Joshua's P.O.V. "Take this with you," sabi ko at inabot ang isang mop na pinutol ko para magaang lang ito. "Thank you," sabi nya at tinanggap naman ang mop. Sinuot nya na ng maayos ang bag na naglalaman ng mga gamot na kinuha namin noon sa clinic. Wala na din kaming extra na pagkain dahil ubos na ito at wala na din kaming makita na pagkain. Panghapon kasi ang klase dito sa 11th building at kokonti lang ang mga pumapasok ng maaga dito. Tinignan ko ng seryoso si Zoe at tumango ko. Tumango din naman sya at nakita kong napalunok ito. Kahit ako ay nakakaramdam ng sobrang kaba at takot ulit pero kailangan namin ito gawin. Hindi kami pwede magkulong at manatiling nandito lamang sa 11th building dahil mas mata-trap kami dito at magugutom lang. Hinawakan ko na ang bintana at sumilip sa la

