Break Na Ba Tayo?
Chapter 26
"Excited na ba kayo na pumunta sa Lake Zues Beach Resort?" ngising sabi ni Braylon. Kakatapos lang nila makapagtour sa Phuka Beach Resort. Masasabi naman niyang maganda ang beach resort na iyon. Ngunit mas maganda talaga ang Lake Zues Beach Resort. Nakita niya si Sandro, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Pareng Braylon, iyon ba ang sinasabi ninyo noon ni Pareng Brantley, na beach resort?" usisa ni Athan. Makailang beses ng naikuwento ni Brantley at Braylon, ang tungkol sa resort na iyon. Sinabi ng dalawa sa kanya na maganda raw doon. Gusto nga niya sumama minsan noon sa kambal ngunit ayaw naman ng mga ito na isama siya. Sabi pa ng dalawa na exclusive lang ang beach na ito sa kanila.
"Oo Pareng Athan, makakapunta ka na rin doon." ngising sabi ni Braylon. Noon pa man ay gustong-gusto na pumunta ni Athan, sa beach resort na iyon. Kaso hindi nila ito pinapayagan na sumama dahil sinabi nila na exclusive lang ang beach resort na iyon sa kanilang dalawa ni Brantley. Syempre pati na rin kay Brenon.
"Sira ulo kayo ni Parenh Brantley. Lagi ninyo sinasabi sa akin iyon. Para bang nang-aasar lang kayo. Hahaha! Kung nandito lang si Brantley, ay sigurado akong masaya iyon." isang matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Athan. Nakita niyang nangilid ang luha ni Braylon, sa sinabi niya.
"Tado mo Pareng Athan. Masyado ka naman madrama. Alam ko naman iyon. Mahilig talaga iyon sa beach." ngiting sabi ni Braylon. Nandito sila ngayon sa parking lot ng Phuka Beach Resort. Pinag-uusapan nila kung ano ang plano nila.
"Pero sa totoo lang ay hindi ako sure kung bukas o tumatanggap pa ng bisita ang may-ari na Lake Zues Resort." biglang naging seryoso ang guwapong mukha ni Braylon. Wala naman kasi siya kontak kay Mang Estong, ang nagbabantay at nag-aalaga ng Lake Zues Beach Resort.
"Pare bakit naman? Baka masayang lang ang pagpunta natin doon" ngising sabi ni Treyton, kanina pa siya naiinis sa mayabang na lalaking nasa harapan nila. Sa tatlong beach resort na pinuntahan at pinaghirapan na hanapin ni Sandro, ay wala man lang itong napili kahit isa. Parang nasayang lang ang pagod sa pakikipag-usap ni Sandro, sa mga manager ng beach resort na pinuntahan nila. Oo aaminin niyanh curious siya sa pinagmamayabang ni Braylon, na beach resort. Ayaw lang niyang magsalita kanina baka masamain nito ang sasabihin niya. Sana pala ay pumunta na sila sa Lake Zues Beach Resort na iyon. Para hindi na sila nagkapagod-pagod na pumunta sa tatlong beach resort na pinuntahan nila.
"Hindi ko nga alam pare kung masasayang ang pagpunta natin doon? Makikipagsapalaran tayo. Kung ok sa beach resort na iyon. Doon na tayo magpalipas ng gabi." ngiting sabi ni Braylon.
"Feeling ko magiging sulit ang pagpunta natin doon babe." ngiting sabi ni Penelope. Hindi na siya makapaghintay na makita ang beach resort na sinasabi ng kanyang fiancé.
"Mabuti pa ay umalis na tayo bago tuluyan na dumilim. Para safe tayo makapunta roon." ngiting sabi ni Sandro. Nakangiting tumango si Braylon. Naramdaman niyanh hinawakan ni Treyton, ang kanyang kamay at pumunta na sila sa kotse nito. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng kotse. Sa pagpasok niya ay agad din pumasok si Treyton. Kitang-kita niya ang inis sa guwapong mukha nito.
"Babe, bakit ganyan ang mukha mo?" takang tanong ni Sandro, hinawakam pa niya ang guwapong mukha ng kasintahan niya. Kanina ay muntikan na silang mag-away dahil nakita nito na kasabayan niyang lumabas sa Wakwak Beach Resort si Braylon. Akala nito ay nakipag-usap siya sa makisig na lalaki. Nagsinunggaling na lang siya kanina. Sinabi niya na kinausap lang niya si Jane Frances, ang manager ng Wakwak Beach Resort. Kaya natagalan siya na lumabas. Buti na lang ay naniwala naman ito sa kanya.
"Nakakainis 'yang si Braylon. Pinapagod tayong lahat. Lalo ka na Sandro, sayang ang pinagpaguran mo." inis na sabi ni Treyton. Hindi man lang ba nahihiya si Braylon, dahil masyado itong pihikan sa pagpili ng beach resort? Kung tutuusin ay hindi naman ito ang magbabayad o gagastos ng beach resort na pagdarausan ng kasal nito. Sa pagkakaalam niya ay si Penelope, ang gagastos dahil wala naman yatang malaking halagang pera si Braylon. Kung makapagmayabanh ito sa sinasabi nitong Lake Zues Resort ay parang ito ang gagastos.
"Sayang? Bakit naman sayang? Ano ba ang sinasabi mo babe?" kunot noo tanong nk Sandro. Nilalambing ni Sandro, si Treyton, para maalis ang init ng ulo nito. Hindi nga niya alam kung bakit naiinis ito kay Braylon?
"'Yung pagpunta natin sa tatlong beach resort. Hindi man lang ba naisip ng gag* na iyon na pinaghirapan mong kausapin ang mga manager ng tatlong beach na pinuntahan natin? Kung tutuusin ay hindi naman siya ang gagastos 'di ba?" inis na sabi ni Treyton. Nabigla siya ng bigla siyang halikan ni Sandro, sa labi. Hindi niya maiwasan na tumugon sa masarap nitong halik
"Hayaan mo na siya babe. Client natin siya kaya kailangan ay sumunod tayo sa kagustuhan niya. Wag natin ipilit ang gusto natin. Hindi porke event planner tayo nila Braylon at Penelope, ay tayo ang masusunod. Nagbibigay lang tayo ng mungkahi sa kanila upang mapadali ang pagdedesisyon nila. Para hindi sila mahirapan na magplano." pagpapaliwanag na sabi ni Sandro. Sinabihan na niya si Treyton, na sundin ang kotse nila Braylon. Dahil ang makisig na lalaki lang ang nakakaalam papunta sa beach resort na tinutukoy nito. Hindi na rin naman siya makapaghintay na makita ang Lake Zues Beach Resort. Ang nakakapagtaka lang kung bakit Lake Zues ang pangalan nito. Parang Forest Lake of Zeus na matagal na niyang hinhanap-hanap ay hindi niya makita. Nagtataka nga siya kung bakit sa mga nakaraang araw ay hindi na niya napapaginipan ang lalaking iyon na madalas niyang mapaginipan. Pati nga si Braylon, ay hindi na niya napapaginipan. Noon kasi ay madala niyang mapaginipan ang lalaki na iyon pati si Braylon, na laging nakahawak sa kanyang kamay. Nasa isang lugar silang magandan at nakatingin lang sila sa kalangitan kung saan punong-puno ng mha bituin.
"Kapag nakapunta na tayo roon ay wag na wag kang lalayo sa akin. Baka sumalisi si Braylon." seryosong sabi ni Treyton. Hinawakan niya ang kamay ni Sandro, at hinalikan niya iyon. Hindi niya hahayaan na mawala si Sandro, sa kanya.
"Dito na ba?" takang tanong ni Sandro. Nakatingin siya sa isang parang abandonadong gusali. Takip silim na kaya parang nakakatakot na ang lugar. Maraming mga punong nakapalibot sa gusaling nasa harapan nila. Bumaba na siya ng kotse dahil parang familiar ang lugar na ito sa kanya. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Treyton, ngunit hindi niya iyon pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa sira-sirang gusali. Sa labas palang ay nakikita na niya ang masukal na loob ng gusali. Meron ng mga damo na tumubo sa loob.
"Sandro!" sigaw na tawag ni Treyton. mabilis niyang isinara ang pintuan ng kotse para habulin si Sandro. Para itong wala sa sariling naglakad papalapit sa gusaling nasa harapan nila. Agad niyang hinawakan ang braso nito para mapatigil ito sa paglalakad.
"Trey!" gulat na sabi ni Sandro. Nakita niya ang labis na pag-aalala sa guwapong mukha ni Treyton.
"Babe ano bang ginagawa mo? Bat tuloy-tuloy kanh naglakad papunta dyan sa gusali na 'yan?" pag-aalalang tanong ni Treyton.
"Familiar ang lugar na ito sa akin. Hindi ko nga lang matandaan kung nakapunta na ba ako dito?" pagtatakang sabi ni Sandro. Nakita niya sila Braylon at Penelope, na patakbong lumapit sa kinaroroonan nila. Pati sila Warren, Zyiar at Aiva, ay lumapit din.
"May problema ba?" usisa ni Braylon. Nandito na sila sa harapan ng Lake Zeus Beach Resort. Wala pa rin pagbabago ang nasa harapan ng beach resort. Medyo kumapal lang ang mga damo na nakapaligid sa sirang gusali nasa harapan ng beach resort na ito. Nagtaka sila ni Penelope, nang makita niya si Treyton na patakbong hinabol si Sandro. Kaya mabilis pa sa alas kuwarto ay bumaba agad siya ng kotse niya para lapitan sila Sandro at Treyton.
"Ah? W-wala naman. Ito na ba ang sinasabi mong resort?" takang tanong ni Sandro. Napatingin ulit siya sa sira-sirang gusali na nasa harapan nila.
"Oo heto na iyon Sandro." sagot ni Braylon.
"Oh my god! Ang creepy namab dito!" maarteng sabi ni Avery, napahawak tuloy siya sa braso ni Athan.
"Naku Avery, wag kang matakot nandito naman ako. Proprotektahan kita." ngising sabi ni Athan. Tumingin siya sa gusaling nasa harapan nila. Tama naman ang sinabi ni Avery, dahil sobrang nakakatakot naman talaga ang gusali. Punong-puno na ito ng damo. Basag-basag na ang mga bintana. Para nga itong nasunog dahil sunog ang ibang bahagi ng gusali.
"Pare play time ba tayo? Kasi wala naman ako naririnig na hampas ng alon? Tsaka pare tignan mo naman ang lugar. Wala akong makitang nakaparadang sasakyan." sabi ni Warren. Sa totoo lang ay pagod na pagod na siya. Gusto na niyang magpahinga.
"Babe sure ka ba na dito talaga ang Lake Zeus Beach Resort? Parang na wrong turn yata tayo?" pag-aalalang tanong ni Penelope. Masyadong nakakatakot ang lugar. Madilim na sa buong paligid. Tanging mga ilaw ng mga sasakyan nila ang nagsisilbing liwanag nila.
"Teka tawagin ko lang si Mang Estong. Sana ay nandito pa siya." umaasa si Braylon, na nandito pa si Mang Estong. Naiintindihan naman niya ang mga reaksyon ng kanyang mga kasama. Lumapit siya sa gusali at hinanap niya ang secret door bell. Sa pagkakaalam niya ay nasa likuran ito ng sirang pintuan. Gamit ang kanyang kamay ay kinapa niya ang secret door bell. Lumiwanag ang kanyang guwapong mukha ng makapa niya ang door bell. Tatlong beses niya iyon pinindot at nakangiti itong bumalik sa kasamahan niya.
"Ano na pare?" naiinip na sabi ni Treyton.
"Hintayin na lang natin si Mang Estong, na lumabas." ngiting sabi ni Braylon. Nabuhayan siya ng loob dahil gumaganap pa ang secret door bell. Ibig sabihin ay nasa loob pa rin si Mang Estong.
Walang ni sino man ang nagsasalita sa kanila. Tahimik silang lahat. Nakatingin at nag-aabang sila sa harapan ng gusali sa paglabas ni Mang Estong. Nagulat na lang silang lahat bukod kay Braylon, na bigla na lanh lumiwanag sa buong paligid. Namangha silang lahat dahil punong-puno ng ilaw ang buonh paligid ng sirang gusali. Hindi nila napansin na may mga nakatagong ilaw pala sa mga makakapal na punong nakapaligid sa gusali.
"Braylon?!"
Naagaw ang pansin nilang lahat ng biglang may lumabas sa gilid ng sirang gusali. Isang matangkad at matandang lalaki. Nakasuot ito ng isang puting tshirt at isang sira-sirang maong na short. Seryosong nakatingin ito kay Braylon.
"Mang Estong!" parang bata si Braylon, na patakbong lumapit sa matandang si Mang Estong. Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya ng malapit siya sa matanda. Hindi na rin naman iba si Mang Estong, sa kanya. Para na nga niyang ikalawang ama ito dahil lagi silang pinapayunan nito kapag pumapasyal sila dito ni Brantley at Brenon.
"Braylon, hindi na ako makahinga. Ang tagal mong hindi pumasyal dito ah? masayang tanong ni Mang Estong. Matagal-tagal na rin hindi pumapasyal dito sa beach resort si Braylon. Simulang mamatay ang kakambal nito ay hindi na ito bumalik dito si Braylon. Nalungkot siya ng mabalitaan niya na namatay si Brantley. Naalala niya ng pumunta siya sa burol nito.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Braylon, nakikiramay ako." malungkot na sabi ni Mang Estong. Nang mabalita niya ang nangyari ay agad niyang pinagtanong ang bahay ng mga Hernandez. Sobra siyang nasaktan at nalungkoy na mabalitaan niya na wala na si Brantley. Lagi itong nasa Lake Zues Beach Resort na binabantayan niya. Bihira lang silang tumanggap ng bisita at isa na roon sila Brantley at Braylon. Minsan ay sinasama ng dalawa ang isa kaibigan ng mga ito na si Brenon.
"Mang Estong, salamat sa pagpunta. Wala na ang kakambal kong si Brantley." malungkot na sabi ni Braylon. Nangingilid na ang kanyang mga luha. Ngunit ayaw na niyang umiyak dahil napaginipan niya kagabi ang kanyang kakambal. Sa panaginip ay sinabi nito sa kanya na wag siyang iiyak dahil malulungkot daw ito sa langit kapag nakikita siya nitong umiyak. Pero minsan ay hindi niya mapigilan na hindi mapaiyak. Sobrang sakit at lungkot nang pagkawala ng kanyang kakambal na si Brantley. Hindi nga niya inaasahan na makikita niya ngayon si Mang Estong, ang taga bantay ng Lake Zues Beach Resort na lagi nilang pinupuntahan ni Brantley.
"Kinalulungkot ko na mawala si Brantley. Pero wag kang mag-alala sa kanya. Sigurado akong masaya na ito kasama ang may kapal." ngiting sabi ni Mang Estong.
"Mang Estong, wala na akong makakasama sa pagpunta sa beach resort ninyo. Wala na akong mapapagsabihin kapag may problema ako. Wala na a-akonh k-ka-kakambal. " tuluyan ng umiyak si Braylon, sa harapan ni Mang Estong. Naramdaman na lang niya ang pagtapik nito sa balikat niya.
"Masakit pero kailangan nating tanggapin na wala na si Brantley. Tandaan mo lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan. Kaya mo 'yan Braylon." seryosong sabi ni Mang Estong. Alam niya na kahit anong sabihin niya kay Braylon, para kahit papaano ay hindi ito labis na masaktan ay walang magagawa. Dahil alam niyang walang kasing sakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Parang hihinto ang takbo ng mundo ng isang tao kapag nawala ang isa sa mahal sa buhay nito.
"S-sobrang sakit lang Mang Estong." umiiyak na sabi ni Braylon.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Namiss kita Mang Estong." nangingilid ang luha ni Braylon, habang kaharap niya si Mang Estong. Simulang mailibing ang kakambal niya ay hindi na niya nakita si Mang Estong. Hindi na rin siya pumunta sa Lake Zues Beach Resort.
"Ako rin Braylon. Parang mga anak ko na kayo ni Brantley. Kamusta ka na?" ngiting sabi ni Mang Estong. Ayaw niyang umiyak sa harapan ni Braylon. Baka mag-iyakan lang silang dalawa.
"Maayos naman Mang Estong. Ikaw ang kamusta?" masayang tanong ni Braylon.
"Heto ok naman. Teka may mga kasama ka pala?" sabi ni Mang Estong. Nakatingin siya sa likuran ni Braylon. Nakita niyang marami itong kasama.
"Tara Mang Estong ipapakilala kita sa mga kasama ko pati na rin sa mapapangasawa ko." ngiting sabi ni Braylon. Nakangiti siyang lumapit sa kasama niya. Isa-isa niyang ipinakilala kay Mang Estong, sila Sandro.
"Hetong magandang binibining nasa harapan natin Mang Estong, ay si Penelope Sanchez. Ang fianceé ko." pagmamalaking sabi ni Braylon. Pasimple siyang tumingin kay Sandro, na nakatingi sa kanila. Napakunot noo siya dahil titig na titig ito kay Mang Estong.
"Penelope Sanchez, po." magalang na sabi ni Penelope. Nakipagkamay pa siya sa matanda. Malugod naman kinuha ni Mang Estong, ang kamay niya at nakipag-hand shake ito sa kanya.
"Sanchez? Ikaw ba ang nag-iisang anak ni Congressman Rafael Sanchez?" tanong ni Mang Estong. Nakangiti itong nakatingin sa magandang binibini. Nakita niyang tumango ito sa katanungan niya.
"Opo ako nga po ang anak ni Congressman Rafael Sanchez." ngiting sabi ni Penelope.
"Ano pang hinihintay ninyo pumasok na kayo sa loob." ngiting sabi ni Man Estong. Hindi niya akalain na ang mapapangasawa ni Braylon, ay ang anak pa ni Congressman Rafael Sanchez. Ayaw na niyang magsalita o magkomento dahil wala naman alam si Braylon, tungkol sa namamagitan sa kakambal nitong si Brantley at si Congressman Rafael. Noong nabubuhay pa si Brantley, ay madalas na nandito ito sa Lake Zues Beach Resort. Kasama si Congressman Rafael Sanchez, minsan ay may kasama ang mga ito na isang magandang binibini. Sa pagkakatanda niya ay Amber, ang pangalan ng babae na iyon. Ayaw niyang maghimasok sa buhay ng kambal. Ngunit noon ay kinausap niya si Brantley, tungkol sa pakikipagugnayan nito kay Congressman Rafael. Sinabihan lang siya ni Brantley, na wag siyang magalala. Pumasok ulit siya sa gilid ng gusali at binuksan niya ang gate ng Lake Zeus Beach Resort.
"Really?! Ang cool naman 'yan!" manghang-mangha si Warren. Sa kanyang nakikita ngayon na pagbukas ni Mang Estong ng secret gate na nakatago sa mga likod ng damo.
"Tara na sa loob." masayang sabi ni Braylon. Inaya na niya sila Emil at Penelope, na sumakay sa loob ng kotse niya. Nagsimula na siyang magdrive papasok sa gate na binuksan ni Mang Estong.
"Kaya hindi naririnig ni Warren, ang hampas ng alon dahil medyo malayo ang mismong Lake Zues Beach Resort sa mismong entrance nito." ngiting sabi ni Braylon.
"Oh my god babe! Totoo ba ang nakikita ko?" gulat na sabi ni Penelope, ang daming nakapark na sasakyan sa harapan ng isang white building o white house. Masasabi niyang ito na talaga ang Lake Zeus Beach Resort. Ang nasa gitna ng resort ay isang malaking fountain. Lalong nagbibigay ng ganda ang maraming mga puno at halaman na nakapaligid sa white building o white house na nasa harapan nila. Pagbukas pa lang niya ng pintuan ng kotse ay agad niyang narinig ang hampas ng mga alon. Para siyang batang excited na makapasok sa carnival.
"Ito ang Lake Zues Beach Resort. Ang nasa harapan natin ngayon ay ang tinatawag na white house. Sa likod ng white house na 'yan ay ang napakagandang beach na nakita ko sa buong buhay ko." pagmamalaking sabi ni Braylon. Nakita nila si Mang Estong na nakasakay sa isang golf cart.
"Pasok na kayo. Marami-rami ang mga guest namin ngayon. Pero wag kayong magalala dahil marami pang maraming bakanteng kuwarto para sa inyo." ngiting sabi ni Mang Estong. Ipinasok niya sa gilid ng white house ang golf cart.
Hinawakan ni Braylon, ang kamay ng kanyang fianceé. At sabay-sabay na silang pumasok sa loob ng white house. Sa pagpasok pa lang nila sa loob ay nangilid na ang kanyang luha sa kanyang mga mata dahil agad nakita ang isang larawan na nakalagay sa pader ng white house. Marami pang mga nakasabit na iba pang mga picture frame ng litrato ng iba't-ibang tao. Alam niyang lahat ng mga nasa larawan ay mga regular guest ng Lake Zues Beach Resort. Dahan-dahan siyang lumapit sa larawan na nakaagaw ng pansin niya. Ang nasa larawan ay tatlong lalaking malalapad ang ngiti habang nakaharap ang mga ito sa kamera. Ang isa ay sa mga lalaki ay siya. Samantalang ang dalawa niyang kasama ay sila Brenon at kakambal nitong si Brantley. Hindi na niya napigilan na bumuhos ang kanyang luha dahil hindi hanggang ngayon pa pala ang larawan nila na ang kumuha ng larawan ay si Mang Estong. Naramdaman na lang niya ang mahinang tapik sa kanyang balikat.
"Hindi ko inaalis 'yan. Dahil alam ko balang araw ay darating ka muli dito. Nakakamiss kayong tatlong magkakasama. Meron pa kayong larawan ni Brantley." ngiting sabi ni Mang Estong. Itinuro niya ang isa pang picture frame na may larawan nila Brantley at Braylon.