Break Na Ba Tayo? Chapter 7 "Sandro, ano bang nangyari sa'yo kanina? Bat ka umiiyak?" sobrang nagtataka si Treyton, sa biglang pag-iyak ni Sandro, kanina sa TerriBerri Shop. "H-hindi ko rin alam Trey. Bigla na lang talaga ako nakaramdam ng matinding kalungkutan at iyon lumuluha na ako." sagot ni Sandro, nandito na sila sa condo unit nila sa Chavez Mall. Dumaan na muna sila sa Saba Compound para ihatid nila si Braylon. Hindi na sila bumaba dahil gusto na talaga niya umuwi. Ibinagsak niya ang katawan niya sa ibabaw ng kama. Gusto na niya magpahinga. Gusto na niyang matulog para makalimutan niya ang nakakahiyang nangyari. "B-baka dahil sa puso mo?" kunot noo sabi ni Treyton. Tumabi siya sa pagkakahiga ni Sandro, nakatingin siya sa guwapong mukha nito. Samantalang si Sandro, naman ay na

