Kennedy "Bakit ba kasi ayaw mong sumabay sa akin?"napapikit ako, mula pa kaninang kumakain kami ng almusal, ito na ang tinatanong niya. Bumalik na kami sa Manila, kaya balik narin kami sa trabaho. At inalok niya ako na sumabay na sa kanya papunta sa kumpanya niya pero iniisip ko ang maaaring sasabihin ng mga tauhan niya kapag makita nilang magkasama kaming papasok. "Bakit ba kasi hindi mo rin maintindihan na hindi kasi pwede." "Why?" "Ayokong mapag-usapan."sagot ko. "Ayaw mong mapag-usapan o ayaw mong ma-misunderstand ng isa kong tauhan?" "Si Ian baa ng tinutukoy mo? Bakit bigla siyang nasali sa usapan natin-" "You really memorized his name."sabi niya. "Malamang, maikli lang naman ang pangalan niya. At Blair, ayokong maging laman ng balita."tinignan niya ako. "Bakit gusto mo ban

