ZH: CHAPTER ELEVEN

1735 Words
Eros' P.O.V. "Whooooo!" sigawan ng mga babaeng nanonood ng laro namin ng kalaban ko sa Baseball ngayon. "Hindi ka parin ba susuko?" tanong ni Adam at ngumisi sa'kin. Ngumiti naman ako sa kanya at umiling. He's wrong. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Sikat at isa ako sa pinakamagaling mag-baseball dito sa Zeifra High. "Woah. I like your spirit!" natatawa nitong sabi sa akin. Pumwesto na ako at hinawakan ng mahigpit ang baseball bat ko. "Whooo! Go Eroooooss!!" "Adammm!! kaya mo yan!!" Puro sigawan at tilian ang naririnig ko. I can't concentrate. Nakaka-irita talaga ang mga babaeng nanonood sa amin. Napatingin ako sa babaeng sugat-sugat ang leeg at may dugo ang uniform na tumatakbo papunta dito kaya hindi ko napansin ang pagtira ni Adam ng bola. "Boom! gatcha!" Agad akong napahawak sa tyan ko at napaupo sa sahig dahil sa sakit na nararamdaman. "Eros! ayos ka lang?!" biglang lumapit sa'kin si Jay at tinulungan akong tumayo dahil tumama sa tyan ko ang bola. "Tsk," mahina kong sabi dahil alam kong sinadya ni Adam 'yon at nilakasan nya pa lalo para masaktan ako. Masang tingin ang binigay ko kay Adam na naka-ngiti ngayon sa akin pero.. napunta ang pansin ko sa babaeng kanina pa tumatakbo na papalapit sa amin. Napakunot ang aking noo nang makita ang mukha ng babae. Nakakatakot ang mukha nito. Halos kulay puti na ang kanyang mga mata at sobrang puti nito. May dugo pa ito sa kamay at bibig.. te-teka! "Adam!" sigaw ko dahil nasa likuran na ito ni Adam. "Aahhh!!!" biglang nagsitilian at sigawan ang mga babae at tumakbo papalayo dahil sa nakita. Nanatili lang akong nakatingin kay Adam na... Kinakagat ng zombie sa mukha. "A-ahh! Tulong!!" Sigaw nya habang nakatingin sa akin at sumisigaw sa sakit. "E-Eros.. I think we need to go.." mahinang sabi ni Jay sa akin. "Jay. Is that.. a Zombie?" naka-kunot noong tanong ko sa kanya. "What? no way!" gulat na sagot ni Jay sa akin at nang mapatingin sa amin yung zombie ay agad naman kaming napaatras. "Eros, Runn!!!!" bigla akong hinila ni Jay at mabilis na tumakbo. Napatingin ako sa babaeng Zombie na humahabol sa'min at mukhang desidido itong habulin kami. "Damn!" biglang nahinto kami nang may humarang na isang Zombie sa daanan namin. "Christoffer?" tanong ko dito at tumingin lang ito sakin. "Arr!" bigla itong tumakbo papunta sa'kin at agad kong tinulak si Jay sa kabilang side para hindi sya madamay. Agad kong hinampas sa ulo nitong zombie na ito ang hawak kong Baseball bat. "No way.. may Zombie na talaga?!" hindi parin makapaniwalang tanong ni Jay. Tumimgin naman sa kanya at ngumisi. "Diba ganito yung lagi mong nilalaro?" tanong ko sa kanya at nakitang napalunok sya dahil sa takot. "Let's go." Name: Eros Blythe Age: 17 Jay's P.O.V "San tayo pupunta? marami ng infected!" takot kong tanong kay Eros habang tumatakbo kami. Napatingin ako sa paligid at napahinto ako sa pagtakbo. Kanina ay mapayapa ang lahat at nagtatawanan ang mga estudyante dito pero ngayon ay hindi na. Puro sigawan at takbuhan na. "Maghahanap tayo ng iba pang survivors at kakalabanin natin yung mga zombie tulad nung nasa mga laro." sabi ni Eros habang tumatakbo. "Teka lang!" sigaw ko at napalingon sa babaeng zombie na kanina pa kami hinahabol na ngayon ay may iba nang target. Agad naman akong tumakbo at sinundan