Aedan woke up grumpy nang papalapag na ang eroplanong sinasakyan nila. Naintindihan naman ni Giana ang nararamdaman ni Aedan. Pero si Coco, dinilaan lang ng dinilaan si Aedan sa mukha hanggang sa tumawa ang bata sa wakas. Pagkalapag nila sa eroplano, sinundo kaagad sila ng katiwala nila ni Hecthor sakay ang isang hummer na jeep. "Wow! Ang cool naman ng sasakyang ito." sabi pa ni Giana pagkasakay nito. Napangiti lang sa kanya si Hecthor. "Ligtas kayo sa bahay." Anito at naki high-five ito kay Aedan. Samantalang si Andress naman ay tahimik lang. At halatang namamaga pa rin ang binti nito kahit pa nakasuot ito ng pantalon. "Hindi ko alam kung pano ka namin mapapasalamatan nito." sabi ni Giana. "Hindi na kayo kailangang magpasalamat." sagot naman ni Hecthor. "Matalik kong kaibigan at kas

