Ryan's P.O.V. Sumilip ako sa bintana at nakita ang mga halimaw na pumatay kay Kelly. Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko sa kanila ngayon. Gustong gusto ko bumaba at paslangin silang lahat pero alam kong hindi ko sila lahat kaya at masasayang lang ang pagkamatay ni Kelly. Binuksan ko ang bintana at tinignan ang mga nakakadiring mukha nila. Pinatong ko sa bintana ang basket na nilagyan ko ng mga libro at iba pang gamit na nakuha ko dito sa classroom para ihagis sa labas at gumawa ng ingay. Una kong kinuha ang mga libro at pinagbabato ito sa mga ulo ng zombie. "GRAA!" Sumigaw ang mga ito at nagtutulakan. Hindi nila alam kung saan ba sila pupunta at kung sino ang hahabulin nila. Sunod kong hinagis ang libro sa malapit sa bakod para doon sila magtungo.

