Break Na Ba Tayo?
Chapter 27
"Natatandaan mo pa kung kailan ko kinunan ang larawan ninyo nila Brantley at Brenon?"
Umiiyak na napatingin si Braylon, ay Mang Estong. Hinding-hindi niya nakakalimutan ang araw na iyon. Wala yata silang ginawang tatlo kundi magkuwentuhan at magswimming sa dagat. Kahit na umiiyak siya ay nagawa pa niyang mapangiti sa tanong sa kanya ni Mang Estong.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Sobrang ganda dito! Hidden beach resort talaga ito no? Parang hidden paradise." hindi makapaniwala si Brenon, sa kanyang nakikita ngayon tanaw na tanaw niya ang malakristal na tubig dagat ng Lake Zues Beach Resort. Natakot pa nga siya dahil akala niya ay naligaw na silang tatlo kanina. Lalo siyang natakot dahil pinagloloko pa siya ng kambal na kasama niya.
"Welcome to Lake Zues Resort. Sigurado akong mag-e-enjoy ka dito." ngiting sabi ni Brantley. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa kanyang kasintahan niya. Kahit kasama nila si Braylon, ay hindi na sila nahihiya na ipakita ang pagmamahalan nilang dalawa ni Brenon. Sinabi na niya sa kanyang makakambal na si Braylon, na may relasyon silang dalawa ni Brenon. Wala naman siyang narinig na pagtutol kay Braylon. Masaya pa nga ito para sa kanya.
"Ehem! Baka ma-out of place naman ako 'yan. Nandito tayo para mag-enjoy hindi para maglampungan kayo sa harapan ko." ngising sabi ni Braylon. Sa totoo lang ay masaya naman siya sa kanyang kakambal. Pero aaminin niya sa kanyang sarili na sobra siyang nasaktan sa sinabi ng kanyang kakambal na karelasyon na pala nito si Brenon. Kahit na karelasyon niya si Emil, ay nahulog na ang loob niya kay Brenon. Lalo na muntikan na may mangyari sa kanilang dalawa noon. Hanggang ngayon ay hindi pa nga niya nakakausap si Brenon, tungkol doon.
"Pasensya na tol. Hahaha! Tara bihis na tayo para makapagtampisaw na tayo sa dagat." ngiting sabi ni Brantley. Pumasok na sila sa loob ng kuwarto nila ni Brenon. Magkahiwalay ang kuwarto nila ng kakambal niyang si Braylon. Para may privacy naman silang dalawa ni Brenon.
"Hindi ba puwede na magsama-sama tayo sa iisanh kuwarto. Kawawa naman si Braylon." sabi ni Brenon. Nakita niyang napakunot noo tumingin sa kanya si Brantley.
"Bakit naman siya kawawa. Sanay naman iyon mag-isa. Tsaka para may privacy tayong dalawa." ngiting sabi ni Brantley. Nilapitan niya si Brenon, at walang anu-ano ay sinunggaban niya ito ng masuyong halik. Agad naman itong tumugon sa halik niya at nauwi ito sa isang mainit na laplapan. Laway sa laway. Dila sa dila. Para silang uhaw na uhaw sa isa't-isa. Dahan-dahan na niyang inilalayo ang kanyang labi sa labi ni Brenon. Napangisi siya dahil hinahabol-habol pa nito ang kanyang labi.
"Gusto mo bang dito na lang tayo buong maghapon?" ngising tanong ni Brantley, sa guwapong lalaking nasa kaharapan niya ngayon.
"Gag* hindi puwede kasi nandito tayo para mag-enjoy tatlo. Hindi lang tayong dalawa lang ang nandito. Kasama natin ang kakambal mong si Braylon, siguradong kanina pa naghihintay sa labas." natatawang sabi ni Brenon. Isang matamis na halik ang binigay niya kay Brantley. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na kasintahan na niya ang isang Brantley Hernandez. Sino bang mag-aakala na iibig siya sa kapwa niya lalaki? Ilang linggo na rin may nangyayari sa kanila ni Brantley. Noong una akala niya ay s*x lang ang ginagawa nila ngunit hindi niya namamalayan ay nahuhulog na ang loob niya sa matipunong lalaking nasa harapan niya.
"Sige mamayang gabi ay ihanda mo ang sarili mo. Gusto kong ma- exprience ang s*x on the beach. Hahaha!" birong sabi ni Brantley.
