ZH: CHAPTER TEN

1646 Words
Joshua's P.O.V. Pagkapasok namin sa 11th Building ay tahimik lang dito at mukhang wala pang nakakapasok na zombie dito. "Lock the door." Utos ko kay Matthew at agad nya namang ni-lock ang double door. "Kailangan muna natin gamutin ang sugat ni Zoe at magpahinga." Sabi ko at naglakad na. "Kailangan natin ng pagkain. Nakakaramdam na ako ng gutom." Sabi ni Matthew. "Pwede kana maghanap ng pagkain sa mga bag sa classroom. Kailangan ko muna gamutin ang sugat ni Zoe." Sabi ko at pumasok sa isang classroom. "Pagmay zombie kang nakita ay agad kang tumakbo papunta dito. Okay?" Sabi ko sa kanya. "Sige." Sabi nya at nagpatuloy sa pagkalad sa hallway. Agad ko namang inupo si Zoe sa teacher's chair. Tinignan ko ang paligid at tahimik lang dito. Medyo magulo din ang mga upuan at lamesa dahil sigurado akong nagpanic ang mga students palabas dito sa building. Tinignan ko naman si Zoe na nakaupo ngayon habang nakayuko at tahimik lang. Kinuha ko ang bag na suot nya at binuksan ito. Kinuha ko ang betadine at panibagong bandage. Lumuhod ako at tinanggal ang sapatos na suot nya. "Masakit padin ba tong sugat mo?" Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang bandage na ngayon ay kulay pula na gawa ng dugo nya. Hindi sya nagsalita at tumango lang. Matapos kong tanggalin ang bandage ay nilagyan ko ito ng betadine. Naramdaman kong napagalaw sya dahil sa sakit. Sobrang lala din naman kasi ng sugat nya. Hindi ako makapaniwala na kayang manakit nila Caye at Asia ng ganito. Pagtapos kong lagyan ng betadine ang sugat nya at inikutan ko na ulit ng bagong bandage ang sugat nya. "Hindi ka pabigat, Zoe," Sabi ko sa kanya at tumayo na. Binalik ko na ang mga gamit sa bag nya at binigay ito sa kanya. Nakayuko padin sya at walang imik. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang isang upuan sa gilid at umupo sa harap nya. "Zoe," tawag ko sa pangalan nya at napatingin sya sa akin. Nakita kong umiiyak ito at sobrang lungkot ng mukha nya. Kinuha ko ang pabilong nyang salamin at pinunasan ito dahil medyo nadumihan ito at alam kong hindi sya makakita ng maayos. Matapos kong punasan ang salamin nya ay sinuot ko din ito agad sa kanya. "Iwan nyo na lang ako," sabi nya at nag-iwas ng tingin. "Bakit?" deretso kong tanong sa kanya. Nakita kong napakagat sya sa labi at pinipigilan ang luha. "Pabigat lang ako sa inyo ni Matthew. Mahihirapan lang kayo dahil sa akin," nakayuko nyang sabi. "Kaya ko naman ang sarili ko. Wag kayong mag-alala sa akin," dugtog pa nito. Tumayo ako at huminga nang malalim. "No. Hindi ka namin iiwan. Hindi kita iiwan, Zoe. Totoo na medyo mahirap dahil sa sitwasyon mo pero hindi ka pabigat. Tandaan mo, kaibigan mo na ako at ang magkaibigan ay nagtutulungan," sabi ko sa kanya at lumabas na ng classroom. Sumandal ako sa pader at narinig ko ang pag-iyak nya. Napabuntong hininga ako dahil dito. Hindi ako papayag na iwan sya dahil tao din sya at kaya nya maka-survive. Kailangan lang nya magpagaling at magpahinga. "Nakakita ako ng mga pagkain!" Sabi ni Matthew at nakita kong lumabas ito mula sa isang classroom dito sa 1st floor. "Ano yang mga nakita mo?" Tanong ko sa kanya. Inabot nya naman sa akin ang isang plastic na hawak nya at binuksan ko ito. Nakita kong may apat na chichirya ito, tatlong tinapay at limang mineral water. Hindi ito sapat. Kailangan din namin ng kanin. Kailangan namin ng pagkain na magbibigay lakas sa amin. "Na-check mo na ba ang 2nd floor?" Tanong ko sa kanya. "Hindi pa. Dito sa 1st floor pa lang." sabi nito at umiling. Napatingin ako sa bintana sa labas dahil napansin kong dumidilim na. Tinignan ko ang relo na suot ko at nakitang 6 P.M. na. Pagabi na. "Tara na sa loob." sabi ko kay Matthew at pumasok kami sa classroom. Nakita ko namang maayos na si Zoe. Nakaupo parin ito. Ngumiti sya nang makita kami at kumaway. "Yo," sabi nito. "Pagabi na at dito na muna tayo magpapalipas ng gabi. Mas lalong delikado sa labas dahil madilim at hindi natin makikita ang daan o kung sino mang makakasalubong natin. Nakapatay ang mga ilaw sa labas sa campus. Malayo din tayo sa electrical room," sabi ko at ni-lock ang pinto dito sa claasroom para kung may zombie man ay hindi ito agad makakapasok. "Nasa 7th building ang electrical room," sabi ko sa kanila at nilapag sa lamesa ang plastic na naglalaman ng pagkain na binigay ni Matthew. "Pagkain ba 'yan?" Agad na tanong ni Zoe habang nakatingin sa plastic at mukhang gutom na gutom na din ito. "May tatlong tinapay dito. Tig-iisa tayo pati na din sa tubig," sabi ko at kinuha ang tatlong tinapay. Inabot ko ito ay Zoe at kay Matthew. Agad namang binuksan ni Zoe ang tinapay at kinain ito. Napangiti naman ako dahil ang takaw nito. Inabutan ko din sila ng tubig at nagsimula na din akong kumain. "Kailangan natin magipon ng lakas para bukas." Yohan's P.O.V. "Sht! bakit ang lakas nya?!" sigaw ni Kelly sa gilid. Napahawak ako sa likuran ko at napangiwi ng maramdaman ang sakit. Bakit sobrang lakas nitong zombie? sobrang layo nya sa mga naunang zombie. "Grrrra!" Sumigaw ito at tumakbo papunta sa akin. Agad akong napatingin malapit sa sinturon nyang suot at nakita ang isang baril. Kailangan namin makuha 'yon? pero pano? "Yohan!" tawag sa akin ni Mika. Agad akong umiwas sa zombie at natumba sya sa sahig. Hinigpitan ko ang hawak sa machete at hinabol ang aking hininga. Tinignan ko si Ryan na nakatingin sa akin ngayon habang hawak-hawak ang baseball bat. "May baril sya! kailangan natin makuha 'yon!" sigaw ko sa kanila at nagulat ako ng mabilis na tumayo ang zombie at tumakbo sa direksyon ko. Agad kong sinangga ang shield na suot ko sa braso pero nasira ito dahil sa lakas ng impact ng pagtama sa akin ng zombie. Agad akong napahiga at napaibabaw sa akin ang zombie. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ang machete at hindi ko ito magalaw dahil masyadong malakas at mabigat ang zombie na ito. "Grrra!" sigaw nito sa aking mukha at napapikit ako dahil sa laway nitong tumulo sa aking mukha. "Fck!!! just die already!" Napadilat ako nang marinig ang boses ni Mika. Nakita ko sila ni Ryan at Kelly na hinahampas ng baseball bat ang ulo ng zombie na ito. Agad na tumayo ang zombie at nagwala. Agad din naman akong tumayo at tumingin kila Mika. "Paglumapit sa akin ang zombie kuhain nyo agad ang baril sa gilid nya!" Utos ko sa kanila at hinigpitan ang hawak sa machete at lumapit sa zombie. Tumingin sa akin ang zombie na para bang nakikita ako nito gamit ang mga puting mata nito. Sumigaw ito ulit at tumakbo sa akin. Mabilis syang tumakbo at agad akong sumandal sa pader at hinarang ang machete. "GRAA!" Sigaw nito sa aking mukha at nakitang nasusugatan na ang kamay nya dahil sa machete na hinarang ko sa akin. Nakita ko naman si Ryan na agad na kinuha ang baril at nang mapatingin sa kanya ang zombie ay agad syang napaatras. "GRAA!!" Sigaw ng zombie sa kanya. Agad kong sinubukan na hiwain ang leeg nya pero nadaplisan lang sya dahil nakailag sya agad. Nagulat ako ng agawin nya sa akin ang machete at tinapon ito sa malayo. Napaatras ako nang makitang naglalakad na ito papunta sa akin. "Yohan!" Sigaw ni Mika. Napatingin ako kay Mika at umiiyak ito. Mukhang nagaalala din ito sa akin. Agad akong napangiti. Concern pa din pala sya sa akin. May natitira pa kaya syang feelings para sa akin? "Let's break up," nakayukong sabi nya sa akin. Valentine's day ngayon at kaming dalawa lang ang nasa classroom. Umuwi na ang mga classmates namin dahil pagabi na din at tapos na ang event sa paaralan namin. Napatingin ako kay Mika na nagpipigil ng luha. "I saw you kissing Lily," mahina nyang sabi at tumulo ang kanyang mga luha. "I thought you love me. Sabi mo mahal mo ako and magbabago kana para sa akin," umiiyak nyang sabi habang nanatiling nakayuko. Napalunok ako at pinipigilan ang aking sarili na yakapin sya. Gustong gusto ko syang yakapin. Gustong gusto ko sabihin sa kanya na mahal ko sya at bigyan nya ako ng second chance pero alam ko ding hindi nya ako deserve. I'm a trash. "Bakit si Lily pa? Bestfriend ko pa.." mahinang sabi nito at pinunasan ang kanyang luha. Gusto kong mag-explain sa kanya. Gusto kong sabihin ang totoo pero walang lumabas sa aking bibig. Nanatili lang akong tahimik at pinagmamasdan si Mika na umiiyak ngayon sa aking harapan. "I trusted you, Yohan," sabi nya at tumalikod na sa akin atsaka naglakad papalabas ng classroom. Napaluhod ako at pinanood ang aking luha na bumagsak sa sahig. "I'm sorry, Mika," mahina kong sabi at sinuntok ang sahig. "I don't deserve someone perfect like you." Mika's P.O.V. *thud* Agad na binaril ni Ryan sa ulo ang zombie at natumba ito. Mabilis naman akong tumakbo papunta kay Yohan nang matumba sya. Kitang kita sa mukha nya ang pagod at sakit na nararamdaman nya. "Yohan! Okay ka lang ba?" umiiyak kong tanong sa kanya habang hiniga ko sya sa hita ko. Napaubo sya at tumingin sa akin. "Are you worried about me?" Nakangiti nitong tanong. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at tatayo na sana nang hawakan nya ang kamay ko. "Don't go. Let's stay like this for now," sabi nito at pinikit ang kanyang mga mata. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Pinunit ko ang puting tela ng uniform ko at pinunasan ang mukha nya dahil puro dumi na ito. Matapos kong punasan ito ay napangiti ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi ka parin nagbabago," mahina kong sabi dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD