Joshua's P.O.V. Agad ko namang tinignan ang guard. Nakita kong napatumba na nya ang dalawang zombie at malapit na sa kanya ang mga zombie na hinahabol kami kanina pa. Agad kong nilabas ang kamay ko at tinawag sya. "Kailangan mo na pumasok! Malapit na sila!" Sigaw ko sa kanya at napalingon sya sa likuran nya. Napaatras sya nang makita ang mga zombie na tumatakbo papalapit sa kanya. Tumingin sya sa akin at tatakbo na sana pero nahawakan sya sa paa ng isang zombie na nakahiga sa sahig. Sinipa sinipa nya ito pero hindi ito bumibitaw sa kanya. "Bilis!!" Sigaw ko sa kanya. "Malapit na sila!" Sigaw ni Zoe sa kanya. Nang makitang ilang hakbang na lang ang mga zombie ay agad akong lumabas sa bintana. "Joshua!" Tawag sa akin ni Zoe. Huminto ako saglit at tinignan sya. "Don't worry,