"Ah? Ganun ba ang gusto mo? Sinama mo lang ba ako dito dahil gusto mong ma-exprience ang s*x on the beach?" ngising sabi ni Brenon. Kunwari ay nagtatampo siya kay Brantley, pero sa totoo lang ay parang gusto niya rin ma-exprience ang sinasabi nitong s*x on the beach.
"Syempre hindi. Gusto ko ay magkabonding natin ang kakambal kong si Braylon. Ilang beses na kami nakapunta dito. Napag-usapan nga namin ikaw. Sabi nga niya na isama kita dito para makita mo ang ganda ng beach ng Lake Zeus Beach Resort." ngiting sabi ni Brantley. Parang hidden santuary nila ni Braylon, ang beach resort na ito. Tagong-tago ang Lake Zeus Beach Resort. At aksidente lang nila nalaman ni Braylon, na meron pa lang ganitong beach resort sa bayan ng Prado.
"Huh? Sinabi niya iyon?" takang tanong ni Brenon. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanila ni Braylon. Hindi niya talaga napansin na si Braylon, ang kahalikan niya at muntikan na may mangyari sa kanilang dalawa. Nung una ay nagalit siya ngunit sa bandang huli ay sinisisi niya ang kanyang kung bakit siya nagpadala sa init ng katawan. Hindi niya sinabi iyon kay Brantley, sigurado siyang mag-aaway ang kambal. Ayaw naman niyang siya ang magiging dahilan kung bakit masisira ang magandang relasyon ng kambal.
"Oo sinabi niya iyon. Baka gusto ka niya makilala dahil alam mo na kasintahan kita." kunwaring kinikilig si Brantley, sa sinabi. Na ikinatawa naman ni Brenon.
"Hindi bagay sa'yo iyon Brantley. Ang laki-laki ng katawan mo. Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon. Inaya na niya si Brantley, na lumabas na sila baka kanina pa naiinip si Braylon, sa may beach area ng Lake Zues. Nagsuot na sila ng trunks. Kulay puting swimming trunks ang sa kanya. Samantalang ang kanyang kasintahan ay black swimming trunks. Lalong lumitaw ang magandang katawan at kaguwapohan ni Brantley, sa suot nito ngayon. Lalo na nakasuot ito ng black sunglass. Paglabas nila sa kuwarto ay agad na silang pumunta sa beach area. Nadatnan nila si Braylon, na may kausap na mga babae. Hindi niya alam bat nakaramdam siya ng pagkainis sa kanyang nakikita. Napakunot noo siya ng mapansin niyang nakasuot ng black swimming trunks ang makisig na lalaki at black sunglasses. Kaparehong-kapareho ng suot ni Brantley, ang suot ni Braylon.
"Tignan mo 'yang kakambal kong si Braylon. Hindi maiinip 'yan. Gagawa't gagawa 'yan ng paraan upang ma-enjoy niya itong outing natin." ngising sabi ni Brantley. Buti na lang ay wala dito si Emil. Kung hindi ay magseselos ito sa ginagawa ngayon ni Braylon. Inaya na niya si Brenon, na magswimming na sila sa dagat. Sobrang lamig ng tubig ng dagat at nakaka-refresh sa katawan.
"Hindi ako masyado marunong lumangoy. Lalo na kapag malalim na ang tubig." sabi ni Brenon. Natatakot siya na baka mapalayo siya kay Brantley. Ang lakas pa naman ng alon.
"Basta hawakan mo lang ang kamay ko." ngiting sabi ni Brantley. Tumingin siya sa kanyang kakambal na abala pa rin sa pakikipag-usap sa dalawang babae. Tinawag niya ito at nakuha naman niya ang pansin nito.
"Halika ka na dito! Tama na 'yan!" sigaw ni Brantley. Nakita niya nagpaalam ang kanyang kakambal sa kausap nitong mga babae.
"Woah! Ang lamig!" masayang sabi ni Braylon. Sinamahan na niya ang kanyang kakambal at si Brenon.
"Hindi ko na kilala kung sino si Brantley at si Braylon." sabi ni Brenon. Nasa harapan niya ang kambal na parehong may suot na itim na sunglasses.
"Ginawa na namin ito sa mga magulang namin at kay Emil. Ngayon na kasama ka namin ngayon ay ikaw naman ang maghuhula kung sino kami?" ngising sabi ni Braylon. Titignan niya kung mahuhulaan ba ni Brenon, kung sino sila ni Brantley?
