Break Na Ba Tayo?
Chapter 30
"Kamusta naman pare?" ngising sabi ni Athan. Kinakamusta niya ngayon ang kanyang kaibigan na si Braylon. Alam niyang maraming naganap sa buong maghapon. Lalo na kasama nito si Emil. At kanina lang sa Wakwak Beach Resort ay alam din niyang may kalokohan na naman ginagawa si Braylon. Kahit na nasa loob siya ng kotse ni Avery, kanina ay nakita niya sila Emil, Sandro at si Braylon, na lumabas ng Wakwak Beach Resort. Sa mukha kanina ng kanyang kaibigan ay masasabi niyangay nangyari sa loob ng beach resort na iyon.
"Tangin* ka pare! Anong klaseng tingin 'yan?" kunot noo tanong ni Braylon. Nandito na sila sa bonfire party. Hindi pa nagsisimula ang program. Namiss niya itong bonfire party na ito. Hindi niya makakalimutan noong kumanta at sumayaw siya noon pumunta sila dito ng kanyang kakambal at ni Brenon.
"Pare alam mo na ang ibig kong sabihin. Si Emil, na pala iyong kasama ninyo. Kala kung sino na. Ang laki ng pinagbago niya." ngising ni Athan. Sisimulan niya ang usapan tungkol kay Emil.
"Oo sobrang laki nga ng pinagbago niya. Hindi ko nga akalain na magpinsan sila Penelope at Emil." isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon.
"Kaninang umaga kasama mo si Emil. Sigurado akong may nangyaring kababalaghan?" tuksong sabi ni Athan. May lumapit sa kanilang isang staff ng resort at binigyan sila ng tig iisang bote ng beer. Agad niya iyon ininom dahil nauuuhaw na siya kanina pa. Wala kasi siyang makita inumin dito sa beach area. Kailangan pa niyang pumasok sa loob ng White House para makainom siya ng tubig. Sobrang sarap ng ininom niyang beer. Malamig ang beer na ininom niya.
"Hindi ka naman uhaw 'yan pare? Hahaha!" natatawang sabi ni Braylon. Sinusubukan niyang wag sagutin ang tanong ng kanyang kaibigan. Hindi dahil ayaw niya kundi ayaw na niyang pag-usapan ang nangyari. Para kasing nauulit lang ang nakaraan.
"Tado mo! Sagutin mo tanong ko! Wag mong ibahin ang usapan Pareng Braylon." ngising sabi ni Athan. Alam niyang umiiwas lang ang kanyang kaibigan na sagutin ang tanong niya.
"P*tangin* mo talaga pare! Masyado kang chismoso. Oo meron nangyari sa amin ni Emil." ngising sabi ni Braylon. Kahit anong iwas niya sa tanong ni Athan, ay hindi pa rin niya maiiwasan ito dahil masyadong makulit ang kanyang kaibigan.
"Una si Rossel, na manager mo. Ngayon naman si Emil. Pare akala ko ba nagbago ka na?" asar na sabi ni Athan.
"Tangin* hindi ko nga alam sa sarili ko bat ako nakipagtalik sa kanya. Alam mo bang akala niya nakatulog ako noong kakatapos lang namin mag-s*x. Meron siyang sinabi sa akin na nagpadurog ng puso ko. Mahal na mahal pa rin ako ni Emil. Aaminin kong masyado ko siyang nasaktan." mapait na ngiti ang nasa mukha ngayon ni Braylon. Umaasa siya na balang araw ay makapag-move on na si Emil, sa kanya.
"Alam ko naman iyon pare. Kahit na tumatawa, nakangiti at nakikipagbiruan ito kanina habang naglalaro kami ng baraha. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang lungkot at sakit." naawa si Athan, kay Emil. Tinignan niya si Emil, na masayang nakikipagkuwentuhan kina Warren.
"Masyadong martir 'yang si Emil. Noon pa man ay ganun na 'yan. Ako naman ay gag* noon." ngising sabi ni Braylon. Napakunot noo siyang napatingin sa kanyang kaibigan na tumatawa ngayon.
"Hanggang ngayon pare gag* ka pa rin. Balita ko sila Sandro at Treyton, na pala." ngiting sabi ni Athan. Nakita niyang biglang naging seryoso ang mukha ng kanyang kaibigan.
