napaginipan ko si Brenon. Sinabi nito sa akin na ingatan ko raw 'yung isang tao." seryosong sabi ni Braylon, napakunot noo tumingin sa kanya ang kanyang kaibigan na si Athan.
"Sino naman 'yung tinutukoy nito? 'Yun ba ang dahilan kung bakit ka nagjogging?" usisa ni Athan.
"Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Brenon? Nagising ako kaninang 3am ayun 'di na ako nakatulog. Kaya naisipan ko na lang magjogging. Nakapunta nga ako sa may bandang dulo ng compound." ngiting sabi ni Braylon, sobranh bihira lang siyang nakakapunta sa dulo ng compound. Wala naman kaso siya masyadong kakilala roon. Naalala niya bigla na nakita niya si Emil, doon.
"Hanep pare! Anong oras na ba 5:30am na pare. Edi kanina ka pa pala nagjojogging?! Sana pala tinawag mo ko para hindi naging boring ang pagjojogging mo." ngiting sabi ni Athan, tinapik pa niya ang balikat ng kanyanh kaibigan.
"Gago mo! Ikaw?! Magjojogging?! Tignan mo nga ang taba mo sa katawan?! Baka ilang minuto lang ay uuwi ka na sa bahay ninyo?! Hahaha!" natatawang sabi ni Braylon, nakatanggap siya ng mahinang suntok sa braso mula sa kanyang kaibigan.
"Gago ka naman pare! Kung makapanlait ka naman! 'Di na bale na medyo chubby malaki naman bvrat ko!" pagmamalaking sabi ni Athan, kaya nga baliw na baliw si Avery, sa kanya. Kagabi nga ay nagkita sila sa isang motel sa bayan ng Prado. At doon ay isang napakainit na tagpo ang naganap sa kanilang dalawa.
"Nakita ko si Emil." biglang sabi ni Braylon, napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya talaga inaasahan na makikita niyang muli si Emil, pagkatapos mamatay ng kanyang kakambal at si Brenon. Napatingala na lang siya sa bubong ng tindahan ni Aling Nena.
"E-emil?... Ah?! Si Emil, na niloko mo pare?! Si Emil Arpia? 'Yung lagi monh kinukuwento sa akin noon na nasaktan mo ito dahil kay Brenon?" kunot noo tanong ni Athan, kahit na hindi siya nag-aaral sa paaralan nila Braylon at Brenon, ay lagi naman silang nagkikita ni Braylon, para mag-inuman at mag-usap. Naikuwento sa kanya ng kanyang kaibigan ang lihim na relasyon nito kay Emil Arpia. Masakit nga lang ginawa ni Braylon, kay Emil.
"Oo siya nga. Nakita ko siya sa may dulonng compound. B-baka may service na naman iyon." masakit ang sinabi ni Braylon, pero ramdam niya na may sinerbisyuhan ito sa may dulo ng compound. Kasalanan naman niya kung bakit magkaganun si Emil. Pero hindi niya sinasadyang masaktan ng lubusan ang guwapong binata.
"Pare parang binabalikan ka ng nakaraan mo ah?" seryosong sabi ni Athan, ibang-iba na kasi ngayon ang kanyang kaibigan kumpara noon.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Pareng Braylon, buti napadalaw?" masayang sabi ni Athan, pinagmamayabang talaga niya na meron siyang isang kaibigan na mayaman. Nandito sila ngayon sa Saba Compound kung saan siya nakatira. Sigurado siyang magyayaya mag-inuman si Braylon, sabay gusto nitong magkuwentuhan silang dalawa.
"Tangina! Ayaw mo ba na nandito ako? Tara inuman tayo!" ngising sabi ni Braylon, gusto lang niyang may makakausap dahil pag-uwi niya sa bahay ay wala ang kanyang kakambal. Hindi alam ng kanilang mga kasambahay niya kung saan pumunta si Brantley? Hindi man daw ito nagpaalam sa kanila o nagpasabi na aallis ito.
"Tara bili tayo ng beer kina Aling Nena. Tsaka simulan mo na ang kuwento mo pare. Alam ko naman na kapag pinupuntahan mo ko dito ay may problema ka." ngising sabi ni Athan, hindi lang si Braylon, ang kanyang kaibigan pati na rin ang kakambal nitong si Brantley. Hindi nga lang sila masyadong close kumpara kay Braylon, na lahat yata ng problema nito sa buhay ay alam na niya. Napa-aray siya dahil nakatanggap siya ng mahinang suntok sa braso mula sa kanyang kaibigan. Papunta na sila sa tindahan ni Aling Nena. Doon ay bibili sila tig liliman bote ng beer.