"Tumalikod at pumikit ka Brenon. Tapos magpapalit-palit kami ng position ni Braylon. Tapos sabihin mo kung sino kami? Magbilang ka ng hanggang sampo." ngiting sabi ni Brantley.
"Sige pero wag niyo kong lokohin mga gag* kayo ah! Kapag tama ang sagot ko ay sabihin ninyo! Baka kahit tama ang sagot ko ay sabihin ninyong mali ako." sabi ni Brenon. Tumalikod na siya at ipinikit niya ang kanyang mga mata.
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampo!" humarap na si Brenon, sa kambal. Napakunot noo siya dahil parang hindi naman nagpalit ng puwesto sila Brantley at Braylon. Poker face pa ang makikisig na kambal na nasa harapan niya ngayon.
"Ang nasa kaliwa ay si Braylon. Ang nasa kanan naman niya ay si Brantley! Tama ako 'di ba!" ngising sabi ni Brenon. Masaya niyang nilapitan ang nasa kanan niya na akala niya ay si Brantley. Niyakap pa niya ito.
"Mali ka Brenon." ngising sabi ni Braylon. Natawa na lang siya ng biglanng lumapit at niyakap siya ni Brenon. Biglang inalis ng guwapong lalaki ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Seryoso ba mali ako?" nalilito na si Brenon, sa sinabi ni Braylon. Hindi nga niya alam kung totoo bang si Braylon, ang niyakap niya?
"Hindi mo yata masyadong kakilala ang kasintahan?" ngising sabi ni Braylon. Nagkatinginan pa sila ng kanyang kakambal na si Brantley. At sabay pa silang tumawa.
"Brenon, ako to si Brantley!" natatawang sabi ni Brantley. Nilapitan niya ang kanyang kasintahan na inis na inis na yata dahil na rin nakasimangot na ito.
"Kung ikaw si Brantley? Ano ang gusto mong gagawin mamaya?" seryosong sabi ni Brenon, nakatingin siya sa matipunong lalaking nakaakap sa kanya.
"s*x on the beach!" malakas na sabi ni Brantley. Ikinatawa pa ni Brenon, ang sinabi niya. Nagtawanan lang silang tatlo. At nagsimula na silang magbasaan. Walang silang sawang nagswimming sa dagat. Pabilisan pa sila ni Braylon, na lumangoy. At si Brenon, naman ang judge kung sino ang nauna sa kanila ng kakambal niya. Meron pa silang laro na mahawakan ay taya. Habulan silang tatlo na para silang batang nakawala sa hawla.
"Grabe ang saya! Parang bata ulit tayo!" hingal na hingal na napahiga sa puting buhangin si Braylon. Dahil sa paghahabulan nilang tatlo ni Brenon at ng kakambal niyang si Brantley.
"Ang daya ninyo naman. Lagi akong taya." inis sabi ni Brenon. Nakahiga siya sa puti at pinong-pinong buhangin. Katabi niya si Braylon, sa kanan niya. At sa kaliwa naman niya ay si Brantley.
"Ang bagal mo kayang tumakbo!" asar na sabi ni Braylon. Ngumiting tumingin siya kay Brenon.
"Hingal na hingal na nga ako kakatakbo. Hindi ko man kayo mahabol-habol. Brantley, hindi man nagparaya." ngiting sabi ni Brenon, napatingin siya sa kasintahan niyang si Brantley, na nakahiga sa buhangin at nakasuot ito ng itim na sunglass.
"Nagparaya ako ng ilang beses. Pero syempre ikaw lagi ang tinataya ko. Hahaha!" natatawang sabi ni Brantley. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang hampas sa kanyang matipunong dibdib galing kay Brenon.
"Aray! Totoo naman kasi mabagal kang tumakbo. Hahaha! Hindi pa ba kayo nakakaramdam ng gutom? Ako ay kanina pa nagugutom. Tara pasok na muna tayo sa white house. Kumain na muna tayo ng lunch." sabi ni Brantley. Kanina pa siya gutom na gutom sa paglalaro nilang tatlo nila Brenon at kakambal niyang si Braylon. Tumayo siya sa pagkakahiga at iniabot niya ang kamay niya sa kanyang kasintahan na si Brenon.
"Tol ano tara na! Kain na tayo!" aya ni Brantley, sa kanyang kapatid.
"Sige kanina pa rin kasi ako nagugutom!" ngiting sabi ni Braylon. Tumayo na siya sa pagkakahiga niya sa buhangin. Pinagpag din niya ang bunhangin na nasa katawan niya. Nasa likuran siya nila Brenon at Brantley, na magkahawak kamay na naglalakad. Nasabi niya sa kanyang sarili na sana ay siya ang kahawak kamay ni Brenon. Pumasok na sila sa white house at sinalubong sila ni Mang Estong. Ang manager ng Lake Zeus Beach Resort.
"Bago kayo kumain ay kukunan ko muna kayo ng litratong tatlo!" ngiting sabi ni Mang Estong. Naisip nila na maglagay ng mga picture sa front office ng white house. Para malaman ng mga ibang guest kung sino-sino na ang nakapunta dito sa Lake Zues Beach Resort. Kinunan niya ng litrato sila Brenon, Braylon at Brantley.
"Kayo naman kambal ang kukunan ko. Ok lang ba Brenon?" ngiting tanong ni Estong. Nakita niyang tumango si Brenon, sa kanyang pakiusap.
"One, two… Three! Say Cheese!" natawa tuloy si Estong, sa sinabi niya. Dahil parang mga bata ang kinukunan niyang litrato.
"Salamat Mang Estong. Sa susunod namin pagpunta dito ay dapat ay makita namin ang larawan naming tatlo. Pati sa amin ng kakambal kong si Braylon." ngiting sabi ni Brantley.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Pasensya kung naging emosyunal ako. Hindi ko akalain na makikita ko ang larawan namin tatlo dito." ngiting sabi ni Braylon. Napatingin siya kay Penelope, na may iniabot sa kanyang isang puting panyo. Kinuha niya iyon at pinunasan niya ang kanyang luha. Muli ay tinignan niya ang larawan nilang tatlo ni Brenon at kakambal niyang si Brantley.
"Babe sino iyong kasama ninyo ng kakambal mong si Brantley?" usisa ni Penelope. Tinignan niyang mabuti ang lalaking kasama ng kambal.
"Si Brenon, matalik na kaibigan namin ni Brantley." ngiting sabi ni Braylon. Titig na titig siya sa larawan nilang tatlo. Sobrang saya niya dahil muli niyang nakita ang guwapo at maamong mukha ni Brenon.
"Brenon? Nasaan siya?" tanong ni Penelope.
"Wala na siya. Magkasama na sila ni Brantley, sa langit." ngiting sabi ni Braylon.
"Sorry…" nagtaka kanina si Penelope, kung bakit biglang umiyak si Braylon. Habang tinitignan nito ang isang larawan? 'Yun pala ay larawan iyon ng kakambal nito at matalik na kaibigan ng mga ito na si Brenon. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang makisig na fiancé.
"Masyadong madrama na tayo dito. Pasensya na kayo." ngiting sabi ni Braylon. Isang matamis na halik ang binigay niya sa kanyang fianceé.
Hindi alam ni Sandro, kung bakit niya nilapitan ang larawang iniyakan ni Braylon. Sa pagtingin niya sa larawan ay biglang tumaas ang balahibo niya habang tinitignan niya ang larawan na nasa harapan niya. Napaiglad siya ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Napatingin siya kay Treyton, na seryosong nakatingin sa kanya.
"Tara na sa loob." seryosong sabi ni Treyton, nasa loob na kasi ang mga kasamahan nila. At silang dalawa na lang ni Sandro, ang nandito. Napatingin siya sa larawang iniyakan kanina ni Braylon. May kasama ang kambal na isang lalaki. Pinakatitigan niya iyon. Dahil mukhang familiar sa kanya ang lalaking nagngangalang Brenon. Iyon kasi ang narinig niyang sinabi na pangalan ni Braylon, kanina.
"Kakilala mo ba siya?" tanong ni Sandro. Pareho na silang nakatingin ni Treyton, sa larawan na nasa harapan nila.
"Familiar ang lalaking kasama nila Braylon, sa larawan. Parang nakita ko na siya hindi ko nga lang matandaan." kunot noo sabi ni Treyton.
"A-ako rin… Familiar sa akin ang lalaki na 'yan. Parang matagal na kami magkakilala? Hindi ko lang alam kung bakit ko iyon nasabi? Basta ramdam ko na parang nakita ko na siya." naguguluhan si Sandro, sa kanyang nararamdaman ngayon. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang kanyang mga balahibo. May kilabot pa rin siyang nararamdaman habang nakatingin siya sa lalaking nasa larawan.
"Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob baka hinihintay na tayo roon." sabi ni Treyton. Pumasok na sila loob at nakaupo na sila Braylon, iba pang mga kasama nila.
"Saan kayo nagpunta?" tanong ni Zyiar. Kanina pa nila hinihintay sila Treyton at Sandro.
"Tinignan lang namin 'yung larawan na iniyakan bigla ni Braylon." sabi ni Treyton. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa kanyang isip ang larawan ni Brenon.
"Akala namin ay nag-quicky pa kayo." birong sabi ni Aiva. Sobra siyang nagandahan dito sa Lake Zeus Beach Resort. Ngayon lang talaga niya nalaman na may ganitong klaseng beach resort dito sa bayan ng Prado.
"Aiva! Hindi kami nag-quick!" gulat na sabi ni Sandro. Bigla na lang siyang nahiya sa kanyang sarili ng mapansin niyang nakatingin sa kanya ang mga tao sa restaurant ng white house ng Lake Zeus Beach Resort. Napaupo na lang siya sa upuan dahil sa sobrang kahihiyan na nasabi niya. Napalakas pala ang pagkasabi niya. Narinig na lang niyang nagsitawanan sila Aiva, Warren at Zyiar. Napatingin siya sa kanyang mga kaibigan at tinignan niya ang mga ito ng masamang tingin.
"Masyado niyo yata inaapi ang babe ko." ngising sabi ni Treyton. Umupo na siya sa bakanteng upuan na malapit sa upuan ni Sandro.
"Wow! Pa-babe-babe na lang ah?! Sana all!" tuksong sabi ni Zyiar.
"Tumigil nga kayo sa pang-aasar ninyo. Sandali lang pupuntahan ko lang sila Braylon." paalam na sabi ni Sandro.
"Samahan na kita babe." ngiting sabi ni Treyton. Tumayo na siya at inaya na niya si Sandro, na puntahan sa kabilang lamesa sila Braylon at Penelope.
"Kamusta na Braylon." ngiting tanong ni Sandro.
"Maayos naman. Pasensya na kayo kanina kung naginh emosyunal ako. Masyadong maraming alaala ang Lake Zeus Beach Resort sa akin. Palagi kaming nandito ng kakambal kong si Brantley." sabi ni Braylon. Tumayo siya sa pagkakaupo niya para makausap ng mabuti si Sandro. Napatingin siya kay Treyton, na bantay sarado kay Sandro.
"Wala iyon Braylon. Maiba ako… Ang ganda dito sa Lake Zeus. Sobrang ganda dito! Hidden beach resort talaga ito no? Parang hidden paradise." ngiting sabi ni Sandro. Iginala niya ang paningin niya sa paligid ng restaurant ng White House ng Lake Zeus Beach Resort. Alam niyang ito ang unang beses niyang nakapunta dito. Pero pakiramdam niya ay parang nakapunta na siya dito?
Bigla naman napatigil si Braylon, sa sinabi ni Sandro. Iyon din kasi ang sinabi ni Brenon, nung una nitong pumunta dito sa Lake Zues Beach Resort. Natutuwa siya sa kanyang nakikita sa mga mata ni Sandro, na nagandahan talaga ito sa Lake Zeus Beach Resort.
"Salamat naman nagandahan ka dito Sandro." ngiting sabi ni Braylon. Nakita niya si Mang Estong, na nakangiting papalapit sa kinaroroonan nila.
"Kumain na muna kayo bago ko kayo i tour dito sa white house. At tamang-tama ang pagdating ninyo dahil meron kaming event ngayon na bonfire party. Mamayang 8pm pa naman. Kaya puwede kayo makapaghanda." ngiting sabi ni Mang Estong. Sinabi rin niya kina Braylon, na pinahahanda na niya ang mga kuwarto ng mga ito. Buti na lang kahit na marami silang guest ngayon ay marami pa rin bakanteng kuwarto. Lahat ng mga guest ngayon gabi ay nagpareserved ang mga ito. Hindi sila tumatanggap ng walk in. Iba ang kaso ni Braylon. Hindi na iba sa kanya si Braylon at kakambal nitong si Brantley. Kahit na hindi ito nakapagreservation ay pinatuloy niya ito sa Lake Zeus Beach Resort.
"Salamat Mang Estong. Maaasahan talaga kita. Tsaka Mang Estong, gusto namin ni Penelope, na dito kami ikasal. Beach wedding kasi ang gusto namin. At napili namin ang beach resort na ito." ngiting sabi ni Braylon.