Jay's P.O.V. Agad kong tinanggal ang putol na kamay ni Ms. Christine sa aking wrist at agad na tumayo. Naririnig kong kumakalabog pa sya sa pinto kahit naputol ko na parehas ang dalawang kamay nya. Hindi sya tumitigil at agad na tumakbo na ako papunta sa cooking club room. Pagkapasok ko ay nakita kong nakahiga padin sila Eros at Jay. Hindi parin sila gising at mukhang wala padin silang malay. Agad akong lumapit sa kanila at tinignan ang ice cubes na nilagay ko sa pasa nila. Tunaw na ito. Ang dami kong nilagay sa kanila at wala pang isang ay tunaw na agad ang mga ito. Ganon ba sila ka-hot? Pumunta ako sa ref at kumuha ng yelo ulit. Pinalitan ko na din ang towel at nilagyan ito ng yelo. Matapos ay pinatong ko na ito sa kanilang pasa. "Argh." Napahawak naman ako sa ulo ko at nakitan

