Royce's P.O.V. "Wooow!" Sabi ko nang makita ang niluto na pagkain ni Eros. "Hindi lang ako gwapo, athletic at matalino. Magaling din ako magluto. Full package na ako, san kapa?" Mayabang nyang sabi at naupo na. Umupo naman na kami ni Jay. Tinignan ko ang mga niluto nya. Beef steak, chicken broccoli at scrambled egg. May kanin din pala na nakatambak dito sa cooking club. "Wawww! Masarap!" Sabi ni Jay pagkasubo ng chicken broccoli. "Grabe. Swerte ng magiging asawa ko noh?" Sabi ni Eros at tumawa. Nahinto naman ako sa pagkain at tinignan sya. "Teka," sabi ko at nagtinginan naman silang dalawa sa akin. "Ang dami mong niluto!! Baka wala ng laman yung ref! Pano pagnagutom tayo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanyan. "Oo nga naman Eros. Tama si Royce." Pagsangayon sa akin ni Jay.