"Tado mo! Hindi naman ako ganun. Tsaka wala naman kasi si Brantley, yayayain ko sana siya dito." sabi ni Braylon, bigla niyang naalala ang ginawa niya kanina kay Emil. Buti na lang ay may extra siyang damit sa kotse niya. Pinahiram na muna niya ito dahil nadumihan ang suot nitong uniform kanina. Sa wakas ay nakantot na niya ito ngunit natakot siya kanina dahil dumugo ang butas ng guwapong binata. Kaya sa sobrang taranta niya ay napunas niya ang white polo nito sa puwetan nito. Dahil para magkaroon ito ng dugo. Nagpapasalamat siya na gabi na silang natapos sa pagtatalik at wala na masyado gaanong mga estudyante at guro sa exclusive school na pinapasukan nila. Nahirapan pa nga lumakad kanina si Emil, dahil masakit daw ang puwetan nito kaya wala siyang choice kundi buhatin ito hanggang sa parking lot ng paaralan nila. Umaayon naman ang tadhana sa kanilang dalawa na walang nakakita sa kanila. Dumaan kasi sila sa short cut papunta sa parking lot.
"Miss ko na si Brantley." ngiting sabi ni Athan, aaminin niya na may konting paghanga siya kay Brantley. Kahit na magkamukhang-magkamukha sila Braylon at Brantley. Ibang-iba naman ang ugali ng kambal sa isa't-isa. Kumbaga si Braylon, ang the bad son. Samantalang si Brantley, naman ang the good son.
"Gago mo pato kakambal ko pinagnanasaan mo talaga. Hindi ka ba tinatayunan ng balahibo? Ang kasama mo ngayon ay ang kakambal ni Brantley." inilapit pa ni Braylon, ang kanyang guwapong mukha sa chubby na mukha ni Athan.
"Tado mo naman pare! Napapatanong nga ako sa sarili ko kung bakla ba ako? Dahil may konti… Konti lang naman ako paghanga sa kakambal mong si Brantley. " ngiting sabi ni Athan, nakarating na sila sa tindahan ni Aling Nena.
"Gago mo! Itigil mo nga yan! Nakakakilabot ang sinasabi mo. Parang ako na rin ang sinasabihan mo ng ganyan dahil kamukha ko ang kakambal ko." inis na sabi ni Braylon, matagal na niyang alam na may crush si Athan, sa kanyang kakambal. Ngunit binabalewala na lang niya ito. Alam naman niyang hindi naman papatulan ng kanyang kakambal si Athan. Alam niyang kaibigan at kinakapatid lang ang turing ni Brantley, kay Athan.
"Nagkamukha nga kayo pero magkaibang-magkaiba ang ugali ninyo sa isa't-isa. Hahaha!" natatawang sabi ni Athan, tumingin siya kay Aling Nena, na nakangiting nakatingin sa kanilang dalawa ni Braylon.
"Aling Nena, pabili nga po ng sampong beer. 'Yung malamig na malamig." ngiting sabi ni Athan, kukuha na sana siya ng pera sa kanyang bulsa ngunit naunahan siya ng kanyang kaibigan na magbigay ng bayad.
"Pare ako na." seryosong sabi ni Braylon, iniabot niya ang isang libong piso kay Aling Nena. Kilala na siya nito dahil madalas siya tumatambay sa bahay ni Athan. Minsan ay nakikitulog na rin siya. Alam kasi niya na nag-iipon ng pera ang kanyang kaibigan para makabalik ito sa pag-aaral. Pinagmamalaki niyang may kaibigan siyang isang masipag at mapagmahal sa mga magulang.
"Heto na ang sampong beer ninyo. May libre na kayong dalawang yelo." ngiting sabi ni Aling Nena. Iniabot na niya ang sampong beer na nakalagay sa malaking plastic bag. Kasama na roon ang dalawang yelong bigay niya. Hindi na iba sa kanya si Athan, pati na rin ang kaibigan nitong si Braylon. Humahanga nga siya kay Braylon, dahil kahit mayaman ito ay malakas ang loob nitong pumupunta sa Saba Compound. Alam kasi ng mga taga labas na ang compound nila ay pugad ng mga masasamang tao. Pero si Braylon, pati ang kakambal nitong si Brantley, ay walang arte na makihalubilo sa mga tao sa compound.
