Saturday morning Napuno ng crayons ang tablecloth ng pancake house kung saan kasalukuyang naghihintay at tahimik na nag-aagahan sina Andress, Aedan at Giana. Samantalang hindi naman mapalagay ang binata dahil tatlong oras na yata ang nakalipas matapos ang libing ni Attorney Sulliman at hindi pa rin dumarating ang paralegal na si Kathy Banas. Pakiramdam ni Andress hindi yata siya nabubusog sa kinakain dahil hindi naman siya mahilig sa mga pancake. Napasubo lang siya sa kinakain dahil sa lugar na yon gusto makipagkita ang paralegal. He took a deep sip of the black brew coffee before breaking the silence. "Parang wala ng plano si Ms. Kathy na magpakita satin. Tatlong oras na ang nakalipas matapos ang libing ni Attorney. Hindi kaya..hindi kaya may masamang nangyari sa kanya? parang takot kas