si Eros. Sobrang naguguluhan ako sa namgyayari. Hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang ang lahat. Name: Jay Smith Age: 16 Joshua's P.O.V. Natutulog na ngayon sila Zoe at Matthew sa sahig. Buti na lang at may nakuha kaming panglatag sa isang locker dito sa classroom. Nakaupo lang ako sa teacher's chair at pinagmamasdan ang paligid. Tinignan ko ang oras at 8 p.m. na. Wala na din akong naririnig na sigaw o tili ng mga estudyante. Tanging tunog na lamang ng zombie ang naririnig ko. Sinara ko din lahat ng kurtina dito sa classroom. Sumilip din ako sa pintuan at nakitang madilim ang hallway pero wala namang zombie dito. Nakasara at naka-lock padin ang double door o entrance sa building na ito. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung kami na lang ba ang mga nakaligtas o kung mayroon pa sa labas. Pero sana ay mayroon pang ibang mga nakaligtas. Mahihirapan kami nila Zoe na makalabas dito sa Zeifra High kung kami kami na lang ang survivors. Masyadomg madami ang zombies at hindi namin sila lahat kaya. Tinignan ko ang natirang pagkain namin ni lamesa. Puro chichirya na lang ito at dalawang bote ng mineral water. Kailangan ko maghanap ng sapat na pagkain para magkalakas kami bukas. Kinuha ko ang isang mop sa gilid at pumunta ako sa pintuan. Pinihit ko ang door knob at lumabas nang tahimik. Susubukan kong maghanap ng pagkain sa 2nd floor o sa lahat ng palapag hannga't wala akong nakikitang zombie. Pagkalabas ko dito sa hallway ay agad kong tinignan ang magkabilang side ko at sobrang dilim pero wala naman akong naririnig na ingay o galaw kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Habang naglalakad ay tinignan ko ang bintana sa gilid at nakita ang labas. May mga iilang zombie ang naglalakad sa labas at ang ilan ay may mga dala pang parte ng katawan ng tao at kinakain. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa dinadaanan ko dahil hindi ko kayang makita ang mga halimaw na 'yon. Nang makarating ako sa hagdan papunta sa 2nd floor ay humawak ako sa riles at nagsimula nang umakyat. Nakakabingi ng katahimikin at tanging huni ng mga ibon at aking hining lang ang naririnig ko. Nang makaakyat na ako sa 2nd floor ay napatingin ako sa hallway at tahimik din dito. Wala din akong nakikitang gumagalaw. Medyo maliwag dito ng onti dahil madaming bintana dito ang nakahilera at nagbibigay ang buwan ng liwanag sa paligid. Pwede kong buksan ang ilaw pero mas pinili ko na lang na hindi ito buksan. Kahit na bulag ang mga zombie na ito ay baka maaninag nila ang liwanag at magsipuntahan pa dito sa 11th building. Mahirap na. Pumasok ako sa unang classroom na nakita ko at nakitang may mga bag pa na naiwan dito. Agad kong chineck ang bag ng mga estudyanteng iniwan ang bag at nakitang puro candy at chocolate ang nandito sa classroom na ito. Pwede na din ang chocolate dahil nakakapagbigay ito ng energy. Matapos kong tignan ang mga bag ay lumabas na din ako at pumasok sa susunod na classroom. Tuwing may makikita akong pagkain ay kinukuha ko ito at nilalagay sa bag na dala ko. Nang matapos kong pasukin ang lahat ng classroom ay nagtungo na ako sa hagdan papunta sa 3rd floor. Ganun din ang ginawa ko sa mga classroom dito pati na rin sa 4th floor. Naptingin ako sa loob ng bag at napabuntong hininga. Puro tinapay, candy, chichirya at iilang bote ng mineral water lang ang nakuha ko. Hindi pa naman ako sanay na hindi kumakain ng kanin. Tinignan ko ang oras at 9 P.M. na pala. Napahinto ako sa paglalakad nang mapunta ako sa hagdan papunta sa rooftop. Hinawakan ko ang riles dito at dahan-dahan na umakyat. Gusto kong makita kung ano na ba ang nangyayari sa labas. Pagkatapos kong umakyat ay binuksan ko na ang pinto at naramdaman ko ng malamig at presko na hangin sa aking mukha. Napapikit ko saglit at dinamdam ang malamig na hangin. Matapos ay dumilat na ako at naglakad papunta sa gitna. Napayuko ko nang makitang ganun pa din sa labas. May mga zombie padin sa paligid ng Zeifra High at ang mga building na dati ay naaninag ko tuwing nandito ako sa rooftop ay wala na. Hindi ko na sila makita dahil patay ang mga ilaw nito. Napatingin ko sa isang kotse sa labas at umuusok ito. Bumangga bito sa isang puno at nakita kong my zombie sa loob na may kinakain na tao sa loob. Hahakbang na sana ako paatras nang may magsalita. "Why are you here alone?" Napalingon ako dito at nakita si Zoe na humihikab at bagong gising. "Wala naman. Tinitignan ko lang kung gano na kadami ang zombies sa labas at iniisip kung pano tayo makakalabas dito sa building na to at sa Zeifra High," Sagot ko sa kanya. "Ahh," Naglakad sya papunta sa harap at umupo sa sahig. "Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Parang kaninang umaga lang ay masisigla ang mga estudyante dito at nagtatawanan. Pero ngayon ay sobrang tahimik na at madilim," sabi nito at niyakap ang mga tuhod nya. Lumapit ako sa kanya at umupo din sa sahig. Pinagmasdan ko din ang langit tulad nya. Madaming stars ngayong gabi. "Tuwing nakatingin ako sa langit ay nakakalimutan ko mga problema ko," mahina nitong sabi. "Ikaw ba? Hindi mo ba nami-miss family mo?" tanong pa nito sa akin. Nanatili akong nakatingin sa langit at nakita ang imahe ng aking Ina at Ama. "Hindi," sagot ko at tumawa. "Wala naman sa'kin pakialam ang mga parents ko," mahina kong sagot at yumuko. "Lagi naman silang busy. Simula bata pa lang ako ay madalang ko sila makita. Minsan nga once a year ko lang sila nakikita dahil mas importante sa kanila ang pera kaysa sa akin," Sabi ko at pinipigilan mamuo ang luha ko. "Naging pasaway ako dahil gusto kong mapansin nila ako pero baliwala din. Nagaglit lang sila sa akin," Tumawa ako saglit. "Tuwing pasko, new year o birthday ko ay wala sila. Mga maid at kaibigan ko lang kasama ko mag-celebrate. Pero dahil lang naman sa status ng family at pera kaya ako nagkaroon ng kaibigan," napabuntong hininga ako nang maalala ang mga naging kaibigan ko non. "I'm sorry, Joshua," sabi ni Zoe at napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Ngumiti naman ako sa kanya. Hindi nya kailangan maawa sa akin. Hindi ko kailangan non. "It's fine," nakangiti kong sabi sa kanya at tumayo na. "Let's go. Baka magising si Matthew at magpanic dahil nawawala tayo," sabi ko at nilahad ang kamay ko sa kanya para tulungan sya tumayo. Natawa naman sya dahil sa sinabi ko at tinggap nya din ang kamay ko at hinila ko sya papatayo. Naglakad na kami papasok sa loob ng building at pumunta sa classroom. "Nasan si Matthew?" nakakunot noong tanong ni Zoe. Napatingin ako sa hinihigaan ni Matthew kaninang natutulog sya at wala sya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD