Chapter 6

821 Words
"Wh-what?" Giana stammered nang marinig niya ang sinabi ni Andress. "Namatay siya two days ago. Nabundol daw ito ng kotse habang nag jo-jogging ito sa loob ng kanilang subdivision. Ang kausap ko kanina ay ang kanyang paralegal. Ang sabi nito, biktima raw si Attorney Sulliman ng hit-and-run." "Strange ang pagkamatay niya di ba? Yong paralegal niya na kausap ko kanina na si Kathy Banas..parang may takot sa boses nito." Lalo namang sumakit ang ulo ni Giana sa mga impormasyong nalaman niya sa sandaling iyon. "Sa tingin mo ba hindi aksidente ang pagkamatay ni Attorney Sulliman?" "Hindi ko alam. Siguro nagkataon lang ang pagkamatay nito sa pagkawala ni Ara." turan nito. "Magkikita pala kami ni Kathy Banas bukas pagkatapos ng libing ni Attorney Sulliman." "Gusto ko ring--" "Ako lang mag-isa." He interrupted. Naku! Naiiirita na talaga siya sa damuhong na ito. Sarap kaya upakan. "Sasama ako sayo." And I don't care whether you like it or not. "At bakit ka naman sasama?" "Ayokong mabagot dito sa bahay mo, lalo lang akong mapaparanoid sa kakaisip sa kapatid ko kung iiwan mo ako dito. Kaya nga gusto kong sumama sayo eh." She was not about to sit there all by herself with Aedan, wondering when the police were going to call and tell her Ara was dead. "Hindi maaari yang gusto mo, Giana. Besides, may pamangkin kang dapat bantayan." "Eh di, isasama rin natin si Aedan. From what I've seen of Aedan tonight, he'll do just fine." mungkahi pa niya at nanalangin siyang mapapayag niya si Andress. "Alam ko na, di ba mahilig siyang gumuhit? Bibilhan nalang natin siya ng crayons at papel para may ibang mapaglibangan siya while isasama natin siya." dagdag niyang sabi hanggang sa marinig nila ang malakas na pag-iyak ni Aedan mula sa taas. Andress shot her a hard look. "Ang galing mong maghanap ng ideya ano? At ngayon na umiyak si Aedan, ano naman ang proposal mong gawin natin?" Wala siyang sagot niyan, kaya pinili na lamang niyang manahimik. Hindi niya kasi alam kung anong dapat gawin tuwing mag ta-tantrums na naman ang pamangkin. There was no need to state the obvious. She didn't know Aedan well enough to comfort him. Wala rin namang sinabi si Andress tungkol kay Aedan. At dahil sa patuloy na pag-iyak ng bata kaya dali-daling umakyat si Andress sa itaas. Mga ilang minuto lang ang lumipas, ang malakas na pag-iyak nito ay napalitan na ng malakas na paghagikhik. Giana waited at the bottom of the stairs and listened to muffled voices. Sa palagay niya, nagkukwentohan na ngayon ang dalawa. Hanggang sa narinig nalang niya ang mumunting mga yabag at ang boses ni Andress. "May peanut butter ako sa baba, buddy. Basta wala munang movie ngayon ha? That was the deal. At pagkatapos matutulog ka na ulit." Mga ilang sandali lang, naroon na sa ibabaw ng hagdan sina Andress at Aedan habang magkahawak ang kamay. "We're having a snack, at pagkatapos patutulogin ko ulit si Aedan." he announced. Napatango si Giana at sumunod na lamang siya sa mga ito sa kusina. Isa-isa silang umupo sa hapag kainan at kumuha si Andress ng tinapay at pinahiran iyon ng peanut butter spread saka iyon ibinigay kay Aedan. Nakaupo lang si Giana roon habang pinagmamasdan niya ang pamangkin na linantakan yong tinapay na may palaman na peanut butter spread. At dahil sarap na sarap ang pamangkin sa pagkain nito sa tinapay parang tumutulo rin ang laway niya sa kinakain nito. "Diyan lang muna kayo, kukuhanan muna kita ng unan at saka kumot para sa sofa bed ka matutulog." anito saka tinalikuran silang dalawa ni Aedan. Kinalimutan yata ng damuho ang pinag-usapan nila kanina. Pero bahala na, sasama pa rin siya nito sa pagkikita nila sa paralegal ni Attorney Sulliman, kahit iyon pa ang maging dahilan sa kanilang pag-aaway. Nang makabalik na sa pagtulog si Aedan. Pinagpatuloy naman niya ang argumento nila kanina. "I need to be there tomorrow. Para marinig ko mismo ang pag-uusapan ninyo ng paralegal ni Attorney." "Hindi na nga kailangan eh. Ako na ang magsasabi sayo sa lahat ng pinag-usapan namin." "Kapatid ko si Ara. Kaya karapatan kong marinig kung anuman ang pag-uusapan ninyo." Napapikit si Andress sa kanyang mga mata. "Alam kong pagsisisihan ko ito." Anito na napapailing. Mukha tuloy itong bobble-head dashboard dog. Kaloka! "So ibig sabihin, pumapayag ka na?" masiglang aniya ng imulat nito ang mga mata. Malapad na ngiti naman ang iginawad niya sa lalaki. Napatango ito. Wow! ang saya-saya dahil napapayag niya ito sa wakas. She wasn't sure why he'd agreed, but she was grateful and more than a little surprised. Basta ang importanti napapayag niya ito. Fifteen minutes later, nakahiga na siya sa malambot na sofa bed. May konting pagkirot pa rin ang ulo niya, but lying flat was already making the pain more bearable. Siguro bukas mawawala rin iyon ng tuloyan. Thankful na rin siya sa araw na iyon dahil nakarating sila ng pamangkin na ligtas sa bahay ni Andress. Pero ang tanong, makakasundo kaya niya ang lalaki sa mga darating pa na araw kung sa una palang ay marami na silang bagay na napagtalunan?" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD