Break Na Ba Tayo? Chapter 6 "Braylon, kumain ka na muna bago ka maligo. Kamusta pala ang lakad ninyo ng wedding planner ninyo?" tanong ni Minerva, sa kanyang anak. "Maayos naman mama. Nakapagsukat na ako ng barong naisusuot ko sa araw ng kasal ko. Si Congressman Rafael, ang sumagot sa isusuot ko mama." sabi ni Braylon, hindi niya talaga akalain na gagawin iyon ni Congresman Rafael. Hindi niya alam kung mabuti o masama na ang intensyon ng ama ng kanyang mapapangasawa. "Ano?! Mukhang ang demonyo ay nagiging anghel na? Pero wag na wag kang magtitiwala sa kanya Braylon." gulat na sabi ni Minerva, masyado siyang nagulat sa sinabi ng kanyang anak. Parang nangangampanya lang ito? "Alam ko naman po iyon mama. Kinausap nga kaminh dalawa ni Penelope, ni Congressman Rafael. Humingi ito ng sor