"Kumpirmado na iyon. Dahil nakausap ko si Sandro, kanina." seryosong sabi ni Braylon. Napainom na lang siya sa kanyang hawak na beer. Hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na magkasintahan na ang dalawa.
"Bat ganyan ka makapag-react?" ngising sabi ni Athan. Titignan niya kung hanggang saan aabot ang pasensya ng kanyang kaibigan. Kilala niya si Braylon, at alam niyang nakikita niya si Brenon, kay Sandro.
"Noong naginuman tayo sa bahay kasama sila Sandro. Kinausap ako ni Treyton, tungkol kay Sandro. Alam ko na may namamagitan kina Sandro at Treyton." nakakaramdam ng selos si Braylon. Dahil magkarelasyon na talaga sila Sandro at si Treyton.
"Pare aminin mo nga sa akin. Nakikita mo ba si Brenon, kay Sandro?" seryosong sabi ni Athan. Napangising napatingin sa kanya ang kanyang kaibigan na si Braylon.
"Siguro? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay gusto ko makasama si Sandro. Kanina sa banyo ng Wakwak hindi ko napigilan na yakapin ito. Alam mo bang tulad din siya ni Brenon. Mabango ito kahit na hindi ito gumagamit ng pabango. Natural na bango lang si Sandro." ngising sabi ni Braylon. Hinanap niya si Sandro, sa paligid at nakita niyang abala ito sa pakikipag-usap sa kanyang fianceé na si Penelope. Nagpaalam na muna siya kay Athan. Nakangiti siyang lumapit sa kinaroroonan ni Sandro at Penelope.
"Mukhang seryoso ang pinaguusapan ninyo?" ngiting sabi ni Braylon. Inilagay niya ang kamay niya sa beywang ng kanyang fianceé na si Penelope. Titig na titig siya sa guwapong lalaking nasa harapan nila.
"Pinaguusapan namin kung puwede ba tayo magkaroon ng bonfire sa reception. Sinabi ni Sandro, na mas maganda kung after reception ay magkakaroon ng bonfire party. Ano sa tingin mo babe?" ngiting sabi ni Penelope. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Braylon. Sobra talaga siyang nagagandahan dito sa Lake Zeus Beach Resort na ito. Alam niyang pagsikat ng araw ay lalo nilang makikita ang ganda nito.
"Walang problema basta magiging masaya ka babe. Masaya na rin ako. Sandro, congrats pala dahil kasintahan mo na si Treyton." ngising sabi ni Braylon. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya kay Sandro.
"Thank you Braylon." tipid na sabi ni Sandro. Ayaw man niyang aminin ay nakakaramdam siya ng selos sa kanyang nakikita ngayon sa kanyang harapan. Ngunit agad niyang binalewala itong nararamdaman niya.
"Alam mo Sandro, noong una ko pa lang kayo nakita magkasama ni Treyton, ay alam ko na meron something special sa inyong dalawa." ngiting sabi ni Penelope. Wala naman kaso sa kanya kung gay couple ang wedding planner nila ni Braylon. Open minded naman siya sa mga ganitong relasyon. Masaya siya kina Sandro at Treyton. Sabi nga nila love wins.
"Matagal ko na kaibigan si Treyton. Habang tumatagal ay lumalalim na ang relasyon naming dalawa. Hindi namin namalayan na mahal na namin ang isa't-isa." ngiting sabi ni Sandro. Nakita niyang sumeryoso ang guwapong mukha ni Braylon.
"'Di ba sa Chavez Tower kayo nakatira ni Treyton? Parang live in na kayong dalawa ah?" ngiting sabi ni Penelope. Gusto niyang malaman ang kuwento nila Treyton at Sandro.
"Oo magkasama kami sa iisang condo unit. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang ko. Wala naman problema sa akin iyon. Lalo na magkasintahan na kami ni Treyton." ngiting sabi ni Sandro. Napaiglad na lang siya ng maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran.
"Kinukuwento mo yata ang love story natin Sandro?" ngising sabi ni Treyton. Kanina pa niya pinagmamasdan sila Sandro. Kaya nagdesisyon siyang lapitan ang kasintahan niya.