"Salamat pare." nahihiya si Athan, dahil lagi na lang sila Braylon at Brantley, ang sumasagot sa inumin nila kapag nagyayaya ang mga ito na mag-inuman. Masyado talagang galante ang dalawa niyang kaibigan.
"Gago mo pare! Hindi bagay sa'yo ang masyadong seryoso! Hahaha!" birong sabi ni Braylon, nakabalik na sila sa bahay ni Athan. Puwesto sila sa harapan ng bahay nito. Dalawang upuan at isang lamesang maliit. Naglabas ng isang pitchel at isang baso si Athan. Bumili na rin sila ng chichirya sa tindahan ni Aling Nena.
"Tagay mo na yan pare!" masayang sab ni Braylon, nagsalin ng beer si Athan, sa baso at ininom niya iyon. Nagtagay ulit ito at ibinigay naman nito sa kanya.
"Pare saan pala si Brantley?" tanong ni Athan, umuhip ang malamig na hangin. Malapit na kasi magpasko kaya medyo lumalamig na.
"'Di ko nga alam. Tinatawagan ko ng sa cellphone nito hindi man ito sumasagot." inis na sabi ni Braylon, napansin niya na medyo napapadalas ang pag-alis ng kanyang kakambal. Lalo na kapag wala ang kanilang mga magulang. Ininom na niya ang iniabot sa kanyang ni Athan, na baso na may lamang alak.
"Baka may nililigawan ang kakambal mo pare." ngising sabi ni Athan. Nagsalin ulit siya ng alak sa baso at ininom na niya ito.
"Wala naman ako nababalitaan o sinasabi si Brantley, na may nililigawan siya. Tsaka impossibleng may nililigawan iyon. Puro aral iyon eh!" ngising sabi ni Braylon, may mga nakukuwento ang kanyang kakambal na may nagugustuhan itong mga babae. Ngunit hindi naman iti nanliligaw. Laging ligaw tingin lang ang ginagawa nito. Hindi tulad niya ay puro landian lang ang ginagawa niya. Pero kay Emil, lang siya tinamaan.
"Pare may sasabihin ako sa'yo pero wag na wag mong sasabihin sa kakambal ko ah?! Ayaw ko lang ipaalam sa kanya ito." seryosong sabi ni Braylon. Matagal na niyang gustong sabihin sa kanyang kaibigan ang tungkol kay Emil. Kaso nga lang nag-aalala lang siya na baka magbago ang tingin sa kanya ni Athan. Pero ngayon ay desidido na siyang sabihin ang tungkol kay Emil.
"Sige pare makikinig ako. Wag kang mag-alala hindi ko sasabihin sa kakambal mo ang sasabihin mo sa akin." ngiting sabi ni Athan, tama ang hula niya na may sasabihin o makikipagkuwentuhan sa kanya si Braylon.
"Pare 'di ba sinabi ko na sa'yo na naranasan ko na may chvmupa sa akin." seryosong sabi ni Braylon. Nakita niyang napatango si Athan, sa sinabi niya.
"Oo pare pinagmamayaban mo nga iyon sa akin eh. Sabi mo nga magaling ang chvmuchupa sa'yo." ngising sabi ni Athan, naikuwento nga sa kanya ng kanyang kaibigan na nagpachvpa ito.
"Kami na pare. Isang taon na kami magkarelasyon." ngiting sabi ni Braylon, hindi niya talaga maiwasan na mapangiti dahil kay Emil. Muntikan pang maibuga ni Athan, ang iniinom nitong alak dahil sa kanyang sinabi.
"Isang taon?! Sino naman 'yang babae na yan!? Buti tumagal ito sa pakikipagrelasyon sa'yo?! Hahaha!" birong sabi ni Athan, nakatanggap tuloy siya ng mahinang suntok sa braso nito galing kay Braylon.
"Gago mo naman pare. Ano sa tingin mo sa akin? Tsaka pare hindi babae ang karelasyon ko. K-kundi isang lalaki." seryosong sabi ni Braylon. Tuluyan na nga naibuga ang iniinom na beer ni Athan, dahil sa pagkagulat sa sinabi niya.
"S-seryoso ka ba sa sinasabi mo sa akin pare?" kunot noo tanong ni Athan. Gusto na muna niyang makasigurado na hindi siya pinagloloko ng kanyang kaibigan. Alam naman niyang loko itong kaibigan niyang si Braylon. .
"Seryoso ako pare.. Lalaki nga ang karelasyon ko." seryoso pa rin si Braylon, na nakatingin sa kanyang kaibigan.
Hindi alam ni Athan, kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Braylon, sa kanya. Hindi niya alam kung ano ba ang tama o dapat na sabihin sa kanyang kaibigan. Baka kasi kapag nagsalita siya ay masaktan ito. Lalo na masyadong sensitive ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"P-pare…" isang malalim na hininga ang ginawa ni Athan, at isang pilit na ngiti ang lumitaw sa chubby nitong mukha.
"O-ok lang naman sa akin na magbago ang tingin mo sa akin. Handa ako kung ano man ang sabihin mo ngayon." ngiting sabi ni Braylon, kitang-kita niya ang pagkagulat talaga sa mukha ng kanyang kaibigan.
"H-hindi n-naman sa ganun pare. Masyado lang ako nabigla sa sinabi mo." sabi ni Athan, nagsalin siya ng beer sa baso at ibinigay niya iyon kay Braylon. Malugod naman nito kinuha ang ibinigay niyang basong may lamang beer.
"H-hindi ka lang makapaniwala na may karelasyon akong lalaki ngayon?" tanong ni Braylon, ininom niya ang beer na sa basong iniabot sa kanya ni Athan. Nakita niyang napatango ang kanyang kaibigan.
"Alam mo pare pati ako hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa kanya. Noon chvpa lang naman ang gusto ko sa kanya. Ngunit paglipas ng araw hanggang maging buwan ay hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya." ngiting sabi ni Braylon, ibinigay niya ulit ang baso kay Athan. Nakita niyang nakangisi itong nakatingin sa kanya.
"Inlove ka nga pare. Kumikislap ang mga mata mo." ngising sabi ni Athan.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Pare 'di ba first love mo si Emil, bago si Brenon?" tanong ni Athan, pauwi na sila ni Braylon, sa bahay. Nakita niyang tumango si Braylon, sa kanya.
"Tama pero si Brenon, talaga ang kinabaliwan ko." ngising sabi ni Braylon.
"Oh! Pare paano una na ako. Maaga pa pasok ko ngayon. Opening ako ngayon." paalam na sabi ni Athan, naglakad na siya papunta sa bahay nila.
Pumasok na si Braylon, sa kanilang bahay at gising na ang mga magulang niya. Nakita niyang nagkakape ang mga ito sa lamesa.
"Oh! Anak! Braylon?! Saan ka nagpunta? Sinilip ko ang kuwarto mo kanina lang ay wala ka." pag-aalalang sabi ni Minerva.
"Nagjogging ka yata?" tanong ni Franco, sa kanyang anak.
"Nagjogging ako kaninang alas tres ng umaga. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong magjogging." ngiting sabi ni Braylon, umupo siya sa upuan katabi ng kanyang ama.
"Susunod naman magpaalam ka. Pinag-alala mo naman ako. Teka kukunin ko ang towel mo. Basa matuyuan ka ng pawis magkasakit ka pa." tumayo sa pag-kakaupo si Minerva, para kunin ang towel ng kanyang anak na nakasampay sa labas ng bahay nila. Pagkatapos niyang kunin ang towel, ay agad niyang ibinigay sa kanyang anak. Pinagtimpla rin niya ito ng kape.
"Salamat mama." ngiting sabi ni Braylon. Kinuha niya ang isang tasang kape na itinimpla ng kanyang ina.
"Magluluto na muna ako ng almusal. Para makapag-almusal ka bago ka pumasok sa trabaho mo." sabi ni Minerva, ngunit pinigilan siya ng kanyang anak.
"Mama wag na magkakape na lang ako." sabi ni Braylon, ayaw na niyang mapagod pa ang kanyang ina. Ngunit nagpumilit pa ito na magluto kaya hinayaan na lang niya ito. Malayong-malayo ang ina niya ngayon kumpara noon.
"Hayaan mo na lang ang mama mo. Masaya siya na nagpapagsilbihan niya tayo. Noon 'di ba hindi nga ito masyadong marunong magluto pero ngayon tignan mo pati kakanin ay alam na nitong gawin." pagmamalaking sabi ni Franco, nakangiti siyang nakatingin ngayon sa kanyang mahal na asawa. Masyado niyang pinagmamalaki ang kanyang asawa na si Minerva. Malayong-malayo ito sa glamorosang buhay nito noon. Noong nakakaanggat pa sila.
"Noon lumipat tayo dito, hindi ko siya nakitang nag-reklamo. Nakita natin papa na nagsumikap si mama. Para makatulong ito sa pang-araw-araw natin." ngiting sabi ni Braylon, ito yata ang unang beses nilang napag-usapan ang kanyang ina.
"'Yung mga alahas at mga mamahaling bag at sapatos ay ibinenta nito na walang pagdadalawang isip. Para lang may makain tayo. Ako nga wala nga ako masyadong naitulong sa pamilya natin." isang pilit na ngiti ang naipakita ni Franco, sa kanyang anak. Tinapik siya ni Braylon, at nakita niyang umiling ang kanyang anak.
"Papa, ikaw din ay nagsumikap para mabuhay mo kami ni mama. Alam kong sobrang hirap mag-adjust pero ginawa mo ang lahat para makapag-adjust kung anong meron tayo ngayon. Proud ako na may mga magulang ako tulad ninyo." ngiting sabi ni Braylon, agad niyang pinunasan ang kanyang mata dahil sobrang hapdi na ng mga ito. Dahil na rin sa pagpipigil niya na wag maiyak.
"Salamat anak." ngiting sabi ni Franco.
"Ano yang kadramahan yan? Sali niyo naman ako." ngiting sabi ni Minerva, kakatapos lang niyang magpirito ng itlog at tuyo. At kanina pa niya naririnig ang usapan ng kanyang mag-ama. Sobra siyang natutuwa dahil malapit na sa isa't-isa ang kanyang asawa at anak niya. Noon ay hindi niya nakikita masyado na nag-uusap ang dalawa. Kung mag-uusap man ang dalawa ay nagsisigawan at nag-aaway ang mga ito. Dahil na rin sa sobrang tigas ng ulo ng kanyang anak na si Braylon, kaya naging nagagalit ang kanyang asawa na si Franco.
"Naku! Ginaya mo lang ang sinabi ko kahapon." ngising sabi ni Franco. Nagtawanan lang silang tatlo. At kumain na sila ng almusal.
Pagkatapos kumain ng almusal ni Braylon, ay pumunta siya sa kanyang kuwarto at kinuha niya ang kanyang cellphone. Napakunot noo siya dahil may natanggap siyang text message galing sa kanyang fianceé na si Penelope.
"Good Morning babe!" _Penelope.
Napatingin si Braylon, sa orasan ng kanyang cellphone. Napakunot noo siya dahil masyado pang maaga para magtext si Penelope, sa kanya. Hindi naman kasi ito masyadong maagang nagigising. Mukhang hindi ito nakatulog kagabi. Tinawagan niya ito ay hindi nga nagtagal ay sinagot ni Penelope, ang tawag niya.
"Babe good morning!" _Penelope
"Good morning din babe! Masyado ka yata maaga nagising? Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" tanong ni Braylon.
"Nakatulog naman. Naisipan ko lang mag jogging kanina kaya maaga ako nagising." _Penelope.
"Ah? Talaga? Ako rin nagjogging ako kanina sa compound namin. Soulmate talaga tayo babe." napangisi na lang si Braylon, sa kanyang sinabi.
"I know right! Hahaha! Miss you babe!" _Penelope.
"Magkasama pa lang tayo kahapon ah? Miss mo na agad ako?" ngising tanong ni Braylon.
"Bakit? Hindi mo ba ako namimiss?" _Penelope.
"Mukhang may gustong magpalambing ah? Syempre miss kita. Kung puwede lang na hilain ko ang araw para ikasal na tayo agad ay gagawin ko." ngiting sabi ni Braylon.
"Sweet naman ng future husband ko. Mamaya pala ay lalabas kami ni Avery. Shopping kami para may isuot kami sa opening ng book store namin." _Penelope.
"Ok lang babe. Enjoy kayo." ngiting sabi ni Braylon. Hindi naman niya pinagbabawalan na umalis si Penelope, dahil ayaw naman niyang paghigpitan ito. Gusto niya ay nagagawa pa rin ng kanyang future wife ang ginagawa nito ngayon kapag kinasal na silang dalawa.
"Sige na babe. Alam kong may pasok ka pa ngayon. Bye babe! I love you!" _Penelope
"Sige babe maliligo na rin naman ako. Kakatapos lang namin mag-almusal. Tandaan mo babe mahal na mahal kita." ngiting sabi ni Braylon.