Pinagmasdan lang ni Giana si Andress na napasandal sa headboard ng kama at nakatungo ang ulo nito. Ano ba itong nagawa niya? Hindi siya makapaniwala na sa makalipas na oras lang ay pareho silang hubad na pinagsaluhan ang init ng katawan. Ibinaba na niya ang baril sa kama. Pinahiran naman niya ang mga luhang nagsimulang nagsilandasan sa kanyang mga pisngi gamit ang likod ng kanyang kamay. Pinagmasdan niya ulit ang binata, wala kasi siyang ideya kung kailan ito magigising. Pinulot na niya ang baril at naghahanap siya ng pwede niyang maitali kay Andress. Sa pagbukas niya sa drawer may nakita siyang isang roll ng duct tape na saktong pantali niya sa binata. She checked on Aedan again. Nanonood lang ito ng Sesame Street at mukhang libang na libang ito. Kailangan rin niyang siguradohin na hind

