Matinding komusyon ang nagaganap sa loob ng restaurant sa mga oras na yon. Tumayo si Andress at pinuntahan ang kinaroroonan ni Kathy na ngayon ay pinalibotan na ng maraming tao. Nakadapa ang wala ng buhay na katawan ng paralegal habang natatabunan ito sa mga iginuhit ni Aedan na ngayon ay marami ng dugo. Alam niyang on the spot ang pagkamatay ng paralegal dahil sa ulo ito natamaan. Hired killer talaga ang gumawa nito, napatanto niya. Kung hindi pa sila agad nakadapa nina Aedan at Giana, malamang burado na rin sila sa mundong ito. Hindi na rin kailangang makita nina Giana at Aedan ang mga labi ni Kathy dahil hindi niya alam kung papano mag react si Giana. Kailangang mailayo na niya ang magtiyahin sa lugar na to. Binalikan niya ulit ang magtiyahin sa kinaroroonan ng mga ito. Nangingin

