Yohan's P.O.V. "Yaaahh!" Sigaw ni Ryan at sunod-sunod na pinagpuputol ang ulo ng tatlong zombie na patakbo sa amin. Hinihingal na tumingin sya sa akin at napahawak sa kanyang tuhod. Mukhang pagod na din sya. Nakita ko ang puting longsleeve nya na naliligo na ngayon sa dugo. "Ryan!" Sigaw ko ng may isang zombie ang lumabas sa classroom at dinaganan sya. "Sht!" Sigaw ko at agad na hinampas ng malakas ang zombie. Tumalsik naman ang zombie sa gilid dahil sa ginawa ko. "Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya at lumuhod para tignan kung may sugat ba sya dahil hindi ako papayag na pati sya ay mawala katulad ni Kelly. Hindi ako papayag na may isa pa sa aming mawala. Mabigat na sa aking pakiramdam ang nangyari kay Kelly. Dahil sa akin kaya ngayon ay wala na sya. Kaya hindi ako pa