"Iyon ang gusto kong malaman. Kalimutan na muna ninyo ang trabaho ninyo bilang wedding planner sa kasal namin ni Braylon. Gusto ay magbonding naman tayo bilang magkakaibigan." ngiting sabi ni Penelope. Inaya niya sila Treyton at Sandro, na umupo kasama sila Aiva, Zyiar, Emil at Warren. Napakunot noo siya dahil hindi niya makita sa paligid sila Avery at Athan.
"Hinahanap mo yata sila Athan at Avery?" ngising tanong ni Braylon, sa kanyang fianceé. Nakita niyang natango ito sa kanyang katanungan.
"Wag muna sila hanapin baka may importanteng ginagawa ang dalawa." ngising sabi ni Braylon. Umupo na sila sa may pulang telang nasa buhangin. Napansin niyang iba't-ibang kulay ang mga telang inuupuan ng bawat pamilya at magbabarkada ngayon dito sa bonfire party.
"Sandro, kuwento mo naman sa amin kung paano kayo nagkakilala ni Treyton?" ngiting sabi ni Penelope. Bihira lang kasi siya makakilala ng isang gay couple.
"Mukhang hot interview portion yata ito?" masayang sabi ni Aiva. Nakipagapir pa siya sa kaibigan niyang si Zyiar.
"Kababata ko si Treyton. Bata pa lang kami ay hindi na kami mapaghiwalay. Hanggang makapagaral kami ng elementary, high school at college ay iisa lang ang paaralan na pinapasukan namin." ngiting sabi ni Sandro.
"Masyadong protective 'yang si Treyton, kay Sandro. Ultimong lamok yata ay ayaw nitong padapuan kay Sandro." taas kilay pang sabi ni Zyiar. Noon pa man ay nasaksihan na niya ang pagiging malapit nila Treyton at Sandro, sa isa't-isa.
"Masyado rin seloso 'yang si Treyton. Pati nga ako pinagseselosan niya." ngising sabi ni Warren. Noong college sila ay ayaw na ayaw ni Treyton, na lumalapit siya kay Sandro. Ilang beses na ba sila muntikan magsuntukan dahil kay Sandro? Masyado talagang seloso ang gag*ng si Treyton.
"Bat ba napunta ang usapan sa akin? Ang topic dito ay ang love story namin ni Sandro, hindi ako! Hahaha!" natatawang sabi ni Treyton.
"Gag* mo Warren! Paano ako hindi magseselos? Alam kong may gusto ka kay Sandro. Kaya ayaw na ayaw kitang pinapalapit sa kanya." ngising sabi ni Treyton. Nagtawanan lang silang lahat puwera lang kay Braylon, na seryosong nakatingin sa kanya at pati kay Sandro.
"Sorry kung itatanong ko ito sa inyo Sandro. Alam ba ng mga magulang ninyo na may relasyon kayong dalawa?" nag-aalangan pang itanong ni Penelope, ang tanong na iyon. Dahil baka ma-offend niya sila Sandro at Treyton.
"Its ok Penelope. Hindi pa namin sinasabi sa mga magulang namin." ngiting sabi ni Sandro. Naramdaman niyang hinawakan ni Treyton, ang kamay niya.
"Sigurado akong matutuwa sila Tito Fernando, kapag sinabi ninyo sa kanila na magkarelasyon na kayo. 'Di ba noon pa man ay kayo na ang gusto nilang magkatuluyan?" ngiting sabi ni Zyiar. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit sobrang malapit sa isa't-isa sila Sandro at Treyton. Dahil siguro bata pa lang siya. Pero ngayon ay naiintindihan na niya ang lahat.
"Supportive naman pala ang mga magulang mo Sandro." ngiting sabi ni Penelope.
"Pareng Treyton, ni minsan ba ay hindi ka nagtaksil kay Sandro?" biglang tanong ni Braylon. Napatingin sa kanya ang lahat ng kasamahan nila ngayon.
"Babe bat ganyan naman ang tanong mo. Nakakahiya naman sa kanila." sabi ni Penelope.
"Wala naman masama sa tanong ko." ngiting sabi ni Braylon. Ngumising siyang tumingin kay Treyton, na nakangisi rin itong nakatingin sa kanya
"Loyal ako kay Sandro, dahil mahal na mahal ko siya." ngising sabi ni Treyton. Ayaw na niyang patulan si Braylon. Ayaw niyang magkaroon ng gulo ngayon dahil lang sa pagpatol niya sa mga walang kakuwentang-kuwenta tanong nito.
"Sana all!" sigaw nila Zyiar, Aiva at Warren. Naagaw ang pansin nila ng marinig nilang may nagsalita sa microphone.
"Good evening everyone!" masayang bati ni Patrick. Siya na naman ang nakatokang maging host ngayon taunang bonfire party.
Natuwa si Braylon, muli niyang nakita si Patrick. Malaki ang pinagbago nito. Hindi na ito payat kundi makisig na lalaki na ito. Hindi niya alam kung makikilala pa siya nito. Isa-isang na itong tumawag ng guest para sumayaw o kumanta.
"Nasa babe matawag ka nila. Ipakita mo kung paano ka sumayaw." tuksong sabi ni Braylon, sa kanyang fianceé. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang hampas sa matipunong dibdib niya galing kay Penelope.
"Babe paano mo nasabi 'yan. Hindi nga ako marunong sumayaw." sabi ni Penelope. Nabigla na lang silang dalawa ni Braylon, dahil tinawag ang pangalan nito.
"Si Mang Estong, sigurado ang nagsabi kay Patrick, na tawagin ako." sabi ni Braylon.
"Kilala mo ang host?" usisang tanong ni Penelope.
"Oo siya rin kasi ang naging host noong pumunta kami ni Brantley at Brenon, dito." sagot ni Braylon.
"Braylon Hernandez, puwede ka bang pumunta sa harapan?" ngiting sabi ni Patrick. Si Mang Estong, ang nagrequest na tawagin ang pangalan ni Braylon. Nakita niya ang isang guwapo at makisig na lalaking nakangiting naglalakad sa kinaroroonan niya. Lalo itong naging guwapo at sobrang kisig mg katawan nito dahil halata sa suot nitong puting tshirt. Ibinigay niya ang isang mic kay Braylon, ng makalapit siya sa tabi niya. Nagulat pa siya ng bigla siyang yakapin ng makisig na lalaki.
"Kamusta ka na Patrick?" masayang tanong ni Braylon.
"Kilala mo pa pala ako Braylon? Ok naman ako. Ikaw kamusta ka na?" natutuwa si Patrick, dahil kilala pa rin siya ni Braylon.
"Maayos naman ako. Ano kakanta at sasayaw na naman ba ako? Hahaha!" natatawang sabi ni Braylon.
"Ano pa nga ba?" ngiting sabi ni Patrick Nagtawanan lang silang dalawa ni Braylon. Nalungkot at nasaktan siya ng mabalitaan niya kay Mang Estong, na namatay si Brantley, sa isang aksidente noon. Nagpunta pa nga siya sa burol ni Brantley. Hindi nga lang niya nakausap si Braylon, dahil abala itong nakikipagusap.
"Pasensya na kayo. Matagal na kasi kami hindi nagkikita ni Braylon. Magpakilala ka naman Braylon, sa mga guest natin ngayong gabi." ngiting sabi ni Patrick.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Ako si Braylon Hernandez, at your service." ngising sabi ni Braylon. Sumaludo pa siya sa mga taong nanonood sa kanya. Nakarinig pa siya ng mga hiyawan at palakpakan.
"Dating gawi Braylon. Question and answer portion muna tayo bago mo ipakita sa kanila ang nakakamanghang talent mo." ngising sabi ni Patrick.
"Naku Patrick, baka mag-expect ang mga tao sa akin?" bigla naman nahiya si Braylon, sa sinabi ni Patrick, tungkol sa kanya. Napakamot na lang siya sa likuran ng kanyang ulo.
"Humble much?! Kamusta na ang isang Braylon Hernadez? Ano ang ganap mo sa buhay ngayon?" ngiting tanong ni Patrick. Nakatingin siya sa guwapo at makisig na lalaking nasa tabi niya.
"Heto ikakasal na ako sa pinakamamahal kong fianceé na si Penelope Sanchez. Sobrang tagal ko na hindi nakakabalik dito sa Lake Zeus Beach Resort. Naghahanap kami ni Penelope, ng beach resort para sa beach wedding namin. Ang napili namin ay hetong beach resort na ito." ngiting sabi ni Braylon. Mukhang napahaba yata ang sagot niya. Nakita niya ang pagkadismaya ng mga babaeng nanonood.
"Paano ba 'yan girls and gays. Hindi lang pala taken itong si Braylon, kundi ikakasal na ito." ngiting sabi ni Patrick. Hindi niya alam na ikakasal na pala si Braylon. At sa nabanggit nitong pangalan sa pagkakaalam niya niya si Penelope Sanchez, ang nagiisang anak ni Congressman Rafael Sanchez. May ibinulong siya kay Braylon, kung puwede ba nilang pagusapan ang kakambal nitong si Brantley. Natuwa naman siya dahil pumayag ito. Nagpaalam siya dahil baka magalit sa kanya si Braylon. Baka ayaw nitong banggitin si Brantley, ngayong gabi.
"Alam ninyo bang may kakambal si Braylon? Kung ano ang nakikita nitong itsura ni Braylon, ay ganun din ang itsura ni Brantely, ang kakambal nito." ngiting sabi ni Patrick. Naghihinayang lang siya ngayon dahil hindi nila mamakasama ngayon si Brantley. Sigurado siyang kapag nandito lang si Brantley, ay magwawala at mababaliw ang mga kababaihan dahil may dalawang guwapong kambal na nasa harapan nila.
"Oo meron akong kambal. Ang pangalan niya ay si Brantley Hernandez. Totoo ang sinabi ni Patrick, sa inyong lahat. Hindi ko lang kamukha si Brantley, kundi kaboses ko pa siya." masayang sabi ni Braylon. Meron siyang mga marinig na tanong ng mga tao kung nasaan daw ang kakambal niya.
"Puwede ninyo naman siya makita. Punta lang kayo sa langit. Ibig kong sabihin ay kasama na ni Brantley, si Papa God." ngiting sabi ni Braylon. Biglang tumahimik ang mga tao dahil sa kanyang sinabi.
"Masaya na ang kakambal ko sa langit. Mukhang nasira ko yata ang happy mood niyo. Sorry." ngiting sabi ni Braylon. Napakamot na lang siya sa kanyang likuran ng ulo.
"Braylon, ipakita mo na sa kanila ang nakakamangha mong talent!" masayang sabi ni Patrick. Para naman bumalik ang saya ng mga tao. Iniabot ni Braylon, ang cellphone nito at nakita niyang mad by ne-yo ang kakantahin nito.
Nag-go signal si Braylon, at narinig na niya ang intro music ng katang "mad by ne-yo". Matagal-tagal na rib niya itong hindi nakakanta at nasasayaw ito. Tulad nang ginawa niya noon sa kanyang "so sick by ne-yo" ay ginawan niya ito ng sayaw. Dinama niya ang baway lyrics ng kanta at bigay na bigay ang pagsayaw niya. Isang malakas na palakpakan at hiyawan ang narinig niya. Pinagpawisan at hingal na hingal siya sa ginawa niyang pagkanta at pagsayaw niya. Nakita niyang todo palakpak ang kanyang fianceé sa kanya. Napatingin din siya kay Sandro, na nakangiting nakatingin sa kanya habang pumapalakpak ito.
"Wala ka pa rin kakupas-kupas si Braylon!" masayang sabi ni Patrick. Nakarinig pa siya ng mga nagrerequest na isa pang kanta. Kaya tinanong niya si Braylon, kung ok lang ba makumanta pa ito ulit?
"Para sa inyo ay magcoconcert ako! Hahaha!" natatawang sabi ni Braylon. Ang sunod niyang kinanta ay ang kantang kinanta niya noon. So Sick by Ne-yo. Pagkatapos niyang kantahin ay sayawin iyon ay nagrerequest pa ng isang kanta ang mga tao sa kanyan.
"Teka lang bago kumanta. Gusto kong itanong kung sino ang nakakaalam ng kanyang "Pink Skies by Lany"? nakita ni Braylon, na maraming nagsitaas ng kamay. At nagulat siya dahil pati si Sandro, ay itinaas din nito ang kamay nito.
"Wow! Ang dami ninyong may alam. Sige ganito pipili ako ng isa sa inyong may alam na kantahin ang pink skies by Lany." ngiting sabi ni Braylon. Syempre ang pipiliin niya ay si Sandro. Itinuro niya si Sandro, at pinapapunta niya ito sa harapan kasama siya.
"Wag mong sabihin na pupunta ka sa harapan Sandro?" seryosong sabi ni Treyton. Ayaw niyang papuntahin ang kasintahan niya sa harapan. Lalo na kasama nandoon si Braylon.
"Sige na babe. Minsan lang naman ito." ngiting sabi ni Sandro. Paborito niyang kanta ang Pink Skies by Lany. Kaya wala siyang pagdadalawang isip na pumunta sa harapan. Kinuha niya ang microphone na ibinigay ni Patrick, sa kanya.
"Welcome naman natin si Sandro Fedellga. Siya ang wedding planner namin. Sa mga gustong magpakasal ay puwedeng-puwede ninyong kunin ang FLOZ!" masayang sabi ni Braylon.
"Libreng promotion yata ito? Hahaha!" ngiting sabi ni Sandro. Gusto lang niya i enjoy ang gabing ito. Ayaw na niya masyadong isipin ang issue nila ni Braylon.
"Game ka na bang kumanta?" ngiting tanong ni Braylon. Sinabihan niya si Sandro, una muna siya kakanta pagkatapos ay sabay na silang kakanta sa chorus ng kanta. Muli ay nag-go signal siya kay Patrick, para i-play na nito ang kanyang Pink Skies by Lany. Habang kumakanta siya ay nakatingin lang siya kay Sandro. Natutuwa naman siya dahil game na game itong nakipagkantahan sa kanya. At dumating nga ang part ng chorus. Namangha siya dahil marunong kumanta si Sandro. Pagkatapos ng chorus ay si Sandro, naman ang kumanta. Nakangiti lang siyang nakatingin kay Sandro. Nakikita niya talaga si Brenon, kay Sandro. Naalala niya na kinanta ni Brenon, ang Pink Skies by Lany sa kanya noon. Hindi niya nalamayan natapos na pala ang kanta dahil nakangiting nakatingin lang siya kay Sandro.
"Wow! Nagkaroon tayo ng mini concert dito!" masayang sabi ni Patrick. Hindi niya alam kung bakit siya naramdaman niyang may koneksyon o sparkle kina Braylon at Sandro.
"Salamat sa inyong dalawa! Lalo ka na Braylon! Salamat!" ngiting sabi ni Patrick. Pinaupo na niya ang dalawa dahil alam niyang pagod na si Braylon, sa kakakanta at kakasayaw nito.
Isang mahigpit na yakap at isang matamis na halik sa labi ang binigay ni Penelope, sa kanyang fiancé na si Braylon. Hindi niya akalain na marunong kumanta at sumayaw ang magiging asawa niya. Ni minsan kasi hindi ito nagpakita ng kahit konting pagkanta o sumayaw ito.
"Babe hindi ko alam na marunong ka pa lang kumanta at sumayaw! Ang daya mo naman." ngiting sabi ni Penelope. Gamit ang kamay nito ay pinunasan niya pawis ng kanyang fiancé.
"Sige babe mamaya sa loob ng kuwarto natin ay kakanta at sasayaw ako para lang sa'yo." ngising sabi ni Braylon. Napatingin siya kay Sandro, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Thank you Braylon, dahil nakaduet kita sa pagkanta. Hahaha! Ayaw mo bang sa araw ng kasal mo ay kumanta ka para kay Penelope?" ngiting sabi ni Sandro.
"Salamat din dahil game kang makipagkantahan sa akin. Hindi ko alam kung makakakanta ako sa araw ng kasal ko. Baka umiyak lang ako kapag nakita ko na si Penelope, na nakapangkasal." ngiting sabi ni Braylon. Tinignan niya si Treyton, na seryosong nakatingin sa kanya. Nasa may likuran siya ni Sandro. Alam at ramdam niyang hindi ito masaya na nakakantahan niya si Sandro.
"Pareng Treyton, salamat sa pagpayag mo kay Sandro, na makipagkantahan sa akin." ngising sabi ni Braylon.